Twelve

93 5 57
                                    

"Good morning, Kels!" masiglang bati sa'kin ni Amanda nang nagkasalubong kami sa building entrace. "Nag-VL ka kahapon, 'di ba? Kamusta naman? Nag-enjoy ka ba?"

"Okay lang naman," matamlay kong sagot.

"Parang hindi ata okay eh," tugon niya. "May nangyari ba? Nagkaproblema sa family mo? Sa inyo ni Dom? Ay, hindi pala. Never naman kayo magkakaproblema eh. Going stron kaya kayo."

Binigyan ko lang siya ng mahinang ngiti at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa elevator. Nagkwento lang si Amanda ng mga nangyari sa team niya kahapon. Tawa siya ng tawa pero hindi naman ako nakikinig. Nakatingin lang ako sa kawalan habang hinihintay na bumukas ang elevator.

Pagkabukas neto ay pumasok na kami ni Amanda at ng mga ibang empleyado dito sa building. Patuloy pa rin sa pagkekwento si Amanda pero 'yung atensyon ko ay nasa maliit na screen sa dingding ng elevato kung saan pinapakita kung aling floor level na.

"Narinig mo 'yung chismis tungkol sa HR supervisor?" narinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya.

"May chismis tungkol kay maam Helen?" gulat na tanong ng isa. "Napak imposible naman ata nyan, beh. Sa sobrang bait ni maam eh pagchichismisan pa siya?"

"Hindi naman kasi tungkol sa ugali niya o ano," nilinaw ng unang nagsalita kanina. "Ganito kasi 'yun. Nag cr si Michelle kahapon tapos narinig niyang may umiiyak sa katabing cubicle niya. Eh natakot siya syempre kasi baka minumulto na siya pero biglang nag-salita. Sabi ng babaeng umiiyak, "Ang kapal ng mukha mong gago ka para lokohin ako! Pagkatapos ko ibigay lahat sa'yo, 'yung pagmamahal ko, 'yung pera ko, 'yung pasensya ko tapos ganun lang? Nahuli kitang may katalik na ibang babae na mas bata pa sa panganay natin?" ganun."

"Eh paano naman nalaman ni Mich na si maam Helen 'yun?" nagtatakang tanong ng ikalawang babae.

"Hindi pa kasi ako tapos. Eto 'yung kasunod. "Huwag mo akong ma Helen Helen! Never call my name with that dirty and lying mouth of yours!" 'Yun sabi kaya nalaman ni Mich na si maam Helen 'yun," dagdag ng unang babae.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nagchichismisan silang dalawa. I don't know if considered na chismis ginagawa nila or just merely narrating what happened to their acquiantance. Tumigil na ang elevator sa floor namin ni Amanda. We excused ourselves out dahil sa nasa likod kami naka-tayo. Pagkalabas namin ay bigla akong napahinto sa paglalakad nang napansin kong nakatayo lang si Amanda sa harap ng elevator.

"Mands, ano problema?" mahina kong tanong.

"Niloko si miss Helen ng asawa niya?" she said to herself. "Seryoso ba 'yun? Pero paano nagawa ni sir Albert 'yun? Ambait bait ni miss para maloko."

"Being kind doesn't make you an exception on being cheated on," biglang wika ng bibig ko. Tumingin sa'kin si Amanda, gulong gulo. "I mean, wala namang law na kapag mabait ang isang tao, hindi na siya pwedeng lokohin. Kung tutuusin nga, ang mga mababait ang niloloko most of the times. Don't you agree?"

"Kels, when did you get so deep and serious?" Amanda asked in a curious tone.

"Pinagsasabi mo dyan? Nagsasabi lang ako ng fact," sagot ko sa kanya. "Tara na sa office. Baka ma late pa tayo sa kaka-tayo mo dyan."

Nag-kibit balikat lang siya bago naglakad papunta sa'kin. Sabay na kaming naglakad papasok ng office. Tahimik lang kaming dalawa at hindi ko na pinansin. I'm sure she's still wondering on why miss Helen's husband cheated. It's not that I didn't care about miss Helen. Syempre nag-aalala din ako kasi alam ko 'yung pakiramdam na maloko ng taong pinakamamahal mo. Masakit nga nga 'yung akin na mag-jowa pa lang kami, how much more for her when they're married? I'm sure it hurts more since they exchanged vows.

Ikaw pa rin ang PipiliinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon