Nakaupo lang ako sa sofa sa sala namin ng tumunog 'yung cellphone ko sa bag. Agad ko naman ito kinuha at sinagot ang tawag ni Dom.
"Hello, mahal? Nasa labas ka na ba ng bahay?" tanong ko agad sa kanya.
"Kakapasok ko lang ng subdivision niyo, mahal," sagot niya sa kabilang linya. "Hintayin mo na lang ako sa labas ng gate."
"Just call again kapag nasa labas ka na. Malamig kasi dito sa sala namin," I coldly told him.
"Sige mahal," tawa niyang sabi. "I'm three houses away from yours kaya lumabas ka na."
"Ambilis mo naman magmaneho. Excited lang makita ako," sarkastikong kong pahayag. "Sige mahal. Palabas na ako."
"I love you, mahal," he said but I already ended the call.
Tumayo na ako at nilagay ulit sa bag ko yung phone. Nagpaalam na ako kanila mamabago lumabas ng bahay at ng gate. Today marks our 8 years together and I know I'm suppposed to be happy pero ewan. May something na hindi ko maexplain at 'yun 'yung bumabagabag sa isip ko.
Saktong pagkasarado ko ng gate ay narinig ko ang busina ng sasakyan ni Dom, pero hindi si Dominic ang nagmamaneho. I smiled as he rolled down the window on the passenger's side.
"Hi, Kelsey! Gulat ka ba?" tanong ni Dylan pagkabukas niya ng bintana. "May ginagawa pa kasi si Dom sa bahay kaya ako na pinasundo niya sa'yo. Sakay ka na."
"Bakit siya 'yung tumawag at hindi na lang ikaw?" tanong ko sa kanya pagkasakay ko sa passenger seat. "Tsaka it's been months since I last saw you. Masaya ba reunion ng pamilya niyo? Just kiddin', Dy."
"Alam niya kasi na magbabago isip mo bigla na umalis kapag malalaman mong hindi siya ang susundo sa'yo," masiglang sagot ni Dylan. "Pero huwag kang mag-alala. Siya naman talaga 'yung ka-date mo. I'm just a mere driver, delivering the queen to her king. Tsaka reunion ba tawag dun? If reunion nga, it's the grand reunion-slash-rambulan of the century."
"Totoo. Napauwi ka nga ng wala sa oras eh," sabi ko sa kanya. "How does it feel to finally meet your real father again? 'Di ba 5 years old ka pa lang when he left?"
"I didn't feel anything, to be honest. Ano ba kasi dapat kong maramdaman?" he replied. "Should I be happy kasi after leavng us more than a decade ago, nagparamdam na siya? Ewan ko ba. Pero si Dom? Ano sabi niya?"
"Hindi kami nagkausap ni Dom tungkol dun," I told Dylan. "That day, kakausapin ko sana siya but it was also the day na nag-away kami ng sobra. Kaya ayun, nauwi sa rambulan."
"Nakwento nga sa'kin ni Dominic 'yung nangyari sa inyo and to be honest," he stopped and looked at me. "Sinuntok ko kapatid ko for hurting you. Hindi kasi ako makapaniwala na magagawa niya 'yun sa'yo. I mean, my brother who despised my father for being a cheat, actually did what he said he'd never do? Napaka-hipokrito lang."
"Neither did I. But, here we are now," I said and smiled faintly.
Ngumiti na lang si Dylan at tsaka nagsimula na magdrive paalis ng bahay namin. I leant my head on the headrest, watching the scenery outside the car's window. So many thoughts clouded my mind without even asking permission if they could enter. Napabugtong hininga na lang ako sa mga naiisip ko at pinikit mga mata ko.
Today was our anniversary but all I could think of were the scenes and the lies that I wished to disappear numerous times. I sighed and closed my eyes as I tried to calm myself down and to avoid to cry. I sighed once again before opening my eyes.
"You know, if I earned money every time you sighed, I would be a millionaire by now," seryosong pagbibiro ni Dylan. "What's bugging you, Kels? Alam mo naman na you can always talk to me."
![](https://img.wattpad.com/cover/233212799-288-k426173.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw pa rin ang Pipiliin
RomanceSHATTERED SERIES #1 "Hindi ba pangako mo nu'ng una, tiwala'y iingatan? Baka naman, sa susunod na habang-buhay, na lang." Ano ang gagawin mo kapag isang araw, nakita mismo ng iyong mga mata ang pagkawasak ng tiwalang binigay mo sa kanya? Iiwan mo ba...