EROS' POINT OF VIEW.
It's almost 4 AM, pero heto ako, kumakain pa rin ng kung anu-anong pagkain na nakita ko sa kusina. Sandwiches, chips and pizza. Pero parang may kulang. Hindi ko alam kung ano, pero may kung ano akong hinahanap para mapunan ang gusto kong food trip.
I'm fond of late night watch, and just like what I usually do, nagmo-movie marathon ako kaya hanggang ngayon, gising na gising pa ako. Hindi lang din naman ako ang gising, gising pa ang mga kaibigan ko at hanggang ngayon ka-chat ko pa.
They're really into prank this night. Gusto ko sanang gumanti kaso mas gusto kong mag-focus sa panonood.
"Beer. Yes. Beer," I nod as I speak. 'Yun ang kulang. Beer.
Muli akong napatingin sa oras na nasa computer, kung saan ako kasalukuyang nanunuod. 3:40 AM. It's really late. Kung lalabas ako para bumili ng beer, baka umagahin na lalo ako dahil sobrang layo pa ng convenient store kung nasaan ang beer na gusto ko.
Ubos na rin kasi ang beer sa baba dahil wala namang mahilig sa pamilya namin no'n bukod sa akin.
I stared at the gc for a moment.
Sitri.
Siguro naman may beer siya 'di ba? Kung naka-order sila Dorrine, Louise at Reydel sa kaniya ng ganitong oras, siguro naman p'wede rin ako? Dadating din naman siguro agad 'yung oorderin ko sa kaniya 'no?
Without hesitation, I dialed 666 to my phone.
It's really weird dahil nasubukan ko na dating tumawag sa numbers na ito, pero hindi naman gumagana 'yon. Pero ngayon, nagri-ring na.
I don't know what shit happened, but the lights in my room turned on and off. The monitor of the computer started to glitch, as if something's wrong with the software. Nahilo ako ng kaunti dahil sa pagpatay sindi ng ilaw, pero agad na huminto 'yon nang may sumagot sa kabilang linya.
"May I take your order, Eros?" Malalim na malalim ang boses. Malagom. Hindi ko alam na may gano'n pala kalalim na boses. I don't know if he's using a voice changer to make his voice that deep, or it's his natural voice.
"How did you know my name?" I asked.
"Does it matter?" Pagbabalik tanong niya kaya napatingin ako sa numerong nasa screen ng cellphone ko.
"Is this you Sitri? O-order sana ako kaso parang mali yata ako ng number na na-dial," I said, half-hesitating. Nasa screen mismo ng cellphone ko ang numerong '666', kaya malabong nagkamali ako ng na-dial. It's just that, it's really weird.
"It's me. Can I take your order now?" tanong niya sa malalim na boses. Pakiramdam ko, matutulad sa boses niya ang akin pagtapos ko siyang maka-usap. Parang malat, na malaki, na parang galing sa ilalim ng lupa. Hindi ko maipaliwanag.
"Beers. I want beers," I answered.
Ilang segundo akong naghintay para sa sagot niya, pero naka-isang minuto na yata, hindi pa rin siya sumasagot. When I was about to end the call, bigla siyang sumagot sa kabilang linya, kasabay ng pagtunog ng door bell.
"Delivered." Aniya.
Bumaba na ako hagdan, papunta sa pintuan ng bahay namin. Hindi ko pinatay ang tawag in case niloloko lang niya ako. It feels surreal to get your order within five minutes. Gaano ba kalayo ang Sitri na ito sa bahay namin at ang bilis niya mag-deliver?
Nang buksan ko ang pintuan, binalot ako ng sobrang lamig na hangin. Hindi ko na lamang pinansin 'yon. Madaling araw kasi, malamang malamig talaga sa labas.
Mas napukaw ang atensyon ko sa hulma ng taong nakatayo sa harap mismo ng bahay namin. I don't know if the person standing in front of me is a he, or a she. He's wearing a cap, topped with a hood from his jacket. Hindi ko rin makita ang mukha niya, madilim kasi at hindi natatamaan ng ilaw... quite weird.
Marahan niyang inabot sa akin ang isang plastic na puno ng canned beers. Sa dami no'n, nawala lahat ng wirdong nararamdaman ko, at napalitan na lamang ng tuwa.
Nang abutin ko 'yung plastic, may inabot din siya sa aking papel. Tiningnan ko 'yon at nakita kong may gusto siyang papirmahan sa akin.
"Para saan 'yan? Kailangan ba talaga pirmahan ko 'yan?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Mas inabot lang niya sa akin ang papel na 'yon at ang isang kulay pulang ballpen na may kulay pula ring tinta. Wala akong nagawa kundi pirmahan ang ibabang bahagi ng papel na 'yon. "'Yung bayad nga pala," saad ko bago buksan ang wallet ko.
Binilang kong maigi ang pera bago ko inilabas sa wallet ko, pero nang iangat ko na ang mga mata ko para iabot ang bayad ko, nawala na... nawala na 'yung nag-deliver.
"Eros? Inaantok ka pa ba?"
I snapped out of my thoughts when Reydel slightly punched my arms. "Hmm?"
"Kanina ka pa tulala. Ang laki na rin ng eyebags mo 'tol. Natutulog ka pa ba?" tanong niya sa akin. Pero imbes na sagutin ko siya, mas minaigi ko nalang na tumingin sa lugar kung nasaan kami.
Naalala ko nanaman 'yung misteryosong delivery guy.
Nakasakay kami ngayon sa bus. Papunta kami sa kung saan namin nakita 'yung cellphone ni Dorrine. Nag-meet kami sa kanto kanina para lang maghanap ng traces kung saan namin pwedeng makita si Dorrine.
Oo nga't p'wede kaming humingi ng tulong sa mga pulis sa gagawin naming paghahanap. Pero pareho kaming pumayag ni Reydel na gagawa kami ng sarili naming hakbang. Ang mga magulang ni Dorrine at ang mga pulis ay gumagawa na ng paraan para mahanap siya. Kaya naisip namin ni Reydel na gagawa kami ng sarili naming paraan.
At ito 'yon.
Kaibigan namin si Dorrine. At ngayong nasa panganib siya, alam kong kailangan niya ang tulong namin.
We really don't know where to start, pero gagawin naming starting point ang lugar kung saan namin nakuha ang cellphone ni Dorrine. Ang cellphone na sana'y magiging daan para malaman namin kung nasaan siya. Kung hindi sana nahiwalay kay Dorrine 'yung cellphone na 'yon, baka matagal na namin siyang nahanap.
But come to think of it.
Iniwan ng kidnapper 'yung cellphone kay Dorrine para lang ipaalam sa amin na nawawala siya? How weird it is. Kung sino man ang kidnapper na 'yon. For sure nang-aasar siya.
Isa pa, nag-message si Dorrine sa gc namin ngayong umaga.
No, I mean. It's not Dorrine for sure. It's someone else using her account. I barely understand things yet. Pero kung si Sitri nga ang nasa likod ng lahat ng ito, hindi ko alam kung papaano siya kakalabanin. Dahil in the first place, walang nakakakilala sa kaniya.
It's just like, playing with a stranger.
"Nandito na tayo," sabi ni Reydel nang huminto ang bus.
Sabay kaming naglakad papunta sa loob ng eskenita kung nasaan ang malaking abandonadong ospital. Kung saan namin natagpuan 'yung cellphone ni Dorrine. Lumang-luma na 'yon at ang alam ko, hindi na pagmamay-ari ng gobyerno.
Agad kaming napatigil ni Reydel nang mamalayan naming kanina pa kami naglalakad.
Malapit lang sa bukana ng eskenita na ito 'yung ospital, pero hanggang ngayong hindi pa rin namin nararating 'yon.
"Eros..." Reydel whispered. "Hindi kaya naliligaw tayo? Baka mali tayo ng eskenitang pinasukan."
Agad akong umiling. "Sigurado akong dito 'yon," madiin kong saad. Luminga-linga ako sa paligid. Hanggang sa maalala ko 'yung misteryosong nag-deliver sa akin noon, at 'yung nag-chat sa gc namin na gamit-gamit ang account ni Dorrine. "Hindi tayo nagkamali ng lugar na pinuntahan. Hindi rin tayo naliligaw. Sadyang may nagliligaw lang sa atin," ani ko bago ikuyom ang palad.
"Sino?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kung sino man siya, hindi siya tao katulad natin. 'Yun lang ang sigurado ko sa ngayon."
BINABASA MO ANG
666 Delivery
ParanormalCursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added to their group chat, tempting Bonnie and her friends to order for foods in the middle of the night...