Fourty: Boracay, Sofia

11 0 0
                                    

Frank's POV

Hindi ko alam kung bakit may nagtutulak sa 'kin na iwasan ko muna si Macie. Gusto nang mga paa ko na lumapit sa kaniya pero may nagtutulak sa 'kin na hindi muna. Napakuyom ko nang kamao habang nakatingin sa taas kay Macie kasama si Lem. Bahagya silang nakatalikod sa 'kin at bahagyang ding nakahawak si Lem sa likod na Macie.

"Frank," tawag sa 'kin ni Theo. Napatingin naman ako sa kaniya at alam niya agad ang problema ko.

"Mm.." marahan na sabi ko.

"Okay lang ba kayo ni Macie?" Sambit Miya at bahagyang tinuro si Macie. Tinignan ko naman soya at ngumiti nang pilit.

"Oo naman-"

"Mukhang hindi, bro," putol niya sa sasabihin ko. Bahagya akong yumuko at hindi malaman ang gagawin.

Huminga ako nang malalim. "May nagawa ako sa kaniya na ikinabigla naming parehas." Sambit ko. Napakunot naman siya nang noo.

"Nakuha mo na?" Tanong niya. Nagiwas ako nang tingin at namumulang tumingin sa malayo. "Silent means yes, Frank."

"Mismo,"

"Fuck," saad niya. Huminga na lang ako nang malalim at lumayo na sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil maski ako at naguguluhan na din.

Halos buong araw ay hindi tumama ang paningin ko kay Macie. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa namin kahapon. Kinuha ko nang maaga ang pinakainiingatan ni Macie.

"Macie, are you okay?" Napatingin ako kay Macie na ngayong ay biglang napadilat kaya pasimple kong binaba ang kutsyara't tinidor ko.

"Ah?" Saad niya.

"Ang sabi ko, okay ka lang ba? Kasi bigla ka na lang huminto at pumikit." Tanong ulit ni Lem.

"U-Um, e-excuse me." Saad niya at agad na tumayo at lumayo sa 'min. Tatayo na sana ako nang biglang hawakan ni Theo ang kamay ko.

"Hayaan mo muna siyang makapagisip," sambit Miya kaya napatingin na lang ako kay Macie.

Nang makita ko na tapos na si Lem ay agad kong binilisan ang pagkain ko. Hindi naman nila nahalata 'yon kaya pinagpatuloy ko na lang. Uminom na ako nang tubig at nagstay muna saglit. Kaya nang okay na ay agad na akong tumayo.

"Teka, Frank saan ka pupunta!" Tawag nila sa 'kin pero hindi ko na sila nilingon.

Nang makarating na ako kung saan pumunta si Macie ay nadatnan kong tumatakbo si Lem. Kaya agad kong nakuha ang braso niya at kita ko sa mga mata niya ang gulat.

"Si Macie?" Tanong ko.

Bahagya siyang napalunok. "H-Ha, a-ano, d-duon." Turo niya. Napatingin naman ako at bahagyang napakunot ang noo nang makita ko si Macie na nakatayo at parang may tinitignan. Hindi na ako nakapagsalita sa kaniya at agad ko na siyang binitawan. Ramdam ko namang tumakbo na siya papalayo kaya agad na akong lumapit. Pero bagao pa ako makalapit sa kaniya ay nakita ko si Niel na bahagya siyang tinawag. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila pero nakikita kong tinuturo ni Macie ang daan pabalik.

Nakuyom ako nang kamao nang bigla niyang yakapin si Macie at hinatak papasok. Nagigting ang bagang ko at agad silang sinundan. Halos manlaki ang mata ko sa nakita. Sila 'yong pamilya na mayayaman. Bagsak balikat akong sumandal sa dingding at hinintay na lalabas si Macie.

Mga ilang segundong paghigitay ko sa labas ay bahagya akong tumingin ulit. Umayos ako nang tayo nang makita ko si Maciea na tumatakbo. Kaya agad kong kinuha ang braso niya dahilan para manlaki ang mata niya.

Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon