Ten

97 5 42
                                        

Nahiga lang ako sa kama ko, nakatitig sa kawalan, habang paulit-ulit naiisip 'yung sinabi sa'kin ni Francis. Kahit ilang oras na ang nakalipas magmula noon inamin ni Fran ang katotohanan ng pagloloko ni Dominic, I still can't get it off my mind. He apologized countless times for protecting his best friend even though he knew it was hurting me. I forgave him because I knew he meant well for Dominic and I.

Umikot ako sa higaan at nasa kabilang gilid na ako ng kama. Saktong tumama mata ko sa picture frame kung saan ang larawan namin ni Dominic ang nakalagay. Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkahiga at lumapit sa cabinet kung saan nakapatong ang frame. I picked it up and wiped away the dust from the glass.

"Ang saya pa natin dito, mahal. Walang problema, palaging naguusap, nagkekwentuhan, nagmamahalan, at walang lokohan sa pagitan natin," malungkot kong wika. Nakatitig lang ako dito hanggang sa tumulo na nga ang luha ko. "Bakit ang bilis mo nagbago? Bakit hindi ko man lang napansin na lumalayo ka na pala sakin? Bakit hindi ko man lang naramdaman na nagbabago na pagmamahal mo? Ako ba talaga 'yung manhid dahil sa hindi ko talaga nalaman? O ikaw ang sadyang dalubhasa sa pagtatago ng katotohanan dahil hindi ko talaga nakita o naramdaman?"

Natigil pagmumuni muni ko nang may kumatok bigla sa pinto ko. Agad ko binalik 'yung  frame sa taas ng cabinet at pinunasan luha ko. Binuksan ko na yung pinto at si Khiara lang pala.

"So, sasabihin mo na ba sa'kin?" she asked, pertaining to the incident kanina. "Hindi ko 'to tinatanong kasi muntikan mo na masira 'yung selebrasyon ko, like what you've been saying. Tinatanong ko kasi nag-aalala ako. Nagkulong ka na sa kwarto pagkatapos nun eh."

"May inamin lang sa'kin best friend ng kuya Dominic mo," sagot ko at umupo sa sahig katabi ng kama ko.

"Ano naman 'yun?" she asked as he sat down beside me.

"Na hindi lang mag-fubu si Dom at  'yung babaeng katantutan niya," I replied. "That they are actually together. And they've been cheating behind my back for three months already."

"Punyetang gago!" she exclaimed as she looked at me. "Ang pakshet naman niya ate! Letseng peste 'yun. Ang dapat sa kanya ay mamatay na. Isabay mo na 'yung makating higad niya. Nakakasira ng araw at bait, ate!"

"Ang cute mo mainis bunso," tawa kong sabi sa kanya. "Napangiti mo ako, in fairness. Kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, napagaan mo kahit papaano."

"Ate malapit na kita mabatukan, I swear!" inis niyang wika. "Putangina kasi eh! Ginagago ka na ng boyfriend mo for almost 8 years pero parang wala lang sa'yo. Huwag kang masyadong maging mabait ate. Hindi ka naman papatayuan ng rebulto sa sobrang pagka-martyr mo."

"It's not that masyado akong nagiging martyr sa relasyon namin ni Dominic. I'm just not an expressive or showy type of person like you," I explained. "Hindi ako sanay na magmura kapag masaya ako o di kaya kapag galit o nasasaktan. Hindi ako clingy o malambing o nanunuyo. Hindi ako tumitili kapag kinikilig, hindi ako tumatawa ng napakalakas kapag may nakakatawa, at higit sa lahat sinasarili ko 'yung mga problema ko at umiiyak ng magisa. But it hurts just like how it's supposed to hurt."

"Hay nako. Bakit ba kasi may mga taong hindi marunong makuntento?" inis na tanong ni Khiara. "Ano na plano mo ate? Will you confront kuya about this or what? Because if I were you, sinugod ko na sila nung una pa lang! Ang kakapal ng mukha eh."

"I don't know, bunso. Magulo pa isip ko sa ngayon eh. Hindi pa ako makakadesisyon ng maayos," I told her. "Pero magpapahinga na ako, Khi. Maaga pa ako sa opisina bukas eh. Pasensya na if wala akong regalo ha?"

"Ano ka ba ate? Okay lang 'yun. May next year pa naman eh," she said. "Ang importante sa'kin ngayon ay ang sumaya ka at hindi na masaktan. You deserve to be happy, ate. Not to be treated like shit."

Ikaw pa rin ang PipiliinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon