WARNING: CONTAINS MATURED SCENE AND EFFECTS!!!!!
Nasa airport ako at hinihintay ko ang muling pagbalik ni Macie. Kanina pa ako kinakabahan pero hindi ko alam ang dahilan. Parang may kung ano sa 'kin na makikipag hiwalay sa 'kin si Macie. Mga 9 o'clock ang lapag nang airport niya at mga 8:50 na 10 minutes na lang ay darating na ang airport niya.
BRRIIIKKKKZZZZZ BRRIIIKKKKZZZZZ
Napatingin ako sa cellphone ko nang may tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Where are you? Lahat na kami nandidito ikaw na lang ang wala pa." Bulalas ni Lyli sa 'kin.
Napangisi ako. "Basta may hinihintay lang ako," sambit ko.
"Hinihintay? Sino?"
"Basta, bye!" Hindi ko na siya pinatapos magsalita ay agad ko nang binaba ang linya. Nang makatingin na ako sa malayo ay agad ko nang nakita si Macie kasama sila Lem at Fira na abala sa pagtitipa nang mga cellphone nila.
Nang magangat siya nang tingin ay bahagya pa siyang napahinto siya nang makita kaya napahinto na din sila Lem at Fira. "Oh! Frank!" Sigaw nang dalawa. Kita ko naman kung paano dahan dahan umukit ang ngiti sa labi niya at naglakad na. Nang makarating na siya sa 'kin ay agad ko na siyang niyakap nang mahimbing.
"Welcome back, baby." Saad ko sa kaniya. Ramdam ko naman siyang napangiti kaya siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at bahagyang hinalikan 'to.
"Shall we?" Nakangiting tanong ni Lem. Napatingin naman kami sa kaniya at sabay na napangiti. Sabay kaming tumango at nagsimulang maglakad na. Agad ko naman binitbit ang mga gamit nila.
"Thanks, Frank." Sambit nilang dalawa. Ngumiti na lang ako at tumingin kay Macie.
Nang makasakay na sila sa kotse at ako ay nilagay ko naman ang mga gamit nila sa likod nang sasakyan. Nang mailagay ko na ay agad na akong umikot at binuksan ang pinto nang sasakyan. Pero bago pa ako makaupo ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Macie.
"Maybe, Lem."
Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ni Macie at agad na akong pumasok sa kotse. Tumingin naman ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa bintana. Huminga na lang ako nang malalim at inumpisahan nang magmaneho.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Macie. "Hindi ito ang daan papunta sa bahay namin, babe." Pasimple akong napangiti.
"Secret, babe." Sambit ko at agad ko siyang kinindatan. Agad naman namula ang pisngi niya at mabilis na nagiwas nang tingin.
Agad ko nang dineretsyo ang sasakyan sa lugar kung saan nanduon na sila Gab. Napatingin naman ako kay Macie na ngayon ay nakahiga ang ulo sa bintana at mahimbing na natutulog. Gano'n din sila Lem at Fira. Bahagya naman akong napangiti at tinuon na lang ang paningin sa dinadaanan. Medyo malayo layo ito kaya hindi ko din maiwasan na maantukin. Napahinga na lang ako nang malalim at iniiwas na ako'y mapikit. Bahagya ko namang kinuha ang air pods ko at sinuot ito sa tenga. Nagsimula akong mamili nang kanta kaya hindi ko na namamalayan na sumusunod na ako sa kanta.
NOBODY KNOWS by Russ
Tila'y nagising ang diwa ko kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagmamaneho. Napahinga ako nang malalim at pinagtuunan na lang nang pansin ang pagmamaneho.
Nang makarating na ako ay nakita ko sila Ori na naghihintay na sa 'kin. Ginising ko naman sila Macie at sinabing nandito na tayo. "Oh, rest house 'to ni Lyli ah." Sambit ni Macie.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]
RomanceSa mundong kinatatayuan ko hindi ko aakalain na mahuhulog ako sa babae na matining ang boses. At hindi ko aakalain na mamahalin ko siya. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at nauwi sa pagmamahalan. What if sa sandaling pagmamahal ko sa kaniya ay mababa...