Macie's POV
Nagising ako sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko. Bahagya akong kumunot-noo at dahan dahan na dumilat. Buti na lang pala nakauwi na ako. Masyado mapanganib pag nanduon ang sa bahay ni Frank lagi. Baka hindi na ako makatungtong nang engineer dahil sa pinaggagagawa niya sa 'kin. Hahaha ginusto mo din naman! Napapikit ako nang mariin at bahagyang kumuyom nang kamao. Ha! Huminga na lang ako nang malalim at pumikit.
Matutulog na sana ako nang biglang tawagin ako ni Mommy. "Macie, hija!" Tawag sa 'kin ni Mommy. Kunot noo naman akong tumayo at inayos ang kumot ko. Nang maayos ko na ay pumunta ako sa salamin at tinignan ang sarili. Okay na! Agad na akong lumabas nang pinto at bumaba na. Nakita ko naman si Mommy na abala sa pagluluto nang agahan. "Macie, may bisita ka sa labas." Saad ni Mommy nang tuluyan na akong makababa. Agad naman akong nagtaka at tumingin sa pinto.
Bisita?
Naglakad ako at pumunta sa pinto. Nanlaki ang matak nang makita ko siyang nakatayo at may hawak na bulaklak. Anong trip 'to? Agad niyang inabot sa 'kin ang bulaklak. Pinasadahan ko lang ito nang tingin at hindi tinaggap ang bulaklak na dala niya. "Para sa'n n'yan, Niel?" Kunut noong sabi ko. Ngumiti siya at kinuha ang dalawang kamay ko. Agad niyang nilagay ang bulaklak sa kamay ko kaya wala na akong nagawa kun'di tanggapin na lang 'yon. Kahit labag sa kalooban ko ay agad ko na siyang pinapasok sa bahay. "Ano ang dahilan at pumarito ka?" Saad ko.
"Yayayain sana kita," napakunot ako nang noo sa sinabi niya. Ibinaba ko ang bulaklak sa mini lamesa at umupo.
"Yayayain?" Tanong ko nang makaupo na ako sa sofa. Bahagya naman siyang tumango na may kasamang ngiti. Yayayain? Nang ano? Nang date?
Nagcross arm ako at tumingin sa kaniya nang blanko. Pa'no ba 'to? Pasimple akong umirap at nagtaimtim bagang. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para yayayain niya ako. Una sa lahat. Nagaaway kami ni Frank kapag once na nalaman niya na nandidito si Niel. Pangalawa. Magiging malala sa 'kin ito once na pumayag ako sa kaniya. Ano na lang ang magiging reaksiyon nang mga kaibigan ko na nakikipagdate ako sa iba habang me'ron na akong kasintahan. Panandalian akong nagpaalam sa kaniya at umakyat sa taas.
Nang makaakyat na ako sa taas ay agad kong sinarado ang pinto. Bigla ay bumilis ang tibok nang puso ko nang magring ang telephono ko. Sunod sunod ang paglunok ko nang makita ko ang pangalan ni Frank sa screen. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba oh hindi. Dahan dahan akong lumapit sa salamin at dahan dahan ko ding kinuha ang telephono ko. Lumunok ako at t'ska na ito pinindot. Para na akong matutumba nang marinig ko na ang boses niya. "Hi, baby." Sambit niya. Huminga ako nang malalim at nagsalita.
"Hi," nakangiting sabi ko.
"Pupunta ako d'yan ngayon na—"
"As in now na?" Naniniguradong sabi ko. Narinig no naman siyang tumawa kaya napakunot ako nang noo.
"Oo bakit?"
"Ah, ano, w-wala."
"Okay, sige na bye,"
"Bye,"
"I love you."
"I love you," agad ko nang binaba ang telephono at agad kinuha ang tuwalya. Halos madapa dapa na ako nang tahakin ko ang banyo para maligo. Paniguradong pag nakita no Frank na nandidito si Niel ay baka mag away silang dalawa.
Kaya agad ko nang binilisang maligo. Shit! Malutong na mura ko nang muntik na akong madulas. Nang tapos na akong maligo ay agad na akong nagbihis. Jacket na kulay pink at maikling short. Pumunta ako sa salamin at nag ayos nang konti. Bahagya akong nag liptint at nag pulbo. Perfect! Agad na akong nagsuklay at nag blower nang buhok.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomanceSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...