Chapter 8

271 19 2
                                    


——
Akala ko magbabago ang pagtingin sakin ni Xyron dahil sa pag amin ko sakanya ng totoong ako. Pero nagkamali ako dahil hindi yun naging dahilan upang iwasan ako ni Xyron. Bagkos, ay ipinangako niya sakin na po-protektahan niya simula sa araw na 'to. Ngayon ay maliban sa bestfriend kong si Lalaine, alam narin ni Xyron ang lahat tungkol sakin.

Kahit nasa trabaho ako, lagi ako pinapaalalahan ni Xyron na mag ingat ako sa matutulis na bagay para 'di ako masugatan. Lagi niya rin ako dinadalhan ng mga prutas dahil yun lang naman ang kinakain ko. Kapag umuulan ay lagi niya sinasabi sakin na wag ako malungkot para tumila na ang ulan.

——

Palabas na ako ng Aquatic Theme Park ng harangin ako ako ni Shane. Mababatid sa mga mata niya ang labis na pagkasuklam sakin. Iniwasan ko siya ngunit agad niya akong hinawakan sa braso.

“Hindi ko akalain na sa kagaya mong cheap papatol si Xyron. Ang kapal ng mukha mo para siraan ako. Malandi ka!” akmang sasampalin ako ngunit agad na dumating si Xyron at hinawakan niya ang braso ni Shane.

“B-babe?” nauutal na bigkas ni Shane.

“Nakalimutan mo yata na hiwalay na tayo. At isa pa, hindi ka sinisiraan ni Hydeline sakin. Dahil ako mismo nakaalam ng panloloko mo.” galit na sambit ni Xyron habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Shane.

“Ano ba bitawan mo nga 'ko.” naiinis na sambit ni Shane.

Agad din naman siya binitawan ni Xyron.

“Simula ngayon, kapag nalaman kong sinasaktan mo si Hydeline ako mismo ang makakalaban mo.” pagbabanta ni Xyron kay Shane. Hindi naman agad naka-imik si Shane sa sinabi ni Xyron.
Agad ako hinila ni Xyron palabas ng Aquatic Theme Park.

——

“Are you ok? Sinaktan kaba niya? May sugat ka ba?” nag aalalang tanong ni Xyron sakin habang sinisipat ang braso ko pati pisngi ko.

“Ano ka ba, ok lang ako. Hindi naman siya nasaktan eh. Kasi dumating ka.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo.” seryosong pagkakasabi niya saka ako niyakap.

——

Dahil sa pangyayaring yun, sinabihan ako ni Xyron na wag muna ako pumasok sa work, baka daw kasi sugurin na naman ako ni Shane. Hanggang isang araw, nagulat na lamang ako ng puntahan ako ni Brenth sa bahay.

“Brenth? Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko kay Brenth.
“Binibisita ka, wala naman sigurong masama diba?” sagot ni Brenth.

“May dala nga pala akong paborito mong Mangga.” dagdag pa ni Brenth saka iniabot sakin.

“Ay may bisita pala tayo.” sabat ni Lalaine na kakapasok lang.

“Maupo ka.” sambit ko.

“Dumaan ako sa Aquatic Theme Park kanina. Pero ang sabi ng guard dalawang araw kana daw 'di pumapasok. May sakit ka ba?” tanong sakin ni Brenth.

“Ah, oo. Medyo masama kasi pakiramdam ko kaya hindi muna ako pumasok.” pagsisinungaling ko.

“Ganun ba, tamang tama lang pala yung prutas na dala ko para sayo. Para mabilis kang gumaling. Nakangiting pagkakasabi ni Brenth.

“Salamat.” tipid na sagot ko.

“Ah, Hydeline. Pwede ba kitang yayain na mag dinner mamaya?” tanong ni Brenth.

“Hindi siya sasama sayo.” sabat ni Xyron na kararating lang.

“Xyron?” sabay na pagkasabi ni Lalaine. Halatang maging siya ay nagulat sa pagdating ni Xyron.

“Ikaw? Ikaw yung boss ni Hydeline.” maangas na pagkasabi ni Brenth.

“Ako nga, ano ginagawa mo dito?” maangas na sagot ni Xyron.

“Binibisita ko siya. Anong pakialam mo? Boss kalang ni Hydeline. Wala kang karapatan sa sarili niyang buhay. Eh ikaw? Bakit ka nandito? Dito naba sa bahay ni Hydeline ang office mo ngayon? Ano yun? pagkatapos mo hiwalayan si Shane kay Hydeline ka naman?” maangas na pagkasabi ni Brenth.

“Aba gag* pala 'to.” nangigil na pagkasabi ni Xyron at mabilis na sinuntok si Brenth dahilan para ito'y matumba.

Agad na tumayo si Brenth at saka ginantihan ng suntok si Xyron.

“Xyron! Brenth tama na ano ba! Tumigil na kayo!” sigaw ko habang inaawat namin ni Lalaine sila Xyron at Brenth.

Pero sobrang gigil na gigil sila sa isa't isa kaya hindi nila ako pinapakinggan. Nabasag ang flower base sa gilid dahil natabig ito ni Xyron. Sa pag awat ko sa kanila, ay aksidente akong naitulak ni Brenth kaya napadapa ako sa sahig. Sa kasamaang palad, nahiwa ang kamay ko ng bubog mula sa nabasag na flower base. Kasunod nga nito ang pagdugo ng palad ko at. Hindi ako agad nakatayo nakatitig lamang ako sa palad ko na dumudugo.

Mabilis akong nilapitan ni Xyron at saka hinubad ang suit na suot niya saka binalot sa kamay ko.

“Ok kalang?” nag aalalang tanong nito sakin.

“Brenth pakiusap umalis kana muna.” pakiusap ni Lalaine kay Brenth.

“Hindi pa tayo tapos.” banta ni Brenth kay Xyron saka umalis sakay ng motor niya.

Mabilis na kumuha si Lalaine ng tabo na may tubig saka nilublob ang kaliwang kamay ko. Ilang saglit lang ay naghilum na ang sugat sa kamay ko.

“Gusto ko humingi ng sorry, hindi dapat ganun ang naging reaction ko kanina. Dahil sakin nasugatan ka. Mabuti nalang hindi nakita ni Brenth ang nangyari sa dugo mo.” malumanay na pagkakasabi ni Xyron.

“Nasaktan ka ba?” agad na tanong ko kay Xyron.

“Wag mo 'ko alalahanin, malayo sa bituka 'to.” nakangiti na pagkakasabi ni Xyron saka hinawakan ang kamay ko.

“Sir Xyron, bakit ganun na lang yung inis sayo ng Brenth na yun? Saka paano niya nakilala si Shane?” tanong ni Lalaine.

“Magkapatid sila. Step sister ni Brenth si Shane.” sagot ni Xyron.

“Talaga?” gulat na reaction ni Lalaine.
“Ano nga pala ginagawa niya dito?” seryosong tanong ni Xyron.

“Ano pa nga ba, edi binibisita si Hydeline.” sagot ni Brenth.

“Nililigawan ka ba niya? O nagpapaligaw ka ba sa Brenth na yun?” seryosong tanong ni Xyron habang nakatitig sakin.

“Hindi. Magkaibigan lang kami.” agad na sagot.

“Mabuti naman kung ganun. Dahil 'di kana pwede magpaligaw sa iba. Sakin ka lang.” seryosong pagkakasabi ni Xyron at agad akong niyakap.

Aquatic Goddess (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon