First day!
Maaga akong nagising dahil ito ang unang araw ko na magsstay ako sa Korea. Buong buo na ang desisyon ko na lilipat na ako nang school. Dahil 'yon naman ang gusto ko. Bumaba na ako at nagbreakfast na. Nang makababa na ako ay agad na akong kumain. Nakita ko naman si Mommy na abala sa pagluluto nang tanghalian kaya hindi ko na siya inabala pa. At ramdam ko din na wala siyang samod. Salubong ang kilay at animo'y parang may kaaway. Red days! Napangisi na lang ako at bahagyang umiling. Kakatapos ko lang din datnan kahapon kaya medyo mainit ang ulo. Minsan naman ay sabay kami nagkakaroon. *Girls only! Hahaha!* Nang tapos na akong kumain ay nagpaalam na ako kay Mommy. Tumango na lang nang hindi ako nilingon man lang. Red days nga hahaha! Pumunta na ako sa garahe at sumakay na nang kotse. Agad ko na itong pinaandar papuntang school.
Nang makarating na ako sa school ay bumaba na ako. Bumuntong hininga ako at ngumiti. This is it! Pumikit ako at bahagyang inaamoy ang hangin. Inhale. "Hmmmm!" Exhale. "Haaaaa!" Be strong, Macie! Agad na akong naglakad hanggang sa makarating na ako sa room. Kita ko naman sila na abala sa paguusap. Dahan dahan akong lumapit at pinakinggan ang pinaguusapan nila.
"Ano na ang gagawin natin?" Naguguluhan na sabi ni Sofia. Hinawakan naman ni Xyder ang likod ni Sofia at bahagyang hinagod hagod.
"Nasira natin ang pagmamahalan nilang dalawa? Paano na 'to?" Problemadong sabi ni Lliope. "Nasabi na natin kay Frank." Nagtaka kung ano ang sinabi nila kaya. Bahagya akong nagcross arm ay mataray na tinignan sila.
"Ano ang sinabi niyo kay Frank?" Tanong ko dahilan para magtinginan silang lahat sa 'kin.
"M-Macie," tawag sa 'kin ni Gab. Ngumiti naman ako at kumaway sa kaniya. "K-Kanina ka pa d'yan?" Nauutal na sabi niya.
Ngumisi naman ako. "Maybe," saad ko. Kita ko na napalunok sila at pasimpleng nagtinginan. "So ano nga, ano nga ang sinabi niyo kay Frank?" Naiinis na sabi ko. Napatingin naman ako sa kamay ni Irene at Sofia na naghahampasan na parang pinapahiwatig nila na sino ang mauunang magsalita. Nang hindi na gumanti si Irene ay siya na ang nagsalita.
Yumuko ako at hinintay ang sasabihin nila sa 'kin "S-Sinabi namin kay Frank na mag hiwalay na kayo," tila'y nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Bahagya akong kumuyom at nagangat nang tingin. "M-Mianhae, Macie." Nagigting ang bagang ko at tinignan siya nang masama.
"Matigas talaga ang ulo niyo, sige pasensyahan na lang." Nanggigigil na sabi ko.
Agad na akong umupo sa tabi ni Lem na ngayon ay nakikipag usap sa kaibigan niya. Napatingin naman sila sa 'kin. Ngumisi ako at napangiti na lang sila. "Hi, Macie." Saad ni Fira. Ngumiti ako at hindi siya pinansin. Pasensya na lang tayo.
"Macie may problema ka ba?" Tanong ni Lem. Tumayo ako at tumingin sa kanila.
"Let's go?" Tanong ko. Nagtinginan naman sila bago sila tumayo.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Fira. Ngumiti ako at umangkal sa braso nilang dalawa.
"Basta," nakangiting sabi ko. Wala na silang nagawa kun'di sumunod na lang sa 'kin.
Nang makalabas na kami nang room ay siyang pagsalubong sa 'kin ni Frank. Tumingin siya sa 'kin at tumingin din ako sa kaniya. "Frank!" Napatingin ako sa tumawag sa kaniya. Ana! Tss! Agad siyang umangkal sa braso ni Frank habang nakangiti at nakatingi sa kaniya. Nalipat naman ang paningin sa 'kin ni Ana na ngayon ay gulat na gulat. Bahagya siyang lumunok kaya napangisi ako. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa saka ko sila inirapan.
"Nag iba na 'ata yung simoy nang hangin?" Pagpaparinig ko nang magsimula na kaming maglakad. "Ang init tuloy! Para tuloy akong na sa empiyerno. Tss!" Saad ko. Napangisi na lang ako at hindi na sila nilingon pa. Tss! Bigla ay parang nanlambot ako. Nakita ko lahat kung paano niya tignan si Frank at kung paano siya umangkal sa braso ni Frank.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomanceSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...