CHAT 45

455 47 80
                                    

Gemma
• Active now.

6:03 AM

Bonnie :
Gemma
Asan ka?
Bakit bigla ka nalang nawala sa bahay?

Gemma :
Sorry, hindi ako nagpa-alam
Kailangan ko na kasing umuwi, may bisita kami sa bahay.
Tinawagan ako ni Mama at pina-uwi agad

Bonnie :
Gano'n ba?
Anong oras ka available ngayong araw?

Gemma :
Hindi ko lang alam
Mukhang buong araw ako sa bahay dahil may lakad kami mamayang hapon
Sabado ngayon 'di ba? Usually kapag sabado family day namin. Unlike sa iba na sunday ang family day.

Bonnie :
Mmm. Sige.
Kapag may kailangan ka, or may something weird sa paligid mo, tawagan mo agad ako
Update mo rin ako everytime para hindi ako nag-aalala

Gemma :
Okay.

6:07 AM

Bonnie :
Gemma
Nag-chat sya sa'kin

6:15 AM

Gemma :
Sorry late reply
Sinong nag-chat sa'yo?

Bonnie :
Si Seth

Gemma :
Si Seth?
Hay nako Bonnie, 'wag mo nga akong lokohin.

Bonnie :
Hindi ako nagbibiro.

Gemma :
Paano magcha-chat sa'yo 'yon e pareho naman nating alam na wala na si Seth
Ikaw Bonnie ha
Baka gusto mo lang mag-bring up ng topic about kay Seth
Spill the tea

Bonnie :
Seryoso ako.
Nag-chat si Seth sa akin
Kakabasa ko lang

Gemma :
Oo na lang Bonnie
Anong sabi?

Bonnie :
Ingatan ko raw sarili ko.

Gemma :
Hanga talaga ako diyan kay Seth
Mukhang kahit nasa kabilang buhay na, patay na patay pa rin sa'yo.

Bonnie :
Puta.
Kinikilabutan ako
Pa'no nakapag-chat si Seth sa'kin kung patay na siya?
Pota.
Pota talaga

Gemma :
Baka naman kamag-anak lang niya?
Nabuksan 'yung account nya?

Bonnie :
At sinabi sa akin ng kamag-anak niya na mag-ingat ako?
Weird ha.

Gemma :
O baka ibang Seth 'yan

Bonnie :
Na kapareha ng apelyido ni Seth?

Gemma :
Fake account?

Bonnie :
Pero mutual friends kayo?

Gemma :
What the fuck Bonnie. Ewan ko talaga kung maniniwala ako na nagchat si Seth sa'yo.
Iniisip ko pa lang, ayoko na agad isipin
Nakakatakot ha

Bonnie :
Tingin mo ba magbibiro ako ng tungkol sa patay?

Gemma :
Ewan ko sa'yo.
Send screenshot nga ng chat.

666 DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon