Twenty-two: Flashback part 1 Monday and Tuesday

16 2 0
                                    

Nakatiyaya lang ako sa kama at nakatingin sa kisame. Maaga akong nagising pero hindi ko alam kung pupunta ba ako sa hospital. Kasi sa t'wing nakikita ko si Macie at si Niel na magkasama ay nagseselos ako. Nung niyakap nga lang ni Niel si Macie ay selos na selos na ako paano pa kaya pag gising na si Macie. Si Niel ang uunahin niyang hahanapin bago ako?

Nagflasback sa 'kin ang lahat nang pinagdaanan ko simula nang maghiwalay kami ni Macie hanggang sa makita ko na magkasama sila ni Niel lagi.

Flashback on Monday

Maaga na kaya papasok na ako nang school para makita ko na si Macie. Nakabihis na din ako at nakaayos na din lahat nang mga gamit ko. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang buong katawan at mukha ko. Perfect! Bahagya pa akong sumayaw bago kinuha ang bag. Nang makababa na ako ay nakita ko si Mommy na naghahanda nang pagkain. Agad na akong bumaba at umupo na sa lamesa.

"Mukhang maganda ang iyong gising ah," sambit ni Mommy. Tumingin naman ako sa kaniya at tumango na may kasamang ngiti.

"Mm.. espesyal kasi ang araw na 'to na para sa 'ming dalawa."

"Gano'n ba? Oh siya sige na kumain kana at pwedeng pwede ka nang umalis,"

"Mommy, parang ayaw mo na akong pauwiin." Nagtatampo na sabi ko. Natawa naman siya kaya hindi ko na lang pinansin at kumain na lang ako. Nang tapos na akong kumain ay agad na akong uminom nang tubig. Pumunta akong lababo at nagtooth brush nang mga ilang minuto.

Nang tapos na ako ay agad na akong nagpaalam kay Mommy na aalis na. Napakaespesyal kasi nang araw na 'to para sa 'ming dalawa ni Macie. Gusto ko lahat nang oras ay sa kaniya ko ibibigay. Nang makarating na ako sa school ay agad na akong nagpark at bumaba na. Nakita ko naman sila Ori na papalapit sa 'kin. Nang makalapit na sila ay agad akong inakbayan ni Theo. "S'up bro, mukhang masaya ka ah." Saad ni Theo.

"Halatang walang lungkot ang iyong mga mata." Natatawang sabi ni Gab. Natawa naman ako at nabaling ang paningin ko kay Ori na ngayon ay malamig ang eskpresyon nang mukha niya.

"Anong—"

"Tara sa garden." Maotoridad na sabi ni Ori. Napatingin naman ako kila Theo na ngayon ay nagkibit balikat. Sumunod na lang kami at hindi na nagsalita.

———

"Ano! Ayoko hindi ako papayag!" Sigaw ko habang nakatayo. "Mahalaga ang araw na 'to para sa 'ming dalawa ni Macie ta's ito ang madadatnan ko? Ang makipaghiwalay sa kaniya?! Ha! Ori?" Galit na sigaw. Wala akong makitang galit oh lungkot sa mga mata ni Ori. Tanging blanko lang ang eskpresyon nang mukha niya. Buwisit!

"Nahihirapan na si Macie, Frank." Saad ni Irene. Naggagalaitin naman ako sa galit nang marinig ko ang mga opinion nila.

"Bakit? Bakit ngayon pa kung kailan mahalaga ang araw na 'to para sa 'kin at para sa 'min!?" Sigaw na sabi ko. Napayuko naman silang lahat maliban kay Ori.

Napangisi ako. "Tss, wala pa din kayong pinagbago!" Sigaw ko at tuluyan nang tinalikuran sila. Nawawalan na ako nang ganang pumasok. Kung ito pala ang gusto nila bakit hindi si Macie ang magsabi at sila Ori pa. Inis kong binalibag ang kotse nang makita ko sila Theo na hinahabol ako.

"Frank!" Sigaw nila nang tuluyan na akong umalis.

Habang nagmamaneho ay panay hampas ang ginagawa ko sa manubela. Naguunahan na din ang mga luha ko sa pagbagsak. Hindi ko na alam kung saan na ako pupunta. Bawal naman ako sa bahay dahil sasabihin ni Mommy na nagcutting ako. Mahigpit ang hawak ko sa manubela at nanggigigil sa sobrang galit.

Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon