——
“Saan ka galing?” agad na tanong sakin ni Lalaine.
“May tinanong lang sakin si Xyron.” sagot ko.
“Tungkol saan? Ay wait, sinabi mo ba sakanya yung nalaman natin?” magkasunod na tanong ni Lalaine.
“Hindi, nagsinungaling ako. Sinabi ko na ang dahilan ng pagpunta ko kahapon sa Aquarius ay dahil sa gusto ko sanang dagdagan yung tourist attraction dito sa Aquatic Theme Park.” kwento ko.
“Mabuti naman kung ganun, eh ano sabi niya?” tanong ni Lalaine.
“Ok daw yun, saka pinagalitan niya ako dahil nakikipag usap ako kay Brenth kanina. Oras daw ng work yun.” sagot ko.
“Oras ng work? Break time mo yun diba? Ay teka, bakit parang feel ko nagseselos si Sir Xyron.” paghihinala ni Lalaine.
“Magseselos? Siya? Wala naman siya dahilan para magselos.” agad na sagot ko.
——
After namin mag-usap ni Lalaine ay bumalik na ako sa loob. Pag dating ko sa loob ay nakita kong andoon parin si Brenth. Malayo palang ay nakangiti na siya agad sakin.
“Andito ka pa?” nakangiting tanong ko.
“Oo, iniintay kita.” nakangiting sagot ni Brenth.
“Bakit?“ takang tanong ko.
“Ah, gusto ko kasing malaman kung anong oras ang uwe mo mamaya. Kung ok lang sayo, ihahatid nalang kita. Baka kasi maulit na naman yung nangyari kahapon.” concerned na pagkakasabi ni Brenth.
“Ah salamat pero hindi mo naman kailangan gawin yun. May kasabay na ako umuwe mamaya, si Lalaine yung kaibigan ko.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Magkaibigan naman tayo, isa pa. Hindi lang talaga ako mapapanatag kapag hahayaan kitang umuwe ng mag isa.” seryosong pagkakasabi ni Brenth habang nakatitig sakin.
Nailang ako kaya iniwas ko yung tingin ko. Hanggang sa mapansin kong nakatingin pala samin si Xyron pero agad din siyang umalis.
“Ah, ok sige kung yan ang gusto mo.” sagot ko saka napilitang ngumiti.
“Talaga? Ok sige, mag iintay ako hanggang mamaya na uwian niyo para maihatid ko kayo ng kaibigan mo.” masayang pagkakasabi ni Brenth
——
10PM, oras na ng uwian ng lahat ng empleyado sa Aquatic Theme Park. Matapos kong kunin ang gamit ko sa locker ko ay lumabas na ako, pero agad akong hinarang ni Xyron.
“X-xyron?” pagtataka ko.
“Mamaya kana umuwe.” seryosong pagkakasabi niya.
“P-pero si Lalaine, inintay na ako sa labas.” agad na sagot ko.
“Ako na bahala na sabihan si Lalaine. Pero ikaw kailangan mo mag overtime. Tutulangan mo 'ko na mag isip ng iba pang idea para mapaganda itong Aquatic Theme Park.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
“Huh? Over time? Seryoso ka po? Over time pero ako lang? I mean ikaw at ako lang? Hindi ba't parang abuso na yun? I mean, bakit kailangan ako lang ang mag over time? Saka pwede naman ipagpabukas siguro yung brainstorming para dito sa Aqauatic Theme Park diba S-sir?” salaysay ko.
For the first time yata tinawag kong sir si Xyron na usually 'di ko ginagawa noon.
“You still my boss and you're my employee. So, sino ang masusunod? It's me ofcourse. Tara sumunod ka sa office ko.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
Habang naglalakad ako papunta sa Office ni Xyron ay agad kong tinawagan si Lalaine.
“Ang tagal mo d'yan sa loob? Naglabasan na yung lahat ng empleyado.” bungad na tanong ni Lalaine.
“Sorry Lalaine, pero mauna na kayo umuwe ni Brenth. Si Xyron kasi eh, pinag overtime ako.” sagot ko.
“Over time? Ikaw lang?” tanong ni Lalaine.
“Ewan biglaan nga eh. Sige balitaan nalang kita mamaya. Baba ko na 'to. Ingat nalang sa pag uwe niyo. Pasensya na ulit pakisabi kay Brenth.” paalam ko, saka binaba ang tawag ko.
——
Pag dating ko sa office ni Xyron. Naabutan ko siya na nakaupo sa desk niya habang may tinitignan na mga papers.
“Sorry kung 'di na ako kumatok” mahinahon na pagkakasabi ko. Tumango lamang siya.
“Yan, tignan mo yan. Mamili ka ng tatlong design na pwede natin gamitin dito sa Aquatic Theme Park.” seryosong pagkakasabi ni Xyron sabay bigay sakin ng mga tinitignan niyang papers kanina.
“Design niyan ng apat sa pinakamagagaling na archetic sa UK.” dagdag niya pa.
Medyo nahirapan ako mamili dahil lahat naman ay magaganda, pero may isang design ang nakapukaw sa atensyon ko. Ang isang palasyo sa ilalim ng karagatan.
“Ito, sa tingin ko kapag ginamit natin yan dito sa Aqautic Theme Park, maraming bata ang matutuwa. Hindi lang yun, mukha rin siyang Instagramable.” nakangiting pagkakasabi ko sabay turo sa ikatlong papel.
Agad naman lumapit sakin si Xyron upang tignan ang sinasabi ko. Sa pagkakataon na yun ay halos magkadikit na ang pisngi namin dalawa kaya medyo umiwas ako ng kunti sakanya. Nahalata niya yun at medyo ngumisi siya, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganun.
“Natulungan na kita makapili, pwede na ba ako makauwe?” tanong ko.
“Hindi pa.” agad na sagot nito.
“Huh?” medyo naiinis kong reaction.
“Ano ba talaga relasyon niyo ng Brenth na yun. May gusto ba siya sayo?” naiinis na tanong ni Xyron.
“W-wala. K-kaibigan ko lang siya.” nauutal kong sagot.
“That's good then.” seryosong pagkakasabi niya.
“And next time, ayaw ko nakikitang nakikipag usap ka sakaniya.” dagdag pa niya.
“Nagseselos ba siya?” bulong ko sa sarili ko
“Wait me here, may kukunin lang ako.” seryosong pagkakasabi saka lumabas ng office niya.
Nang makaalis siya ay nagkaroon ako ng pagkakataon para matawagan si Lalaine.
“Oh, pauwe kana ba?” tanong ni Lalaine.
“Hindi pa.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Ano? Anong oras na ah. Mag a-alas dose na.” gulat na reaction ni Lalaine.
“Ah andyan na yata si Xyron, I'll call you later.” paalam ko.
Pag dating ni Xyron ay may dala siyang dalawang Cup Noodles.
“Let's eat.” nakangiti nitong pagkakasabi saka inabot sakin ang isang cup noodles.
“Mas gwapo ka pala kapag nakangiti.” seryosong pagkakasabi ko.
“Hub?” paglilinaw ni Xyron.
“Ah wala, sabi ko salamat.” pag deny ko.
“Tell me about yourself.” seryosong tanong ni Xyron.
“Bakit po?” agad na tanong ko.
“Wala lang, mas gusto pa kasi kitang makilala. Pero kung ayaw mo, ok lang.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
“Ah, hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula.” sagot ko.
“About your family, and sa mga hilig mo. Where you from.” sambit ni Xyron.
“Hindi ko na nakilala yung totoong mga magulang ko. Simula pagkabata, siguro mga 8years old ako, yung Lola Claudia ko na ang nag aruga sakin. Yun lang ang alam ko, wala na kasi ako matatandaan sa pagkabata ko.” pagki-kwento ko.
“Ikaw?” tanong ko.
“Parehas pala tayo, wala narin akong mga magulang. They died when I was 10years. Nasa bakasyon kami noon sa Maldives ng magkaroon ng problema ang yateng sinasakyan namin. I'm the only who survived dahil sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. At ng ipasa nga sakin ng Lolo ko ang pagiging president niya ng kompanya nagpatayo ako ng Aquatic Theme Park, kung mapapansin mo lahat ng negosyo ko maging ang pangalan ng company connected sa tubig yun ay dahil bilang pag alala sa huling sandali na nakasama ko ang mommy at daddy ko, at higit sa lahat. I'm still hoping na makikita ko siya ulit.” pagki-kwento ni Xyron.
“Siya? Sinong siya?” takang tanong ko.
“Sabihin ko man sayo ay hindi mo rin naman siya kilala, kaya wag nalang.” seryosong pagkakasabi ni Xyron.
——
Dahil sa kwentuhan namin ay hindi ko na namamalayan ang oras. Nagising na lamang ako na naka higa ako sa sofa sa loob ng office ni Xyron, naka-kumot din sakin ang black suit na suot niya kanina. Habang si Xyron ay nakasandal lang sa upuan niya. Nang mapatingin ako sa oras sa cellphone ko 8AM na.
BINABASA MO ANG
Aquatic Goddess (BOOK #1)
FantasyHydeline is a 25year old girl who has an ability to control the water element, bumubuhos ang malakas na ulan sa tuwing malungkot siya at umataas naman ang alon sa dagat sa tuwing nagagalit siya. Her blood droplets can turn into a ruby stone.