“AQUATIC GODDESS”
(Chapter 28)
—HYDELINE POV—
“4months ka ng buntis pero bakit parang ang sexy mo parin? Parang 'di lumalaki t'yan mo?” nagtatakang tanong ni Lalaine.
“Hindi talaga lalaki ang tiyan ni Hydeline tulad sa inyong mga tao. Ang kulay sa mata ng isang diyosa tulad ni Hydeline ang magiging palatandaan kung siya ay malapit na magsilang ng sanggol.” sabat naman ni Atlas.
“Anong kulay ba ng mata kapag malapit na magsilang ng sanggol si Hydeline?” tanong naman ni Ynna.
“Magiging kulay berde ito.” sagot ko.
“Ay grabe pala ang astig.” manghang manghang sagot naman ni Lalaine.
——
Makalipas nga lang ang tatlong linggo ay nagsilang na ako ng isang malusog at napakagandang sanggol, na pinangalanan nga namin na Cordelia.
“Grabe ang cute cute naman ni baby delia.” nakangiting pagkakasabi ni Lalaine.
“Delia?” agad na sabat ni Atlas.
“Nickname niya yun ano ba.” sagot naman ni Lalaine.
“Tignan mo yung mata, manang mana sa mommy niya.” sabat naman ni Ynna.
“Sa tingin mo kaya sis, may powers din 'tong baby mo? Katulad sainyo ni Atlas?” tanong ni Lalaine.
“Hindi ko alam, malalaman natin yan sa oras na mag edad siya ng pitong taon. Depende kung ano ang ibibigay sakanya. Tulad samin ni Atlas, magkapatid kami pero magkaiba ang elemento na pinapangalagaan namin.” paliwanag ko.
—2weeks later—
Masaya namin nilalaro ang anak namin ni Xyron na si Cordelia ng bigla nalang siya himatayin. Taranta akong tinawagan si Lalaine saka agad na tumawag ng ambulance.
——
Agad nga sinugod si Xyron sa sarili nila mismong hospital.
“Anong nangyari?” agad na tanong ni Atlas na kararating lang kasama si Ynna.
“Hindi ko alam, pero bigla nalang siya bumagsak kanina.” nag aalalang sagot ko.
“Don't worry, I'm sure inaalam na ng doctor ang nangyari sakanya. Magagaling ang mga doctor dito. Hindi siya pabababayan.” nakangiting pagkakasabi ni Ynna.
“Si baby delia, nasaan nga pala siya?” tanong ni Lalaine.
“Na kay mommy siya. Mamaya pupunta dito si Mommy kasama si baby delia.” sabat ni Ynna.
Ilang saglit pa ay may lumabas ng doctor, at kaagad ako nito kinausap sa office niya.
——
“Cancer? May cancer ang asawa ko?” sambit ko habang unti unti pumapatak ang luha sa mga mata ko.
“It's a rare kind of cancer. Wala siyang symptoms. Malalaman na lang kapag malala na ito kapag....kapag madalas nahihilo at nawalan na ng malay ang sino man ang dapuan ng sakit na 'to.” paliwanag ng doctor.
“Magagamot ba naman ang asawa ko diba?” paninigurado ko.
“I'm sorry Mrs. Del Fuego pero tatapatin na kita. Mababa ang tiyansa na makaligtas ang asawa mo.” malumanay na sagot ng doctor.
“Pwede ko po ba siyang puntahan?” tanong ko.
“Yes.” sagot ng doctor.
——
Lumabas ako ng sild na yun, na patuloy ang pag agos ng luha sa mata ko. Agad naman ako sinalubong nila Lalaine, Ynna at Atlas.
“Anong sabi ng doctor?” agad na tanong ni Lalaine.
“May rare cancer daw si Xyron, mababa rin ang chance na maka-recover siya.” sagot ko.
“Oh God!.” sambit ni Ynna.
——
Pumasok ako silid kung saan naka-comfine si Xyron. Kasama ko sa loob si Atlas, habang nagpaiwan naman sa labas sila Ynna at Lalaine.
“Sabihin mo sakin, may iba pa bang paraan para gumaling si Xyron?” malumanay na tanong ko kay Atlas, habang hawak ko ang kamay ni Xyron.
“Meron.” tipid na sagot ni Atlas at agad ako napatingin sa kanya.
“Ano? Sabihin mo sakin.” seryosong pagkakasabi ko.
“Pero hindi mo yun maaaring gawin.” seryosong sagot naman ni Atlas.
“Kung para sa kaligtasan ni Xyron, gagawin ko.” seryosong pagkakasabi ko habang pumapatak ang luha sa mga mata ko.
“Pwede mo gamitin ang kapangyarihan mo para gumaling at mabuhay pa si Xyron, pero buhay mo ang maaaring kapalit nito.” seryosong pagkakasabi ni Atlas.
“Mamamatay ka, kapag ginamit mo ang kapangyarihan mo ang healing power mo sa isang mortal na tulad ni Xyron.” dagdag pa ni Atlas.
Mahal ko si Xyron, kaya lahat gagawin ko upang madugtungan pa ang buhay niya.
“Kayo na ang bahala kay Cordelia, kapag wala na ako. Sabihin mo kay Xyron na wag siyang malungkot dahil lagi lang ako nasa tabi niya. Sa tuwing umuulan isipin niya na niyayakap ko sa pamamagitan ng tubig ulan. Mahalin at alagaan niya ang anak namin, dahil yun nalang ang magiging huling alaala ko sakanya na minsan ang diyosang tulad ko ay umiibig sa taga lupang tulad niya.” sambit ko habang patuloy ang pag agos ng mga luha sa mata ko.
“Hindi ako papayag na gawin mo yan.” pigil sakin ni Atlas.
“Ako parin ang nakatatandang kapatid mo at mas mataas ang katungkulan ko sayo kaya susundin mo 'ko.” seryosong pagkakasabi ko.
“Lumabas kana ng silid na 'to. At wag mo sasabihin sa kanila kung ano ang naging plano ko.” dagdag ko pa.
Bago umalis si Atlas ay niyakap niya pa ako, nakita ko rin ang lungkot sa mga mata niya.
——
“Nang makilala kita, wala na akong iba pang pinangarap kundi ang makasama ka habang buhay kahit na magkaiba ang mundo nating dalawa. Kung sa pag mulat ng mata mo ay wala na 'ko lagi mo tatandaan na nand'yan ako lagi sa puso mo. Wag mong papabayaan si Cordelia, mahalin mo ang anak natin tulad ng pagmamahal mo sakin. Mas gugustuhin ko pa na tuluyan maglaho kaysa patuloy na mabuhay na hindi ka kasama. Xyron, Mahal na mahal na mahal kita.” sambit ko saka sinimulan ilipat ang natitira kong lakas kay Xyron.
—ATLAS POV—
“Ano yun? Narinig niyo ba yun?” agad na tanong ni Lalaine ng marinig ang malakas na kalampag mula sa silid ni Xyron.
Agad naman kami pumasok sa loob. Bumungad samin ang nakahandusay na katawan ni Hydeline sa sahig. Agad kong nilapitan ang kapatid ko.
Ilang sandali pa ay nagising na si Xyron, ngunit wala ng buhay ang kapatid ko.
—XYRON POV—
“Atlas? Ynna? Lalaine?” sunod sunod na bigkas ko ng makita sila sa silid ko na umiiyak.
“S-si Hydeline? Nasaan si Hydeline?” nanghihinang tanong ko.
Hanggang sa mapalingon ako sa kaliwa ko, akay ni Atlas ang kapatid niyang si Hydeline. Agad kong tinanggal ang naka-kabit na swero sakin saka nilapitan si Hydeline.
“Hydeline, gumising ka.” tarantang pagkasabi ko habang tinatapik ang pisngi ni Hydeline ngunit para itong lantang gulay.
“Bakit hindi pa kayo tumatawag ng doctor?!” naiiyak na pagkasabi ko.
“Hindi na kailangan. Wala narin naman silang magagawa pa.” malungkot na pagkakasabi ni Atlas.
“Anong ibig mong sabihin?” naiiyak na tanong ko.
“Ibinigay ni Hydeline sayo ang lahat upang patuloy ka pang mabuhay. Ngunit ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.” seryosong pagkakasabi ni Atlas.
“Hindi...hindi totoo yan..Hydeline gumising ka..Hydeline!” sigaw ko saka umiyak ng umiyak.
“Sabi mo 'di mo ko iiwan. Nangako sakin diba? Nangako ka!” sambit ko habang nakayakap sa wala ng buhay na si Hydeline.
——
—7years later—
—XYRON POV—
“Look dad, I can control the water. This is so amazing. How can I do this Dad?” manghang manghang pagkasabi ni Cordelia.
“Dahil tulad ng mommy mo, ikaw rin ay ang taga pangalaga ng elemento ng tubig.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Talaga daddy? So totoo yung sinasabi ni Tito Atlas na si Mommy ay Aquatic Goddess?” tanong ni Cordelia.
“Yes, baby she's an Aqautic Goddess.” sagot ko na tila 'di ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha mula sa mata ko.
“Namimiss mo si mommy, daddy?” malumanay na tanong ni Cordelia.
“Yes baby. I miss your mom so much. I miss her so much.” sagot ko at napayakap nalang sa 7year old na anak namin ni Hydeline.
—THE END—
——
Thank you for supporting the fantasy-romance love story of Hydeline the Aquatic Goddess who fell in love to a human, Xyron.
I'm planning to make Part 2 but I don't know when.
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.