Seven: Frank's Special chapter

25 3 0
                                    

Ilang gabi akong walang tulog dahil sa kakaisip kay Macie. Hindi siya pumasok kahapon kaya napakalungkot nang araw ko. Totoong mahal ko si Macie at hindi ko intensyon na saktan ko siya. Nasabi ko lang 'yon dahil hindi pa ako sigurado sa pagmamahal ko. Kahit na niligawan ko na siya ay hindi pa din ako sigurado. Hindi mahirap mahalin si Macie. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ko siya nagustohan. Gulo ko diba? Minsan sinasabi ko sa sarili ko na mahal ko na siya. At kapag lumipas ang isang minuto sasabihin ko. "Mahal ko na ba talaga siya" hindi ko din maintindihan ang sarili. Pinilit kong alamin ang totoong nararamdaman ko pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako mapakali. Nasasaktan ko siya. Nasasaktan ko ang babaeng napakaimportante sa 'kin. Hindi naman niya dapat maranasan ito. Masyadong mabait at mapagmahal si Macie. Mababaw din ang luha niya. Maemosyonal kaya natatakot na baka dumating yung araw na magbago siya at kalimutan ako. Natatakot din akong makita siya na may kasamang iba. Naguguluhan na ako! Pumikit ako nang mariin at bahagyang yumuko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung mahal ko na ba si Macie. Nasasaktan ako sa t'wing nakikita ko siyang umiiyak nang dahil sa akin.

Huminga na lang ako nang malalim at yumuko. Wala akong ganang makinig nang mga tinuturo nang professor namin. Wala rin akong balak tumingin sa paligid. Halos dalawang araw nang hindi pumapasok si Macie. At sa dalawang araw na 'yon ay wala akong tulog. Bigla ay nangilid ang luha ko. Bahagya kong kinusot ang mga mata ko damit ang kamay ko. Napapalunok ako sa t'wing maaalala ko na nasasaktan siya nang dahil sa 'kin. Isang beses pa lang akong umuwi nang luhaan kaya panigurado ay tuloy tuloy na 'to. Bakit kasi hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa t'wing nakikita ko siyang nasasaktan, nasasaktan din ako. Imbis na ako ang mahirapan siya ang nahihirapan. Siya ang nakakaramdam nang masakit imbis na ako. Malalim akong bumuntong hininga nang marinig ko na nagpaalam na ang prof namin. Sunod sunod ang paglunok ko nang makalabas na siya. Ramdam ko na naman na may paparating sa 'kin kaya agad akong dumilat. Nang maramdaman ko na nakaupo na siya sa tabi ko ay mahina niyang tinap ang balikat ko. Agad naman akong napabaangon at tumingin nang blanko sa kaniya. Salubong ang kilay at masama ang tingin sa kaniya.

"Dude, let's go."

Tumayo na lang ako at sumunod na sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako bumalik sa pagkamainitin ang ulo. Dahil simula nang masaktan ko si Macie inis na inis ako sa sarili ko. Parang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo. Nilagay ko ang isang kamay ko sa bulsa at bahagyang kumuyom. Shit! Kinalma ko ang sarili ko at huminga nang huminga nang malalim.

"Anong nangyayari sa 'yo, Frank. Ang laki laki na nang eyebag mo,"

Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito. Masyadong masakit. Masyadong mapanakit. Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa daan.

"Nagaalala ako kay Macie, Theo. Dahil dalawang araw na siyang hindi pumapasok. At sa dalawang araw na 'yon wala din akong tulog, halos hindi ko maalis sa isipan ko si Macie. Sobra na akong nagaalala sa kaniya," I hate this! Tumingin siya sa 'kin kaya agad na akong tumingin sa dinadaanan ko.

Tinap niya ang balikat ko. "Hayaan mo muna siyang ikalma ang sarili niya, Frank, baka bukas naman ay makakapasok na siya at babalik na kayo sa normal." Saad niya. Sana nga, Theo, sana nga.

"Ang babagal niyo namang maglakad daig niyo pa babae, tss!" Singhal ni Ori. Napatawa naman kami at umupo na. Si Theo ay sa tabi ni Ori at ako ay sa tabi ni Irene.

"Sus, miss mo lang ako, eh." Kita ko kung paano napataas ang kilay ni Ori sa sinabi ni Theo. Napangisi naman ako at bahagyang umiling.

"Kailan kaya babalik si Macie, halos dalawang araw na siyang hindi pumapasok. Ano kaya ang nangyari du'n." Si Sofia.

Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon