Nine: Truth or Dare

31 3 0
                                    

A/N: medyo may pag ka matured scene ito pero wala yung gaganapin sa kama, magbubukingan lang sila. Basahin niyo na lang para malaman.

"Frank! Macie!" Napalingon kami ni Macie sa pinto nang kwarto ko nang biglang may sumigaw sa baba.

"Si Lyli yun," saad ni Macie. Tss, istorbo naman!

Kahit labag sa kalooban ko ay tumayo na ako. Agad akong nagayos nang sarili. Gulo gulo din ang buhok ko dahil sa ginulo ni Macie. "Tara na bumaba na tayo, mamaya na lang na 'tin ipagpatuloy." Bahagya akong umirap at huminga nang malalim. Ipagpapatuloy. Tss! Paano ipagpapatuloy kung naistorbo. Humarap ako sa salamin at salubong na kilay na bumaba.

Nang makababa na kami ni Macie ay nakita namin sila na abala sa paglalaro. "Bad mood?" Natatawang sabi ni Gab. Sinamaan ko naman siya nang tingin at umupo na lang sa tabi ni Macie.

"Ano bang ginagawa niyo sa taas?" Kunot noong tanong ni Ori. Napairap naman ako at sa hindi inaasahan ay napatingin ako kila Theo na ngayon ay nakangiti. Nangaasar.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Sigaw ni Macie. Napatingin naman ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin din kay Theo.

"Ano ba kasing ginawa niyo sa taas? Kanina pa namin kayo tinatawagan kakarating lang kaya namin!" Maarteng sabi ni Lyli. Kahit kailan talaga!

"Ano ba sa tingin mo ang ginawa namin sa taas?" Blanko na sabi ni Macie. Napangisi ako at umupo na panlalaki. "Sa tingin niyo ba may ginawa kami?" Medyo nababanas na sabi ni Macie. Nanahimik naman si Lyli at sila Theo. "Tss," singhal ni Macie.

"Let's play a gam-"

"Kayo na lang maglaro tinatamad na 'ko," saad ni Macie at humiga sa sofa. Tinaggal ko naman ang coat ko at pinangtakip sa legs niya. Maikli na din pala ang pasensya nito.

Umupo na sila sa sahig at gumawa nang bilog. Agad na akong umupo at tumabi kay Irene. Nasa likod lang niya kasi si Macie. "Anong lalaruin natin?" Tanong ni Sofia.

"Truth or Dare!" Nababaliw na sabi ni Xyder. Kompleto kami ngayon. Nandidito sila Junrey at Lance sama mo na din si Liam pati na si Niel.

"Na naman?" Si Irene.

"Anong na naman?" Si Xyder.

"Nalaro na natin 'yan noon nung high school tayo, wala na bang iba?" Kunot noong sabi ni Irene. Umiling iling naman si Xyder. Mukhang paborito nila ang truth or dare.

"Ano naman? Mas maganda kung inuulit," saad naman ni Gab. Oo nga naman?

Hindi na lang nagsalita si Irene. Agad nang kumuha nang bote si Lyli at nilapag sa sahig. "Kung sino matapatan nang ulo nang bote ay siya ang magsasagot at kung sino naman-"

"Oo alam namin 'yan!" Saad ni Irene. Ngumisi naman si Xyder at pinaikot na ang bote.

Paikot ikot lang ang bote hanggang sa matapan si Irene. Kung pa sino ang nagiinarte siya pa ang unang natutukan hahaha! Bahagya akong napailing nang lumunok siya. Truth or Dare?" Tanong ni Ori kay Irene.

"Truth," saad ni Irene. Napangisi naman nang bahagya si Ori at lumunok.

"First question," nakakakabang sabi ni Ori. "Kayo bang dalawa ni Lance, ay may naganap na kama?" Nakangising sabi ni Ori. Sunod sunod na lunok ang ginawa ni Irene nang sabihin ni Ori ang salitang 'yon. Wow. Interesting!

Fallin' in love with my Girl [Season 1 and Season 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon