Frank's POV
Huminga ako nang malalim at the same time naiinis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi aakalain na gano'n ang mangyayari. Paano? Paanong may nabuo sa t'yan ni Ana? Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko masagot. Wala na naman kami. Wala na naman kami nang taking mahal ko. Sinayang ko na naman ang pagkakataon na meron ako na meron akong chance na magbago ulit. Hindi ko alam kung paano pa ako kikilos. Masyado na akong nahihirapan sa sitwasyon. Katulad ngayon. May anak ako. May anak ako sa punyetang babaeng kababata ko. Ni hindi man lang niya inalam ang totoo.
Ngayon ay nasa hospital kami at sinugod si Ana. Nagdugo kasi siya kanina kaya lahat kami ay naalarma. Hindi ko na nagawang habulin si Macie sa airport dahil sa punyetang babaeng na 'to. Napahawak na lang ako sa ulo ko at paikot ikot. Hindi ko alam kung ano ang magiging takbo ko ngayon. Yumuko ako at hinintay na lumabas ang doctor na nag-asis kay Ana.
Agad akong napatingin sa kanila nang biglang lumabas mula sa ICU ang doctor ni Ana. Makikita mo pa lang sa mukha niya ang lungkot kaya agad akong nagtaka. Hindi ko na namalayan ang sarili kong lumapit sa doktor at tinanong kung ano ang lagay nang anak ko. Ganon na lang ang paglulumo ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"I'm sorry, sir, pero ginawa naman namin po ang lahat para iligtas ang anak niyo pero mahina ang kapit nang bata kaya hindi na na niya nakayanan ito, pasensya na po."
Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Double na ang nawala sa 'kin. Ang anak ko at ang babaeng mahal ko. Bigla ay bumuhos ang luha sa mata ko. Ang bigat na din nang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Nanghihina na ako nanlalambot ang tuhod ko parang ano mang oras ay babagsak ako sa sahig.
Bakit ang malas ko ngayon araw? Wala naman akong ginawa kun'di maging masaya lang? Bakit ang damot nang tadhana sa 'kin? Bakit lahat nang kailangan ko nawawala. Si Macie mawawala na naman sa 'kin. Ang anak ko na wala namang kasalanan. Humingi ako nang malalim at tinawagan si Fira. Wala pa isang minuto ay nasagot na niya agad.
"Fira!" Sigaw ko sa kaniya.
"F-Frank," sambit niya.
"Asan kayo?"
"Sorry hindi ko na kailangan sabi-"
"Please!" Pagmamakaawa ko. Rinig ko pang bumuntong hininga siya bago tuluyang sumagot.
"Ok, wag ka lang magpapahalata. Dalian mo malapit na kaming umalis." Sa sinabi niyang iyon ay dali dali na akong tumakbo papuntang parking lot. Tinatawag pa nila ako pero hindi na ako nagbalak na tumingin sa kanila.
Kaya nang makarating na ako ay agad agad na akong sumakay sa kotse at dali daling pinaandar ito. Napapalingon ako sa salamin nang kotse ko at nagbabakasaling baka may sumunod sa 'kin. Nang wala naman akong makita ay tinuon ko na lang pansin sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa airport.
Dali dali ulit akong bumaba at tumakbo sa loob. Nung una ay hindi ako pinapasok nang guard pero agad naman ako nakagawa nang paraan para makapasok. Nung una ay akala ko madali lang ang pagpasok nang airport. Kailangan mo pang magtago bago ako makapunta kila Macie.
Nang makapunta na ako ay agad na akong pumunta sa harapan niya. Akala ko magiging masaya siya pag nakita niya ako pero mali ako. Parang isang hangin lang ako sa kaniya na hindi man lang niya ako pinansin. Nanlumo ang buong tawan ko sa natuklasan ko. Pero sa ganon ay ngumiti pa rin ako at agad siyang niyakap.
Pero gano'n na lang ang gulat ko nang bigla niya akong itulak at isang malaking sampal ang natanggap ko. Tila'y hindi ako makapagsalita sa ginawa niya. Tila'y napako ang mukha ko sa gilid sa lakas nang sampal niya. Bahagya akong lumunok at tumingin sa mga mata niya. Nanindig ang balahibo ko nang makita ko siyang naluluha at animo'y isang salita niya ay bubuhos na ang luha niya.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomanceSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...