LOUISE [2]

532 45 90
                                    

An : Hello! Sa mga nalilito, ito po ang paglilinaw. Iba po ang school nila Stanley, Sep at Daniella sa school nila Bonnie, Dorrine, Gemma, Mimi, Louise, Eros at Reydel. Magkaiba rin ang kinalulugaran ng bahay nila Dorrine, Louise at Reydel (na magkakapit bahay lang), sa bahay nila Bonnie, Mimi, at Gemma. Sana nakatulong ito :)

LOUISE'S POINT OF VIEW.

Napatigil ako sa pagta-type sa cellphone nang makaramdam ako ng kakaibang lamig sa paligid. Hindi ko maipaliwanag. Normal naman na malamig sa loob ng bahay namin lalo na kung gabi dahil maaliwalas ang kinatitirikan nito. Pero iba 'yung lamig ngayon.

May kasamang... kilabot.

Dahil dito, hindi ako nakapag-reply kay Bonnie. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang nakita ko kanina. Alam kong imposible, pero 'yun talaga ang nakita ko kanina.

Katapat ng bahay namin ang bahay nila Reydel. Ang bintana mismo ng k'warto ko ang pinakamagandang spot kung gusto mong tingnan ang harapan ng bahay nila. Kaya nakita ko mismo, na umuwi si Reydel.

Gumapang muli ang kilabot sa buong katawan ko nang maalala kung anong itsura ni Reydel nang umuwi siya.

Hindi ko alam kung namamalikmata ako kanina, o talagang... nakita ko si Reydel na walang ulo.

Kilala ko si Reydel simula ulo hanggang paa. Kahit nakatalikod, naka-side view o kahit nasa malayo. Matagal na kaming magkapit bahay, at alam na alam ko kung siya 'yon o hindi. Kaya sure ako na si Reydel ang nakita kong pumasok sa loob ng bahay nila kanina. Kahit wala siyang ulo.

Geez.

Giniginaw ako sa sobrang kaba. Nangingig ako sa kilabot habang iniisip kung totoo ba ang nakita ko, o baka gawa-gawa lang ng imahinasyon ko.

Sobrang bothered na kasi ako lately dahil sa pagkamatay ni Dorrine. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Hindi pa rin tumatahimik ang kaluluwa ko hangga't hindi ko nalulutas ang pagkamatay niya. Hangga't hindi nasasagot ang lahat ng mga tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong mapatingin sa pintuan ng k'warto ko. Sa pinakamadilim na bahagi, nakita kong may parang aninong dumaan. Sobrang bilis no'n kaya hindi ko nagawang sumigaw agad.

Louise, tama na. Nag-o-overthink ka lang.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong sinasabi sa sistema ko na walang aninong dumaan. Na madilim lang sa k'warto ko kaya kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Baka masiyado na akong stress at kung anu-ano nang na-iimagine ng utak ko.

I need to sleep.

Right.

Hindi na ako sumagot kay Bonnie. Hindi ko kasi alam kung tulog na ba siya sa mga oras na ito, kaya minabuti ko nalang na ilagay sa lamesang katabi ng kama ko ang cellphone. Pagkatapos, humiga na ako at niyakap ang unan na nasa tabi ko.

Malamig pa rin, at kinikilabutan ako sa lamig na 'yon. Hinatak ko ang kumot ko paangat hanggang sa balikat ko para maibsan ang lamig na nararamdaman ng katawan ko.

Pero hindi ko magawa.

Ilang beses kong hinatak pataas ang kumot, pero ilang beses din itong bumababa sa paanan ko. Parang...

Parang may humahatak nito mula sa paanan ko.

Dahil sa kaba na nararamdaman ko, binaluktot ko ang buong katawan ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa yakap-yakap kong unan, at dagli kong pinikit ng sobra ang mga mata ko.

Rinig na rinig ko ang bawat pagpintig ng pulso ko. Ang bawat pagtibok ng puso kong animo'y tumakbo ako ng malayo at mabilis.

Sa kabila ng lamig na bumabalot sa atmospera ng silid, heto ako't pinagpapawisan. I don't even know how to care about my sweats. All I know is I don't want to move. I don't want to open my eyes.

666 DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon