It's been a week since last naming nag-usap ni Dominic. Hindi na siya nagtext after niya akong ihatid sa bahay. Ni replyan mga messages ko ay hindi niya nagawa. Pero it was okay. I'm sure he's just busy from work. Na mention niya kasi nung sinorpresa niya ako that may problema sa account na hinahandle niya so he needs to work double time.
It was already 5:10 PM and I was preparing my stuff to go. I turned my computer off, arranged the stuff on my desk and pumunta sa pantry para maglagay ng tubig sa water bottle ko. Bumalik na ko sa lamesa ko at kinuha bag ko.
"Rach, Ken, una na ako," paalam ko sa mga staff ko.
"Sige Miss Kels. Ingat po kayo. See you on Monday," sabi ni Kenneth.
"Pauwi ka na rin ba, Kels?" tanong sa'kin ni Amanda nung nagkasalubong kami sa pinto ng office.
"Yup! Wala masaydong ginawa today eh at good mood si sir kaya smooth lang 'yung flow ng trabaho namin," kwento ko sa kanya.
"Aba, himala at good mood boss mo. 'Yung akin naman, ayun. Mas masungit pa kesa sa tigre," Amanda said. "Kakagaling lang kasi sa annulment process at hiwalay na sila ng mister niya. Pero samin nilalabas 'yung galit at hinanakit."
"Hayaan mo na lang muna. Ganun talaga kapag galing hiwalayan eh," I told her.
"I know. Kaya buti ka pa, hindi pa nararanasan 'yun," wika niya. "Sana talaga lahat umaabot ng 8 years. Pero, wala pa ba kayong plano magpakasal?"
"Hmm, Dom and I haven't talked about it yet eh," sabi ko sa kanya. "Actually, we never talked about it. Kahit nung bago pa kami. I guess we're both not ready yet."
"Nga naman. Bata pa naman kayo at marami pang pwede mangyari," she stated.
Bumukas na 'yung elevator doors at sumakay na kami ni Amanda. We just continued talking about office stuff, personal stuff at kung ano pa pwede pagusapan. Pagkalabas naming ng building ay naghiwalay na kami since magkaiba kami ng daan na uuwian. I got my phone from my bag and opened my Grab app to book a ride home. While waiting for my ride, biglang nag vibrate phone ko. Tumatawag si Dominic.
"Hello, mahal. How are you?" bati niya sa'kin. "Sorry talaga sa hindi pagparamdam. Sobrang magulo lang kasi sa opisina. Halos wala na kaming pahinga na maayos."
"It's okay mahal. Naiintindihan ko," I assured him. "Focus ka lang muna dyan sa trabaho mo para maging maayos lahat."
"Bakit ba hindi ka nagtatampo kapag may ginawa akong nakakainis?" he abruptly asked me in an annoyed tone.
"Po?" I asked.
"Wala, wala. Huwag mo na isipin," he replied. "Pauwi ka na ba? Or nasa work ka pa?
"Pauwi na. Hinihintay ko na lang 'yung grab ko," I replied.
"Okay sige," he coldly said. "Baka mas maging busy ako next week so gala tayo bukas. Let's go to the park."
"Sige, mahal. What time will you pick me up?" I asked.
"Text na lang kita. Bye," he said.
Namatay na ang tawag bago pa man lang ako makapagsalita. His coldness was making me uneasy but I just took a deep breath and thought that he was stressed from work. Dumating na 'yung Grab ko kaya sumakay na ako para makauwi agad.
"Kelsey, anak, andito na si Dominic!" sigaw ni mama mula sa baba.
I did some final touches sa blush ko before grabbing my sling bag sa dresser. Bumaba na agad ako at baka mainis pa si Dom dahil sa ang tagal kong matapos.
BINABASA MO ANG
Ikaw pa rin ang Pipiliin
RomanceSHATTERED SERIES #1 "Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan? Baka naman, sa susunod na habang-buhay, na lang." Ano ang gagawin mo kapag isang araw, nakita mismo ng iyong mga mata ang pagkawasak ng tiwalang binigay mo sa kanya? Iiwan mo ba...
