BONNIE [4]

391 38 65
                                    

BONNIE'S POINT OF VIEW.

Ilang beses akong nagpa-ikot ikot sa loob ng k'warto ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang naghihintay na mag-chat si Gemma sa akin.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung pati si Gemma mapapahamak.

Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang lahat. Dahil lang sa in-add ni Gemma, nagkagulo-gulo na kaming magkaka-ibigan. Sino bang mag-aakalang may masama palang balak 'yung Sitri na 'yon?

Halos wala pa akong tulog kakaisip kung bakit hindi na sumasagot sa mga tawag ko si Gemma. Ilang messages na rin ang na-send ko sa kaniya pero ni isa wala siyang reply. Kahit manlang tuldok, wala. Umaga na at ilang oras na akong naghihintay sa tugon ni Gemma.

Kabadong-kabado na ako. Hindi na mapalagay ang isip ko. Pa'no kung naningil na ng bayad si Sitri?

Ilang beses akong huminga ng malalim bago lumabas ng k'warto ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin pero kailangan kong kumilos.

Hahanapin ko si Gemma.

"Sa'n ka pupunta 'nak?" tanong sa'kin ni Mama nang makasalubong ko siya sa sala. Hindi ko alam kung masiyado na akong napapraning, o nakita ko talagang may bahid ng pag-aalala sa boses ni Mama.

"May pupuntahan lang po akong kaibigan, saglit lang ako," mahinahon kong saad. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagmadali na agad akong lumabas ng bahay. Hindi ko na rin pinansin ang reaskyon sa mukha niya. Dala lang marahil ng kabang nararamdaman ko ngayon.

Naglakad ako hanggang kanto bago sumakay ng jeep. Nang makasakay na ako, halos lahat ng taong kasama ko ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may dumi ba sa mukha ko, o may mali akong nagawa kaya sila napapantingin sa akin.

Inabot ng ilang minuto bago ko naalala na nakapangtulog pa pala akong damit. Hindi ko agad napansin sa sobrang pagmamadali ko.

Hindi ko na pinansin pa ang nakaka-ilang na tingin sa akin ng mga tao. Nanatiling nakatuon sa cellphone ang tingin ko. Hinihintay kong mag-chat si Gemma at sabihing ayos lang siya. Hinihintay kong tawagan niya ako at sabihing nawalan lang siya ng signal, o kaya naging busy lang siya. Gusto kong masiguro na safe si Gemma.

"B-Bonnie?"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Kakasakay lang niya sa jeep at saktong katabi ko pa.

Otomatikong napakunot ang noo dahil hindi ko siya mamukhaan. Pamilyar 'yung mukha pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita o kung kailan kami nagkakilala.

"Eulla. Remember?" aniya habang tinuturo ang sarili niya.

"Eulla?" muli kong saad bago siya tumango.

Nanatili kaming tahimik. Parehas naming hindi alam kung anong sasabihin sa isa't-isa.

Kung tama ang pagkakatanda ko, napasama rin si Eulla sa isang GC kung nasaan si Sitri.

Kung gano'n...

"E-Eulla..." halos walang boses kong saad. "U-um-order ka rin ba kay Sitri?" Mahina kong saad para kami lang ang makarinig.

Mariin siyang napalunok bago sumagot, "o-oo."

"Kailan pa?" agad kong tanong.

"Kasabay kong um-order si D-Dalton," aniya.

Saglit akong napatahimik bago muling nagsalita, "kung kasabay mo si Dalton na um-order kay Sitri, bakit hanggang ngayon b-buhay ka pa?" tanon ko. "Don't get me wrong. Hindi sa gusto kitang mamatay. Pero kung namatay na si Dalton, at ikaw hindi pa, ibig sabihin ba... may ginawa ka para tantanan ka na ni Sitri?" muli kong tanong sa kaniya dahilan para ilihis niya ang tingin nya sa'kin.

666 DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon