Seventeen

93 3 0
                                    

"Kelsey, anak, hindi ka pa ba papasok sa trabaho?" tanong ni mama pagkapasok niya sa kwarto. "Mag-iisang linggo ka ng hindi pumapasok. Alam kong nasasaktan ka pa dahil sa nangyari sa inyo ni Dominic pero sana naman hindi mo ihinto buhay mo. What if matanggal ka sa trabaho dahil sa isang linggo ka ng absent ha? Maba-bad record ka nyan if ever."

"Babalik ako bukas, ma. Alam naman na rin po ng boss ko na absent ako," mahina kong sabi sa kanya.

"Ano sinabi mo sa kanya kung bakit ka absent?" tanong ulit ni mama at nagsimula ng magtupi ng dami sa kama ko.

"Na may sakit po ako," sagot ko at umupo sa kama. "Hindi ko naman po pwede sabihin na kaya ako umabsent dahil sa niloko ako ng boyfriend ko. That will be so unprofessional."

"Eh ano ba ginagawa mo ngayon? Umaabsent dahil sa niloko ng boyfriend," wika ni mama. "Ano ba kasi nangyari dun sa Landers at biglang napa extend ka sa pag-aabsent mo? Sabi mo lang samin ng papa mo na dalawang araw ka lang aabsent."

"Wala po, ma. Nagkausap lang ng masinsinan," I lied as I helped her fold my clothes.

"So naghiwalay na kayo, kung ganun? Kasi kung makaiyak ka for the past few days, parang wala na kayo," sabi ni mama.

"Hindi pa po," sagot ko at tinuloy lang pagtutupi.

"Diretsuhin mo nga ako, Kelsey," seroyong sabi ni mama. "May plano ka pa bang balikan si Dominic pagkatapos ng lahat ng nanyari? 'Yung totoo ha. Hindi kita papagalitan, gusto ko lang malaman para mabigyan kita ng advice."

My hands immediately stopped moving when she asked me the question I wasn't prepared to hear. I kept on blinking, not sure of what to answer. My heart started to beat so loud that I could actually feel it on my chest. Tumingin ako kay mamay na patuloy lang sa pagtutupi. I was thinking whether I should tell her the truth or just bring the last truth DOminic told me to my grave. I took one deep breath and held her hand.

"Sabi ko na nga bang babalikan mo pa siya eh," biglang pahayag ni mama.

"Ex ni Dominic 'yung kabit niya, ma," bigla kong sabi. Nakita ko 'yung gulat sa mukha niya as her eyes gazed at me with confusion. "Siya 'yung babaeng iniwan siya para tuparin mga pangarap niya sa ibang bansa. Turns out, that was only half of the reason why they broke up. Ang natitirang kalahati ay ako."

"Ikaw? Anong ikaw?" nalilitong tanong ni mama. "Bakit ka magiging rason sa hiwalayan nilang dalawa eh hindi mo nga kilala 'yung babae."

"Nung nagsimulang manligaw sa'kin si Dom, sila pa pala nun," paliwanag ko. "They weren't broken up officially. Akala lang ni Dom na break na sila dahil sa huling pag-uusap nila, nag-away sila about the girl's decision to migrate and the girl said na sigurado na siya sa desisyon niya at mas pipiliin niya ang mga pangarap niya kesa kay Dom. Kaya nanligaw siya sa'kin.

"A week after he started courting me, nagkabalikan pala sila nung babae. They were okay, not until she knew about me. Inisip niya na alam kong may girlfriend si Dominic at sinadyang magpaligaw para masira sila. That's when they officially broke up and Dom continued to court me like nothing happened. At sinadya ng babae na maging kabit ni Dominic ngayon para maghiganti sa ginawa ko sa kanila noon, kahit hindi ko naman talaga alam na may jowa pa si Dominic nun. Biktima lang din ako, just like how she was a victim of Dominic's lies."

I took one deep inhale, preparing myself for my mother's sermon but wala akong narinig na kahit isang imik. I looked at her but she was justing looking into space. I waited for her to process everything I said. Tinuloy ko na lang 'yung pagtutupi habang naghihintay na magsalita na siya.

"Ambobo ng ex ni Dominic, ampota," biglang mura ni mama. Gulat ko siyang tiningnan pero hindi man lang siya nagsisi na nagmura siya. "Talagang hinayaan niya sarili niya na maging kabit ni Dominic para masira langrelasyon niyo? For what? Hindi pa ba siya nakaka-move on sa nangyari noon? Siyam na taon na ang dumaan pero she's still hung up on that? Tangina babae pa naman siya tapos ganun? Aatakihin niya kapwa babae niya? Asan 'yung utak niya? Nasa talampakan?

"Tsaka ang gagong naman pala ng jowa mo, anak! Manloloko pala ampota. I'm sorry for what I'm about to say but he's the perfect replica of his father! Manloloko na nga, sa ex pa talaga papatol. Wala na ba siyang mahanap na ibang babae para 'yung ex niya ang gawin niyang side chick? At ang kapal ng mukha para mag pakita dito sa bahay pagkatapos niyo mag-usap sa Landers! May hiya pa talaga siyang magmakaawa sa'kin na makausap ka. 'Yung blood pressure ko lagpas na sa 300 mmHg, putangina! Mumultuhin ko talaga 'yang boyfriend mo kapag namatay ako ngayon."

I smiled as I watched my mother hate on my boyfriend and on his mistress. Tumulo na 'yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Gigil na gigil niya tinupi mga natitirang dami ko. I leaned forward and hugged her tight. Umiyak ako sa balikat niya as soon as I felt her warmth.

"Ma, ang sama ko ba para maging rason na naghiwalay sila noon?" tanong ko. "Kasi kung tutuusin, may kasalanan ako eh. Hindi ko sinigurado na single talaga si Dominic noon. Hindi ako nag background check para makasigurado na hindi ako 'yung kabit. Naniwala ako sa mga sinabi niya, nagpadala sa mga mabulaklak na mga salita niya. Nagtiwala ako sa kanya ng buong buo at 'yun ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa ko."

"Anak, hindi ka masama kasi naging rason ka ng hiwalayan nila dahil hinid mo naman nalaman bago ka niya niligawan eh," sagot ni mama habang hinihimas likod ko. She slowly moved me away from her para maharap ko siya. "Neither are you wrong for trusting Dominic with all your heart kasi mahal mo siya eh. Syempre pagkakatiwalaan mo 'yung taong mahal mo. So stop blaming yourself for something you didn't do. Like you said, biktima ka rin sa panloloko ni Dominic.

"What you did wrong was that you allowed Dominic to break you over and over and over again kahit hindi mo pa nabubuo 'yung puso't tiwala mo na sinira niya. You continued giving him the love and the trust you thought he deserved because you thought he was sorry and was sincerely regretting for hurting you. Oo alam kong hindi mali ang magpatawad dahil mahal mo 'yung tao pero forgiving doesn't automatically mean you have to give him another chance. Pwede pwede mo siyang mapaatwad kahit hindi mo siya bigyan ng isa pang pagkakataon agad. And that's all the mistake you did, all for the love you continuously give to him that he chooses to throw away. You don't deserve a guy who won't give his 100% to you, anak. Kaya mas mabuting tapusin mo na 'yung kayo."

"Pero paano kung pinagsisisihan na talaga niya ngayon, ma? What if napagtanto na niya mga maling ginawa niya?" tanong ko habang pinupunasan pisngi ko. "What if ako pala talaga 'yung mahal niya at isang malaking pagkakamali lang 'yung sa kanila ni Eunice? Siguro we just need time and space away from each other para kapag nag-usap na kami agad, we're both on the process of healing."

"Are you hearing yourself, Kelsey? Hindi sa pinipigilan kitang sumaya pero naririnig mo ba sinasabi mo, anak?" my mother asked in disbelief. "You'd allow a guy who cheated on you with his ex girlfriend? Who also cheated on that girl, may I add? Also, nabuntis pa niya 'yung kabit niya. Hindi mo ba nakikita na isang manloloko si Dominic? Pwede ka niyang lokohin ulit when he has the chance, too.

"If he really loves you, where is he now? Hinahabol ka ba niya para maging okay kayo? Or hinahayaan ka lang niyang magmukmok sa kwarto mo while he's with his pregnant mistress? If he really loved you with all his heart, hindi ka niya lolokohin. He wouldn't have broken your heart and your trust that you gave to him. Kung ikaw talaga mahal niya, wala sanang ibang babae na may dinadalang bata sa sinapupunan niya. Now think again, anak. Does he deserve that chance you're planning to give to him or not?"

Hindi ako nakasagot sa tanong ni mama. All I did was look at my fingers as I thought of what to answer her, pero wala akong masabi. I heard her sigh as she hugged me tight. Sumiksik ako sa leeg niya as the question kept on repeating in my head.

"I know how much you love Dominic, anak. Pero ayokong nakikita kang umiiyak ng dahil sa kagaguhan niya," mahinang wika ni mama habang hinahaplos buhok ko. "You deserve more than to be hurt by him. Kaya gusto kong mahali mo sarili mo bago ka magmahal ng iba. Bakit? Kasi sarili mo lang meron ka kapag iniwan ka na ng lahat ng taong mahal mo. Kaya please, anak. Let go of those that hurt you and love yourself more this time."

I nodded as my tears fell on its own again. Niyakap ko ng sobrang higpit si mama at umiyak sa balikat niya. She was right, I knew it. But my heart was telling my something else. It was a decision I needed to make sometime soon. Trust, as fragile as glass, can never be returned to what it once was. I'm sorry, mahal. I'll be choosing myself this time kasi tama si mama. I only have myself to hold on to when everything else fails.

Ikaw pa rin ang PipiliinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon