Ilang araw ang nakalipas pagkatapos nang discussion ay sunod na gagawin namin ay orientation. Pili pili ang gagawin nila kaya kung sino ang mapipili sila ang mauuna. Kaya sinusuwerte hindi kami ang napili. Kami ang huli kaya huli din kami mag o-orientation. Hindi ko alam kung para saan ang ganitong bagay. Agad na kaming bumalik sa room namin at agad na kaming pinaupo.
"Kung nagtataka kayo kung bakit kayo pinapaorientation nang maaga malalaman niyo 'to pagkayo'y nagkatrabaho na, so that's all. Good bye." Agad nang lumabas si Prof at kami naman ay nagsi-ayos na nang gamit.
Nang maayos na ang gamit ko ay agad na akong lumapit kila Gab. Agad naman na silang nagaya kaya agad agad na kaming lumabas. Pumunta na kami nang parking lot at duon inantay sila Ori. Nang makita na namin sila Ori ay napatingin ako sa paligid dahil hindi ko man lang nakita si Ana.
"Hindi siya pumasok."
Napatingin ako sa katabi ko nang tapikin niya ang balikat ko. Napakunot naman ang noo ko nang sabihin niya 'yon.
Hindi siya pumasok?
Napakagat ako sa labi ko at lumapit na lang kila Theo. Nagpaalam na sila isa isa sa 'kin kaya ako ay agad na akong pumunta sa kotse ko. Habang nagmamaneho ay hindi maalis sa isipan ko na hindi pumasok si Ana. Bahagya pa akong nagisip nang nagisip hanggang sa makakuha ako nang clue.
"I'm going back to Canada,"
Agad kong niliko ang sasakyan ko papunta sa apartment ni Ana. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung tama ba ang naisip ko na pumunta na nga siya sa Canada. Nagigting ang bagang ko at bahagyang hinawakan ang baba. Mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho hanggang sa makarating na ako sa apartment niya. Agad ko itong hininto sa labas at agad na umakyat sa taas. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali akong pumunta sa apartment niya. Nang makarating na ako ay agad agad akong kumatok. Pero kamalas malasang hindi nagbukas ang pinto. Buti na lang ay may dala akong duplicate na susi nang apartment. Agad ko na itong binuksan at nanlaki ang mata ko nang makita ko na wala si Ana.
Tumingin ako sa closet niya. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko na 'andidito pa din ang mga damit niya. Kay ate Cindy! Agad na akong lumabas sa at agad agad na nilock. Mabilis akong bumaba at nagtatatakbong pumunta sa kotse. Nang makapunta na ako ay agad na akong sumakay sa loob. Agad agad ko naman itong inistart at pinaharurot papuntang bahay nila Cindy. Kinakabahan at the same naguguluhan. Hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa 'kin ni Ana.
Nang makarating na ako sa bahay ni ate Cindy ay agad na akong bumaba. Bahagya pa akong kumatok at agad naman akong pinagbuksan. Nagulat pa silang lahat sa 'kin nang makita nila ako.
"Frank," tawag ni Ate Cindy sa 'kin. Lumunok ako at umayos nang tayo.
"H-Hi," saad ko.
"Halika maupo ka rito, ano ba sad'ya mo't pumarito ka?" Tanong niya. Bahagya akong nagisip nang masasabi kaya agad akong kinabahan.
"Itatanong ko lang kung naparito ba si Ana," saad ko. Kita ko kung paanong nagtinginan sila nang Mommy nila at agad na binaling nang tingin ni Cindy sa 'kin.
"On the way na siya sa airport," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"A-Airport? P-Paanong? Nandudu'n pa ang mga damit niya sa apartment kaya hindi mo pwedeng sabihin na on the way na siya sa airport." Sambit ko.
Huminga nang malalim si Ate Cindy at kinuwento lahat sa 'kin ang mga sinabi ni Ana sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nanlabo ang mata ko habang kinukuwento niya ang mga sinabi ni Ana. "I'm sorry, Frank—" hindi ko na siya pinatapos na magsalita at agad agad na akong umalis sa bahay nila. Agad na akong sumakay sa kotse at mabilis na pinaharurot papuntang airport.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomanceSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...