Chapter 14

180 10 1
                                    


—XYRON POV—

Tanghali na ng magising ako. Nagmamadali akong naligo at nag-asikaso. Pagkatapos ay pumasok na sa trabaho.

Pagdating ko sa Aquarius ay agad akong sinalubong ng secretary ko, si Esther.

“Sir, akala ko hindi ka makakapasok ngayon?” nagtatakang tanong ni Esther sakin.

“Is there any reason for me para hindi pumasok sa sarili kong kumpanya? Ano oras nga pala meeting namin ni Mrs. Reyes?” seryosong tanong ko kay Esther.

“Meeting sir? Diba cancelled na yun?” sagot ni Esther.

“Cancelled? Paano ko ikaka-cancel yun eh importante ang pag uusapan namin. Tungkol sa pagpapaganda ng Aquatic Theme Park.” nagtatakang reaction ko.

“Kasi sir sinabi mo yun sakin na i-cancelled ang meeting kay Mrs. Reyes. Dahil mag po-propose kana sa girlfriend mo. Nga pala sir, musta proposal?” tanong ni Esther.

“Proposal? At bakit naman ako mag po-prosed agad kay Shane? tawagan mo si Mrs. Reyes, tuloy kamo ang meeting. Dadaan muna ako sa Aquatic Theme Park. May kailangan lang ako asikasuhin.” saad ko.

“Yes, sir. Tatawagan ko po ngayon si Mrs. Reyes.” nakangiting pagkakasabi ni Esther saka umalis.

Agad nga ako pumunta sa Aquatic Theme Park, para tignan ang bagong tourist attraction sa loob ng Aquatic Theme Park na pinapagawa ko.

—HYDELINE POV—

Halos mahabang panahon din bago ako muling nakabalik dito Sa Aerwyna Kingdom.

“Maligayang pagbabalik, sayo Hydeline.” nakangiting salubong sakin ni Aqua.

“Magbigay galang sa pagbabalik ng diyosa ng tubig.” sigaw ni Gursel, ang isa sa tapat na kawal dito sa Aerwyna Kingdom.

Agad naman nagsiluhod ang lahat ng nilalang dito sa Aerwyna Kingdom upang mag bigay pag galang sakin.

“Hydeline, ikaw nga ba yan?” masayang pagkasabi ni Hlynn ang ating nakatatandang kapatid.

Kaagad nga ako lumapit sakanya saka siya niyakap.

“Kay tagal mong nawala. Nahanap mo ba sa mundo ng mga tao ang lalaking iniibig mo? Ang lalaking niligtas noong ikaw ay bata pa lamang.” nakangiting pagkakasabi Hlynn.

“Oo. Sa katunayan nga ay nagmamahalan narin kaming dalawa ngayon at nakatakdang mag isang dibdib sa oras na bumalik ako sa mundo ng mga tao.” masayang sagot ko.

“Ikinagagalak ko na malaman ang balitang yan.” nakangiting sagot ni Hlynn.

“Maging ako ay nagagalak rin.” sabat ni Aqua.

“Alam niya na ba na hindi ka niya katulad? Na hindi ka tao kagaya niya. Na isa kang diyosa ng tubig.” tanong ni Hlynn.

“Oo, alam niya na. At natanggap niya kung sino o ano talaga ako.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Ngunit, anong dahilan ng iyong pagbabalik dito sa Aerwyna.” tanong sakin ni Hlynn.

“Nitong nakaraan lamang, may nagtangka sa buhay ko. Dinukot nila ako, ngunit niligtas ako ni Xyron yun ang ngalan ng lalakeng iniibig ko kasama niyang nagligtas sakin ang naging kaibigan ko sa mundo ng mga tao na si Lalaine. Muntik ng mapahamak si Xyron ngunit iniligtas ko siya. Kaya ako ay nabaril. Ang baril ay isang uri ng armas na ginagamit ng mga tao upang makapanakit. Nilagay nila ako sa tubig upang agad na maghilum ang sugat ko, ngunit nabigo sila. Hindi nagawa ng tubig na pagalingin ang sugat ko.” kwento ko.

“Ganyan din ang nangyari sa'ting ina noong inibig niya ang ating ama.” sagot ni Hlynn.

“Hindi ko maintindihan. Bakit nangyari din ito sating ina?” tanong ko.

“Tulad ng lalakeng iniibig mo sa mundo ng mga tao, isa ring tao ang ating ama. Sa mundo ng mga tao rin sila nag kakilala. Ang nangyayari sayo ay isa lamang senyales.” sagot ni Hlynn.

“Senyales ng ano?” sagot ko.
“Na tulad ng ating ina, kailangan mo rin mamili. Ang pag ibig ba para sa lalakeng mula sa mundo ng mga tao o ang pagiging diyosa mo at ang pagkakaroon mo ng walang hangganang buhay.” paliwanag ni Hlynn.

“Kapag ang iniibig mong tao ang pinili mo, kailan man ay hindi kana maaaring bumalik dito. Magiging isang normal na tao ka, at tulad rin ng mga tao magkakaroon ng hangganan ang buhay mo. Ngunit kapag ang Aerwyna ang pinili mo, magpapatuloy ka bilang isang diyosa ng tubig. Alam ko parehas na mahalaga sayo ang katungkulan mo dito sa Aerwyna at ang pag ibig mo para sa taga lupa. Ngunit kailangan mo rin mamamili.” dagdag pa ni Hlynn.

“Si ina, pinili niya ba ang ating ama?” tanong ko.

“Hindi. Dahil mas naging matimbang sakanya ang Aerwyna at ang mga mamamayan dito. Pero 'di rin nagtagal ay bumalik ang ating ina sa mundo ng mga tao upang makita ang ating ama. Ang pagkikita nilang yun ay nagbunga at ikaw yun Hydeline. Ikaw ang isa sa naging bunga sa matamis na pag iibigan ng ating ama't ina. Bumalik ang ating ina dito sa Aerwyna ngunit dahil sa pangyayaring yun ay nagalit ang ina ng ating ina si Naunet. Nasa sinapupunan ka ng ating ina noong ipatapon siya sa mundo ng mga tao. At mula noon ay hindi na nga siya nakabalik dito. Si Aqua ang nagdala sayo dito noong bata ka pa lamang, sinabi niya na ikaw ang nakababata kong kapatid.” kwento ni Hlynn.

“Ang ating ina?” tanong ko.

“Hindi na siya nakabalik pa.” malungkot na pagkakasabi ni Hlynn.

“Ang ating ama nasaan siya? Alam ba niya na nagbunga sa ikalawang pagkakataon ang pagmamahalan nila?” tanong ko.

“Hindi ko narin alam. Ngunit may nakapag sabi na nag asawang muli ang ating ama sa mundo ng mga tao.” sagot ni Hlynn.

“Kung pipiliin ko si Xyron, magiging tulad din kaya ako ng ating ina?” malumanay na tanong ko.

“Maaari na sapitin mo rin ang sinapit ng ating ina.” malungkot na pagkasabi ni Hlynn.

“Kaya pag isipan mo mabuti ang mga pagpapasiyang gagawin mo. Tandaan mo, isa kang diyosa. Pinapalagaan mo ang elemento ng tubig. Kapag binitawan mo ang pagiging isang diyosa. Maaaring maapektuhan ang buong Aerwyna gayundin ang mga taong naririhan malapit sa karagatan.” sambit ni Hlynn saka umalis.

Aquatic Goddess (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon