Fifth day!
Simula nang dumalaw dito si Frank lagi na siyang pumupunta dito. Lalo na't pag tapos na ang klase. Dederetsyo siya dito at dadalhan ako nang pagkain oh maiinom. Minsan pa nga maabutan niya si Niel dito. Dedma lang si Niel kapag nandidito si Frank. Wala pa ding pinagbago si Frank. Kung anong Frank ang dating nang minahal ko gano'n pa din ang Frank na nakilala ko. Sweet pa din siya. Hindi pa din nawawala ang sweetness niya sa katawan lalo na't kapag ako kasama niya. Kung gaano siya kasweet sa 'kin noon gano'n pa din siya ngayon. Hindi ko alam kung gaano niya tinitiis ang boses kong matining.
Hindi ko din alam kung bakit nagtitiis siya sa 'kin kahit na alam kong malabo nang magbalikan kami. Nakahiga lang ako sa hospital bed nang maalala ko ang operasyon. Napahinga ako nang malalim nang maalala ko na dalawang araw na lang bago nalalapit ang operasyon ko. Hindi ko alam kung magiging successful ba ang gagawin nila. Natatakot ako na baka hindi na ako mabuhay. At ang mas kinakatakutan ko ay baka magkamali sila at hindi na maging successful.
"Lakasan mo ang loob mo, Macie."
Paulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Frank sa 'kin kahapon. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa iniisip ko ang operasyon na gaganapin sa linggo. Alam na din nila Mommy ang tungkol dito lalo na sa sakit ko. Naghahanap na din si Mommy nang schedule kung kailangan kami aalis. Eksakto kasing linggo ang operasyon ko kaya mahihirapan si Mommy lalo na't linggo din ang alis namin. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'to. Dapat pala nagpatingin na ako dati para hindi na lumala ang sakit na nararamdaman ko.
Para tuloy akong namamanhid nang maalala ko ang mga sakit na nararamdaman ko. Simula pagkabata ay nararamdaman ko na ito. Ilang beses na din akong dinala sa hospital nila Mommy dahil panay ang sakit nang dibdib at hindi makahinga. Noong una ay wala naman daw deperensiya pero nang lumalaki na ako ay nagkakaroon na. Naalala ko pa ang sinabi nang doctor sa 'kin.
"Bawal siyang umiyak nang umiyak dahil maaaring maapektuhan ang puso niya. Siguro mas maigi na lang na masaya siya't tahimik."
Kaya siguro lumaki ang butas nang puso ko dahil panay iyak ako nang iyak. Wala akong kaalam alam sa nangyayari sa 'kin. Halos buong araw akong lutang. Ni hindi ko man lang namalayan na nakarating na si Mommy kasama si Niel. Kunwari pa akong nagtulogtulogan hanggang sa marinig ko silang naguusap. Hindi ko masyado naiintindihan ang sinasabi nila dahil ibang lenggwahe ang sinasabi nila kaya mas minabuti ko na lang na pumikit kaysa dumilat. Rinig ko din kung paano bumuntong hininga si Mommy. Sa kalagitnaan nang pagpikit ko ay hindi ko na din namalayan na nakatulog na ulit ako.
———
Nagising ako nang marinig ko na bumakas ang pinto. Bahagya ko pang kinusot kusot ang mata ko at dahan dahan na dumilat. Nagtaka naman ako nang wala akong makitang tao sa kwarto ko. Napatingin ako sa mesa nang may nakita ako na pagkain. Aanihin ko naman ang pagkain kung hindi naman ako makatayo dito? may descros pa din ang kamay ko. Magaling na nga ako lahat lahat nakakabit pa din eto. At minsan naman tinitignan nang mga nurse at naglagay sila nang kung anong gamot. Nagtanong din ako sa nurse kung pwede na ba itong tanggalin pero tumanggi sila.
Nakakainip na kaya dito. Sa totoo lang takot ako sa mga nurse na nandidito. Dahil kung makatingin sila sa 'kin akala mo kakainin ako nang buhay. Kaya kapag may darating na nurse ay iniiwas ko ang paningin ko sa kanila. Tsaka ang chachacka nang nga mukha nila. May kung ano pang makakapal na make up at misan pa galit kung magsalita. Pagsusungalngalin ko sila isa isa kala naman nila inaano sila hindi naman. Minsan pa nga tatakutin ako pero hindi ako nagpatinag sa mga takot takot nila. Duh! Ano ako bata para takutin nang takutin? Tss!
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomanceSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...