KABANATA 7

9 2 0
                                    


ROOFTOP

Naging awkward  sa pagitan namin hiindi ko na siya magawang sagutin dahil pakiramdam ko sa oras na ibinuka ko ang aking bibig ay lalabas ang puso kong hindi mapakali sa bilis nang tibok. Lasing na ang mga boys kaya pinatulog na namin sa kwarto ko and yung girls sa kwarto na lang ni Diana hindi pwede sa isang kwarto dahil andun pa yung surprise namin na hindi napakita. 

Tipsy na din yung girls pati si si Diana kaya pinatulog ko na ako na nag insist na mag ayos at hindi padin naman umaalis si Axcyl kaya tinulungan niya na lang ako. Tumagal din kami sa kakalinis kaya nagpahinga na lang muna ako hindi ako masyadong lasing pero antok na ako gusto ko kumain ng ice cream di ko alam bakit nagcrave ako bigla. 

" Hey Axcyl, samahan mo ko" " saan?" " Gusto ko kumain ng ice cream" sabi ko na parang nahihiya pa meron kaming stock sana kaso inubos ng boys eh. " May ice cream ako sa condo ko kunin ko lang" paalis na sana siya pero bigla kung hinawakan ang kaniyang kamay. " Samahan na kita. "

Sumakay na kami ng elevator nasa eksaktong floor na kami ng condo niya ng sinabi ko na di na pala ako sasama sa loob. " Dun lang ako sa rooftop dun muna lang dalhin thank you" tumango na lang siya.

Habang papunta ako sa rooftop. Naiisip ko si Axycl yung galaw niya ang manly yung mata na nakaakit agad saakin nung una ko siyang makita yung perpekto niyang ilong, lips, panga and his adams apple. He look so hot sa tuwing lumulunok nakakapaso yung mga titig niya at hindi ko maitatanggi na lumalala ang epekto niya.  Pagkarating na pagkarating ko sa taas lamig ng hangin ang aking naramdaman. Its so peaceful, the wind breeze that touches my skin. The light from the houses and buildings I see from this view. The stars, the moon it shines so bright kahit na may mga ulap na humaharang sakanya. 


I gently lean my back from the cold railings and close my eyes pinapakiramdaman ang lahat, inaalala ang nakaraan. Lahat ng gusto mong isipin maiisip mo na lang but you can handle it. Kasi nasanay ka na lang din. " Ice cream" Axycl offered hindi ko namalayan na nakarating na pala siya rito ngumiti na lang ako at tinanggap ito parehas na kami ng pwesto hanggang sa nag uusap na kami. 

" Why do you take arts? Specially photography Xistine?" He asked curios siya kung bakit ramdam ko iyon. 

" It makes me calm, it makes me happy, it takes my heart where it belong " Hindi sapat na sagot pero yun ang nararamdaman ko alam mo yung tipong pag may hawak kang camera, ramdam mo yung saya na sa oras na lumagitik ito may nakuha kang litrato. Yung litrato na iyon simple pero may nakatagong malalim na kwento, may emosyong nakatago" sa bawat salita na binitawan ko nakatingin ako sa langit ibinaling ko ang tingin ko sakanya. 

" Ikaw, bakit medicine kinuha mo?" tinignan niya ako pero nag iwas rin at tumingin na lang sa view.  Akala ko hindi niya ako sasagutin dahil matagal siyang tahimik. "Its okay if you dont want to share" hindi kita pinipilit nacurios lang ako

" When I was a kid, may kaibigan ako naging magbestfriend lagi kaming magkasama kilala namin ang pamilya ng isa't isa at welcome rin. What I have meron din siya para na nga kaming magkapatid non sa sobrang close na talaga namin, akala ko lang pala yun . Kasi may hindi siya sinabi saakin na may sakit siya." Nakatitig lang ako sakanya ramdam ko yung sakit sa mga salitang ibinibitaw niya kahit wala siyang ipakitang emosyon.

" May tumor siya non. Nung nagkakilala pala kami kakatapos niya palang mag undergo ng surgery tas umuwi siya ng pilipinas dahil gusto niya rito. Pumayag din sila Tito at Tita kasi yun yung gusto ng anak nila eh. Akala nila ayos na lahat, magaling na ang kaibigan ko kasi healthy na siya tignan eh. Pero sa likod pala nun lagi nang sumasakit yung ulo niya at hindi niya lang sinasabi then one time nasa playground kaminaglalaro lang ng build the castle. Pero bigla na lang siya nahiga tas hinawakan niya yung ulo niya tas sabi niya masakit raw tinawag ko si yaya nagpanic sila non tumawag na ng ambulansiya yung parents ng kaibigan ko. Habang siya dun nakahiga pa rin at nasa tabi niya ako kitang kita ko na nasasaktan siya umiiyak na ako kasi wala akong magawa pero pinunasan niya ang aking mukha at ngumiti sabi niya pa. Everything will be fine pero yun bigla na lang nahulog yung kamay niya at hindi na siya huminga. Namatay yung bestfriend ko sa harap ko nang wala man lang akong nagawa." He looked hurt kaya niyakap ko siya.

" So that's why you choose your profesion huh. Brave" I complimented him to encourage but it was true. He looked so manly outside but as I heard that story. He was a softie man that keep himself strong.

" Kung nasaan man ang kaibigan mo ngayon siguradong proud yun sayo" sabay kaming tumingala para tignan ang liwanang ng buwan. Umupo kami dun sa upuan sa gilid ng rooftop para kainin yung ice cream.

" Ice cream is just humans Xistine" he said I got confused on what he's talking about so I asked why.

" Ice creams have different flavors right?" Tumango ako.

 " Ice creams have different flavors as well as humans. Humans have different attitude but as you think about it. They have differences but as the day ends they are all the same it will have a big impact if you describe them both with the others." 

" Kahit saan ka magpunta or dalhin mananatili parin ito. Mananatiling yan parin ang tawag dumaan man ang mga siglo. Nag iba man ang pagsulat sa kailaliman nito ay ganun parin galing sa orihinal na tawag nito. " out of the blue kung dagdag. Nadala ako sa sinabi niya eh may point.
Pero habang iniisip ko parin ang kaniyang sinabi. May mga binitawan na naman siyang salita. Kasabay ng mabilis napaglipad ng mga paru- paru sa aking tiyan ay ang pagdaan ng bulalakaw. 

Nakapikit ako habang dinamdam iyon.


" Magkaroon man nang pagbabago sayo. Marami mang mangyare, magkaroon man ng problema. Magkakaiba mang salita o hindi man maipahiwatig palagi mong tandaan na mahal kita. "





CHEERS FOR BREAKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon