An : I've been writing this for a while, kaya wala akong update kahapon. Hindi ko kayo na-inform na may narration din ako in between the Chats. This is for important events. Gusto ko mang gawing pure epistolary ang buong story, hindi p'wede. May mga bagay kasi na mas magandang i-deliver through narration. Sana maintindihan niyo. Magkakaro'n din ng narration/POVs ang iba.
Enjoy! Vote and comment hehe.
P.s. I'm not satisfied with this part, so if you find it lame, I'm sorry. I'll edit this part soon :))
---
BONNIE'S POINT OF VIEW.
It's 3 AM, and I don't know how to sleep.
Nakakaranas ng black out ang buong subdivision namin ngayon. Kaya pawis na pawis ako habang nakahiga, nakaharap sa cellphone, at hindi alam kung paano mababawasan ang bigat at kabang nararamdaman.
I used to laugh at Sitri. Para sa akin, prank lang ang lahat ng tungkol sa kaniya. 'Yun naman talaga ang unang papasok sa isip ng mga tao lalo na kapag imposibleng bagay ang pinag-uusapan. It's a prank. It's a joke. It's just something to ignore.
Not until I accidentally ordered something. Someone.
No'ng una hindi ako naniniwala na si Earl, 'yung kinain ko. It really taste like a normal food, but what makes it unique, is its juice.
I don't know how to describe it, pero hindi ko inakalang gano'n ang lasa ng karne ng tao.
Whatever its taste is, I really vommit.
Hindi ko mabilang kung ilang suka ang nagawa ko no'ng gabing malaman ko, na si Earl, at 'yung pagkain ay iisa. Si Earl 'yung ilang beses kong nginuya. Si Earl na crush na crush ko na artista, ay kinain ko. I almost praise the food, and honestly, I wanted more that time.
Hindi ko alam kung anong punyetang recipe ang nilagay ni Sitri sa pagkain na 'yon, at kung bakit sarap na sarap ako do'n that time.
Kaya hindi ako naniniwala no'ng una na si Earl 'yon. Because for fuck's sake, mukha at lasang pagkain 'yon.
Pero si Eros at ang iba na mismo ang nagsabi.
Sitri isn't good. Sitri isn't normal.
In the first place, I knew something isn't normal about Sitri. Pero ayokong i-entertain 'yon. Kaya mas pinili kong tumaliwas sa sinasabi ng mga kaibigan ko. Ayokong isipin na masama si Sitri, dahil in-add siya ni Gemma sa gc.
Not until Gemma became weird.
Usually, kami ni Gemma ang magkasama sa school. Para kaming magkapatid dahil sobrang close talaga kami. But lately, palagi na siyang lumalayo sa akin, sa amin. Ayaw na niyang sumama sa kahit sino sa aming magbabarkada.
She's back to being a loner again.
Tingin ko, si Sitri ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Si Sitri rin ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang lahat ngayon.
Dorrine went missing. Hanggang ngayon hindi namin alam kung nasaan siya. Kung ayos ba siya o talaga bang nawawala siya. Wala namang nakakapagbigay ng lead sa amin kung saan namin siya p'wedeng matagpuan.
Sa ngayon, ang lahat ay sinisisi si Sitri.
Tama naman kasi sila.
Nagsimula ang lahat nang dumating si Sitri sa gc namin.
Kinailangan kong magpanggap na hindi ako natatakot sa kaniya. Nagpanggap ako na hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan ni Sitri. Dahil hindi naman talaga kapani-paniwala.
BINABASA MO ANG
666 Delivery
ParanormalCursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added to their group chat, tempting Bonnie and her friends to order for foods in the middle of the night...