This chapter is dedicated for you, bub . Thank you for always being there for me since day 1, for supporting and for motivating me to continue my passion and to never give up on it. Thank you ❤️
_______________
"Kels, bababa na kami for lunch. Ayaw mo ba sumabay?" tanong sa'kin ni Amanda, isa sa mga ka-close ko sa office. "Ipahinga mo na din muna 'yang mga mata mo. Kanina ka pa babad na babad sa computer mo."
"Sige lang, Mands. Malapit na din naman ako matapos," I informed her while still looking at my monitor screen. "Saan ba kayo kakain? Susunod na lang ako after I finish this."
"Sa chowking sa tapat," sagot niya. "Sure ka bang susunod ka? Or baka hindi ka na naman maglalunch."
"Promise, susunod ako dun. Miss ko na kaya mag Chao fan," tawa kong sabi.
Nagpaalam na sila Amanda at iba ko pang mga katrabaho. Bumalik na ako sa pagfofocus sa ginagawa ko. Bigla kasi binago ang deadline for this report to this afternoon imbes na next week pa. I really hate unorganized bosses but what can I do? I'm just a mere employee and the rules? The boss is always right.
Focus na focus na sana ako sa ginagawa ko ng bigla tumunog phone ko, which made me flinch. I took a deep breath and massaged my temples before answering the call.
"Hello mahal," tamlay kong bati sa tumatawag. "Napatawag ka ho? Miss mo naman ako agad."
"Sobra, mahal! Teka, bakit ang tamlay ata ng boses mo? Did you eat lunch na ba?" Dominic, my boyfriend, asked me.
"Not yet, mahal. Kailangan ko tapusin 'tong monthly report eh," paliwanag ko sa kanya at humikab. "Ikaw? Kumain ka na ba? Huwag ka magpalipas kung ayaw mo bumalik ulcer mo."
"Huwag ka mag-alala mahal. Hindi na 'yun babalik kasi hindi ko naman siya mahal," pagbibiro ni Dom. "Pero eto nga. I called because may biglaang team building this weekend. Ayoko sana sumama kasi monthsary natin bukas. Kaso, kailangan mahal eh."
"Ganun ba? Okay lang, mahal. Work related naman eh kaya naiintindihan ko," I assured him. "How about we celebrate it tonight na lang? Para naman we can celebrate it kahit papano."
"Sure ka ba mahal? Iba kasi talaga kapag on the day mismo," he said in a worried voice.
"Yes, mahal. Don't worry about me. So, game ka tonight?" I asked him as I continue to do my work.
"Sige, mahal. Babawi talaga ako sa'yo mamayang gabi," masigla niyang wika. "I love you, Kels! I'll pick you up later after work. And please eat your lunch."
"Yes, mahal. I will. I love you too, Doms," I replied. "Sige na mahal. Tapusin ko na 'to para makakain na ako. Bye!!"
Nagpaalam na si Dominic at saka ko pinatay ang tawag. Bumalik na ako sa pagtatrabaho, para naman matapos ko na ginagawa ko.
Pagkatapos ng limang minuto, natapos na din ako. Sa wakas makakakain na ako. I quickly sent the report to my boss's email amd turned off my computer right after. Kinuha ko na 'yung wallet ko at nagmadali na papunta sa Chowking, at sana naman maabutan ko pa sila Amanda.
As soon as I went in the store, kumaway ako sa kanila para malaman nilang andito nako. Buti na lang at wala ng pila kaya naka order agad ako ng isang Chao Fan with steamed siomai and extra siomai. I don't know but I just love siomai, kahit saang tindahan pa 'yan. Kaya if you're a siomai lover, magkakasundo tayo dyan, ghorl!
"Buti na lang at nakaabot ka pa. Paalis na sana kami eh," batid ni Pearl, isa sa mga kaibigan ko sa kompanya. "Ewan ko ba kung bakit ang tiyaga tiyaga mo sa boss mo, Kels. Buti hindi ka sumasabog kahit araw araw 'yun wala sa mood."
BINABASA MO ANG
Ikaw pa rin ang Pipiliin
RomanceSHATTERED SERIES #1 "Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan? Baka naman, sa susunod na habang-buhay, na lang." Ano ang gagawin mo kapag isang araw, nakita mismo ng iyong mga mata ang pagkawasak ng tiwalang binigay mo sa kanya? Iiwan mo ba...