OMG! OMG! OMG! Happy 1 Million Reads BTS Facts~! Ayyyyyiiie~ *sabog confetti* Di ko talaga iniexpect na makakaabot to sa 1M reads. Though EXO Facts ang first story ko na nakaabot ng 1m reads, still, nagpapasalamat pa rin ako sa inyo ^____^ Kung sabagay, ARMY to eh :">
Sa totoo lang, For the char ko lang talaga ang mga Facts na ginagawa ko. Di ko alam na makakatulong pala to. Thank you talaga ng marami!
May ishashare lang ako sa inyo. Alam nyo bang dapat idedelete ko na tong story nung Boy In Luv Era pa lang? Pero di ko ginawa kasi may nagComment na nakakatulong daw talaga tong facts nato sa kanya kasi Newbie pa lang sya. So yun. Di ko na dinelete. Kaya lang kasi, nagdadalawang isip ako kung idedelete ko ba to o hindi. Pano ba naman may magMeMessage sakin na 'pakiayos naman ng sulat nyo kasi andaming typos' 'ang kapal mo naman para agawin sakin si V' 'grabe ka naman para angkinin ang bts' 'fame whore ka po masyado' 'Ang selfish mo naman ate, blah blah blah' 'Snobber masyado, feeling'
Grabe lang talaga! Unang una, hindi ako nagsusulat nyan. Again, uulitin ko. COPY PASTE lang yan. Kita nyo naman diba, yung iba may Credits pa dyan. Pangalawa, pasensya na talaga. Ganyan kasi ako maglabas ng feels. Aminin nyo ganun din kayo diba? Sa totoo lang, pinipigilan ko lang ilabas lahat lahat ng feels ko dito kasi kung inilabas ko lang yung totoo kong feels magiging selfish na talaga ako pramis! Pangatlo, kailan ko inangkin ang BTS? XD Lahat ng posts ko about BTS nilalagyan ko ng 'ASAWA NATIN' pero aaminin ko kay V paminsan minsan inaangkin ko sya XD Eh kung si V lang yung sinabi mo na inaangkin ko, aamin ako, pero hindi eh BTS nilagay mo kaya SORRY ka na lang di ako aamin HAHAHA Basa basa din kasi bago magreact HAHAHA
Pang apat, nakakaloka! Ako pa ngayon ang naging Fame whore? Bakit? Pinakita ko ba mukha ko? Sinabi ko bang pumunta kayo sa BTS Facts at basahin nyo to? Sinabi ko bang ilike nyo ang pictures ko sa FB? Hindi diba? Atsaka di ko na kailangan ng Likes nyo sa pictures ko madami ng Likes yun, No need na XD Naks! HAHAHA Pinipili ko nga lang yung binibigyan ko ng FB ko kasi ayokong masabihan nyan. Atsaka di ko naman kayo pinipilit na basahin to eh. Choice nyo yan kung babasahin nyo ba o hindi.
Panglima, Selfish ba ako? Kasi feeling ko parang di naman. Shineshare ko pa nga sa inyo to para malaman nyo yung di nyo pa nalalaman sa bangtan. Kasi sa totoo lang, kung selfish ako dapat di ko na binibigay sa inyo yung link ng livestream & videos at mas lalong dapat di na ako nag popost ng facts about them, information about them. Pero hindi diba? Ginagawa ko lahat ng makakaya ko makakuha lang ng info. para ishare sa inyo. Pang anim, di naman ako snobber. Nakakaloka! Tinatry ko namang magreply sa messages nyo except lang sa mga comments nyo, pero kung nagtatanong naman kayo sa comment box diba nagreresponse naman ako? Atsaka may ginagawa din naman po ako. BUSY din naman po ako paminsan minsan. Kaya pasensya na. Tsaka di naman ako famous para mangsnob. Kaloka! XD
Ayokong maparehas to sa EXO Facts na tinigil ko nang mag update dahil may mga hate comments rin. Nireason ko na lang yung pag alis ni Kris para matigil ko na yung pag uupdate dun pero ang totoo ang daming hate comments ang nagbibigay sa akin kaya ko itinigil.
Nagtataka nga ako, imbes na magpasalamat pa sila kasi may nalalaman sila, nagbibigay pa tuloy sila ng mga hate comments. Sa totoo lang mahirap din naman tong ginagawa ko. Oo nga't Copy Paste Copy Paste lang to. Pero yung mga Source naman na yun, mahirap hagilapin.
Okay. Hugot na masyado! XD Di ako galit ha? XD Inuulit ko, hindi ako galit XD Pero kasi nakakainis lang talaga yung iba, parepareho lang naman tayong nagiSpazz sa kanila pero bat ganun? May mga hate comments pa rin? Kaerta.
Anyways, iisipin ko na lang yung motto ni Suga para hindi ko talaga ito maiDelete XD Sorry, nagrant ako masyado XD Nilabas ko lang yung feels ko XD
Again, HAPPY 1 MILLION READS BTS FACTS :D SALAMAT ARMYs~ ❤ PARTEH PARTEH~ IALIS ANG BAD VIBES~ WOOOOOH~ GV GV GV TAYO DITO LAHAT XD
Atsaka may spokening dollars pala ako na reader dito XD Gusto nyang ipaTranslate. No comment na lang ako baka magdugo yung ilong ko XD Facts na lang basahin nya wag na yung kadramahan ko XD
iTratry kong magbigay ng madaming Facts ng BTS pasasalamat ko na din sa inyo. Inuulit ko. iTaTry ko lang. Geh. Malkokayo ARMYs :*
BINABASA MO ANG
BTS (BangTan Boys) Facts
RandomAyooo~ Wassup? BTS (Bangtan Sonyeondan) is here~! My favorite group! ;) Taehyung is my Hubby okaay? So back off! :P XD Just kidding! :D