Thirty-two

7 1 0
                                    

Pagkatapos kong kumain sa apartment ni Ana ay hinintay ko muna siyang makapagbihis nang uniform. Kaya nang makapagbihis na siya ay sabay na kaming umalis. Pupunta kami ngayon sa bahay para ako naman ang hintayin ni Ana. Nang makarating na kami sa bahay ay walang salita salita at agad na akong umakyat sa kwarto para maligo.

Nang tapos na akong maligo at magtooth brush ay agad na akong nagbihis. Bahagya ko pang inayos ang buhok ko at naglagay ako nang konting liptint. Creepy diba? Yes! Nagliliptint talaga ako pero konti lang. Isang daplis lang at ikakalat ko na siya sa labi ko. Nang matapos na ako ay agad na akong nagmedyas at nagsuot nang sapatos. Napatingin ulit ako sa salamin at bahagya pa akong nagpapogi sign.

Napatingin ako sa mga pabango at kinuha ko ang isa sa mga pabango ko ang pinakamabango kong pabango. Gets mo? Balaka d'yan. Nang matapos na akong magpabango ay agad na akong bumaba. Nang makababa na ako ay nakita ko si Mommy at si Ana na abala sa pinaguusapan nilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napangiti nang makita ko na naman ang ngiti ni Ana. Ngiti na ngayon ko lang nakita. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa at lumapit sa kanilang dalawa. Agad naman nilang napansin ang presensya ko kaya agad na silang napalingon sa 'kin. Bumilis ang tibok nang puso ko nang makita ko kung paano ngumiti nang malaki sa 'kin si Ana. Ngiting matamis.

"Shall we go now?" Tanong ko kay Ana na bahagya pang nakangiti. Tumayo siya at humarap kay Mommy.

"Aalis na po kami, Tita." Saad ni Ana. Nakangiti namang tumango si Mommy kay Ana.

Makikita mo kay Mommy ang saya nang makita niya ulit si Ana. Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko ang sinabi ni Mommy sa 'kin nuong unang araw na naging kami ni Macie.

"Ana is the best girl for you, Frank. Why don't you court her?"

Sa mga salitang binitawan niya ay hindi na mawala sa aking isipan. Nagalit ako sa kaniya dahil imbis na suportahan na niya na lang ako sa pagiging binata siya pa ang pipigil sa 'kin maging binata. I love Macie and I love Ana but Ana is just my friend. I love her as a friend. Pero may posibilidad na mahalin ko siya tulad nang pagmamahal ko kay Macie. Ayokong masira ang matagal ko nang nakuha. Macie is innocent girl but deadly devil inside. Ayaw niyang maging masama sa ibang tao. Kapag ayaw naman niya ay duon lang niya ilalabas ang totoong siya and I love that attitude.

"What's bothering you, Frank?" Tanong ni Ana nang makasakay na kami sa kotse.

Don't get me wrong, pero si Ana 'yong taong maalaga at mapagmahal. Kaya lahat nang lalaki hihilingin na may ibang babae pa na katulad niya. Ang ganda ni Ana ay isang pangactress at ang ganda ni Macie ay pang miss universe. Mas lamang lang nang konti si Ana. Pero kung ako ang mas pipiliin ay ang pipiliin ko ay si Macie.

"Nothing," sambit ko at agad nang pinaharurot ang sasakyan.

Ngayon araw eto ang pinakaayaw ko sa lahat. Hindi ko alam kung bakit pero nawawalan na ako nang gana. Malalim akong bumuntong hininga kaya alam ko na nasa 'kin ang tingin ni Ana. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manubela nang maramdaman ko pa na nakatitig pa din siya sa 'kin. Kaya mas minabuti ko na lang na ituon ang paningin sa daan. Nang makarating na kami sa school ay agad na akong bumaba at pinagbuksan nang pinto si Ana. Nakangiti naman siyang lumabas nang kotse.

Nang makalabas na siya ay agad ko nang sinara ang pinto at bahagyang nilock. Nakangiti akong tumingin sa kaniya at agad na kaming naglakad. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako tinatawagan ni Macie oh dikaya'y busy. Hindi na ako makapagisip nang tama dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Isang mali ang nagawa ko bago umalis si Macie sa bansang ito. Lasing ako at lasing din siya kaya parehas kaming hindi alam ang ginagawa namin.

Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon