Thrid day!
"Macie!" Napatigil kami sa pagkwekwentuhan nila Lem nang may tumawag sa 'kin. Napakunot naman ako nang noo nang makita ko si Ana na galit na galit. "Macie!" Gigil na sabi niya. Tumayo naman ako at hinarap siya.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko. Ngumuwi naman siya matalim na tumingin sa mats ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niya akong kuwelyuhan. "Ano ba!" Sigaw ko at tinaggal ang kamay niya sa damit ko.
"Ano 'yong mga binibintang mo sa 'kin—"
"Ano bang pinagsasasabi mo!" Sigaw ko dahilan para matigil ang sasabihin niya. "Alam mo ikaw hindi kita maintindihan, ba't ka ba nandidito—"
*PAAAAAKKKK*
Nanlaki ang mata ko nang may biglang mahapdi na dumamo sa pisngi ko. Matalim akong tumingin kung saan nakabaling ang ulo ko. Kumuyom ang kamao ko at masyadong mabilis ang pangyayari dahil ngayon ay nakaupo na siya sa sahig. Lumapit ako sa kaniya at bahagyang umupo. Ngumisi ako at wala pang isang minuto ay bumakat na sa mukha niya ang apat na daliri ko. "Binalik ko lang naman ang ginawa mo sa 'kin." Nakangising sabi ko. "Inagaw mo na nga ang boyfriend ko nagagalit ka pa din? Ano ba laman nang utak mo? Puro Frank? Kung gano'n pumunta ka sa kaniya magpakasaya kayo tutal pareho naman kayong traydor!" Sigaw ko. Hinawakan ko ang mukha niya at inilapit ko nang bahagya sa 'kin. "Kaya wala kang karapatan na sampalin ako dahil hindi lang 'yan ang matitikman mo, try me, Oriana. And you'll see." Saad ko at iniwan ko na siya na nakatulala at nakahawak sa pisngi. Sumunod naman sa 'kin sila Lem at pumunta kami sa tambayan namin.
"Grabe, bakat na bakat pa din." Sambit ni Fira habang nakahawak sa pisngi ko. Nagigti naman ang bagang ko at pumikit nang mariin.
"Hayop na 'yan! Dapat lang sa kaniya 'yon!" Naiinis na sabi ko. Dinilat ko ang mata ko at kita ko sa kanila ang gulat. Pero hindi ko 'yon pinansin.
Nagiinit pa din ang dugo ko. Mahapdi pa din ang ginawa niyang pagsampal sa 'kin. Sakit nun ah! Shinake ko na lang ang ulo ko para mawala ang hilo sa ulo ko. Nang tapos na ako sa pagshashake ay binaling ko na lang ang paningin ko sa kanilang dalawa.
"Lem, tutal maaga naman tayo uuwi deretsyo na tayo sa bahay niyo," blankong sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.
———
Bahagya akong nakapikit at nakatingala sa langit. Maaraw dito kaya nafefeel ko ang simoy nang hangin. Nilaglag ko din ang buhok ko para tangay tangayin nang hangin. Kahit maaraw ay malamig. Iba talaga ang simoy nang hangin nang Korea. Huminga ako nang malalim at dahan dahan na dumilat. Hinarang ko ang kamay ko sa mukha ko para matakpan nang araw. Bahagya pang nakatabingi ang ulo ko at nakangiti. Hindi ko alam kung bakit ang hilig kong tumingin sa langit. Siguro nakasanayan ko nang tumingin tingin duon. Masarap kasi tignan ang langit kapag malamig ang panahon.
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang may humarang na kamay sa mukha ko. Sinundan ko ito at nagtaka nang makita ko si Gab. Umusog ako at pinaupo ko siya. Agad naman siyang umupo at tumingin din sa langit. Tumingin ako sa mga hardin nang bahagyang gumalaw nang dahil sa hangin. Lumapit ako nang bahagya sa may mga bulaklak at bahagyang pumitas nang isa. Nakapikit naman akong inamoy ito. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ay ginaya ako ni Gab. Bahagya din siyang lumapit at pumitas nang bulaklak. Nang tumingin ako sa kaniya ay nakapikit din siya habang inaamoy ang rosas.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomantikSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...