Frank's POV
Mga ilang araw ang nakalipas ay todo iwas ang ginagawa sa 'kin ni Macie. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, sakit oh ano pang iba. Hindi ako natutuwa sa nangyayari. Gusto kong ibalik ang nararamdaman ni Macie sa 'kin. Dahil nararamdaman ko paunti unti ay nawawala na siya nang gana na bumalik pa sa 'kin. Yes! I admit. Pero matagal na iyon sobrang tagal na noon.
Pasimple akong tumingin sa kaniya nang bigla siyang tumayo at lumabas. Napatingin ako ssa kaniya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. "Totoong wala na ba kayo ni Macie?" Tanong ni Lily. Napatingin naman ako sa kaniya at huminga nang malalim.
"Mm.." simpleng sagot ko. Kita ko ang paghihinayang sa mga mukha nila. Parang hindi nila aasahan ang sasabihin ko.
"Bakit hindi mo siya kausapin at ipaliwanag mo ang lahat," sambit ni Sofia. Tumango naman silang lahat bilang sangayon kay Sofia.
"Para sa'n pa? Pagkakausapin ko naman siya magagalit siya. Lalayuan niya ako, mas okay na 'yong ganito 'yong hindi kayo nagpapansinan—"
"Ano? Puputulin mo ang komunikasyon mo sa kaniya nang gano'n gano'n lang, Frank?" Saad ni Theo. Napayuko ako at hindi malaman ang sasabihin. Sa totoo lang may point naman si Theo. Ayoko putulin ang komunikasyon ko sa kaniya pero kung ganito lang ang pinapakita niyan mas mabuti nang tama na.
Naglakas loob akong tumayo at pinuntahan si Macie. Nang makalabas ako ay nagtaka nang makita ko siyang wala sa labas. Agad akong pumunta sa likod at nakita ko siya na nakapikit at animo'y nagpapahinga. Agad akong pumunta sa harapan niya at nakita ko kung paano kaganda ang mukha niya.
Kahit simple ay makikita mo ang kagandahan na me'ron siya. Kaya lahat nang lalaki ay magugustuhan siya. Kaso swerte ko dahil ang pa rin ang mahal niya at nakikita ko iyon sa mukha niya. Kahit hindi niya sabihin ay nakikita ko na mahal na mahal niya ako. Kita ko ang dahan dahan nang pagkunot nang kaniyang noo hanggang sa dahan dahan na niyang idinilat ang mga mata niya.
Kusa akong napangiti at ang ngiti na 'yon ay nawala nang layasan niya ako at lumipat nang ibang puwesto. Pero hindi ako sumuko. Agad akong tumabi sa kaniya at bahagyang siyang tinignan. Hahawakan ko na sana ang kamay niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha ito at kusang naginit ang mukha ko nang makita ko ang number ni Niel. Sasagutin na niya sana nang hablutin ko ang kamay at sinandal sa dingding.
"Bitawan mo 'ko." Saad niya. Bahagya akong ngumisi at panandaliang yumuko. "Ano ba, Frank!"
"Ayoko!" Mabilis na sabi ko at tumingin sa mismong mata niya. "Ayok' kitang bitawan, Macie." Sambit ko.
"P-Pwede ba, Frank—" hindi ko na natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang sinunggaban nang halik. Pero nawala 'yon nang bigla niya akong tinulak dahilan para matanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to?" Sambit ko.
"Ang alin?"
"Eto! Ang iwasan ako!" Sigaw niya ko sa kaniya. Bahagya siyang umiwas nang tingin kaya nayuko ako at nagsimula nang manlabo ang mata ko. Pinilit kong hindi mautal pero sadyang traydor ang bunganga ko. "H-Hindi mo n-na ba ako m-mahal?" Utal na sabi ko. Bahgaya akong tumingin sa mukha niya at wala pa ding pinagbago.
"Lumayas ka sa harapan ko," walang emosyon na sabi niya at mabilis na umalis. "Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin na may blanko ang mukha. Nag cross arm siya at tumingala sa akin.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomanceSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...