BONNIE [3]

487 43 72
                                    

BONNIE'S POINT OF VIEW.

"Tingin mo ba kinuha talaga ni Sitri si Louise?" tanong sa akin ni Gemma habang naglalakad kami palabas ng campus. Kanina pa kami magkasama. Kung hindi rin lang magkaiba ang subjects namin, baka buong araw na kaming magkasama.

Ewan ko ba. Pero simula nang magsalita siya tungkol sa mga nalalaman niya, pakiramdam ko may nakatingin na sa amin palagi. Parang may nagmamasid sa paligid namin na hindi namin alam kung nasaan o kung sino.

O baka napa-paranoid lang ako dahil nalaman kong nasa panganib na ang buhay ni Gemma. Ngayong sinabi na niya sa akin ang mga alam niya, for sure ha-hunting-in siya ng kung sino mang nasa likod ni Sitri.

"Ayokong isipin na kinuha nga ni Sitri si Louise. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon na baka hindi lang talaga siya pumasok ngayong araw. Baka may sakit kaya hindi makagamit ng cellphone," sagot ko sa tanong niya.

Sabay kami ni Gemma maglakad. Ayaw niyang maunahan ko siya, at ayoko rin namang mahuli sa kaniya. Para kaming tanga dahil palinga-linga kami sa paligid. We both feel unsecured. Parang anytime, may bigla nalang susulpot sa harapan namin para saksakin kami.

Habang naglalakad papunta sa kanto, kung saan kami sasakay ng jeep papunta sa subdivision nila Louise, sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. But I always end up being uncomfortable.

"Bonnie," pagtawag sa akin ni Gemma. Halata kong kinakabahan siya kahit na nakatingin siya sa nilalakaran namin.

"Hmm?"

"Bukod sa mga na-obserbahan ko kay Sitri, may iba ka pa bang alam? Mas maganda siguro kung pagsasama-samahin natin ang mga nalalaman natin para mas maintindihan natin ang mga nangyayari hindi ba?" ani Gemma bago tumingin sa akin.

Sandali akong napakunot ng noo para mag-isip. "Tulad ng mga sinabi mo, weird si Sitri. Pakiramdam ko tao siya. Pero dahil nagagawa niya ang mga bagay na parang hindi kayang gawin ng isang normal na tao, parang naniniwala na ako sa sinabi mong hindi normal ang nasa likod ni Sitri. Hindi ko rin napansin na baka hindi nag-iisa si Sitri. Ang alam ko lang, masiyadong halata kung kumilos ang nasa likod ni Sitri," saad ko.

"Masiyadong halata? Paanong halata?" tanong ni Gemma.

"Namatay si Dorrine dahil sa pagkalunod. Pero kilala natin si Dorrine. Takot sa tubig 'yon. Hindi ba't palagi nating niloloko na hindi naliligo ang isang 'yon? Tapos sinabi ng mga pulis na suicide ang nangyari. Sobrang suspicious," saad ko. "No'ng una, akala ko normal lang 'yon. Baka suicide talaga. Baka may pinagdadaanan si Dorrine na hindi namin alam kaya nagpakamatay siya. Pero nang mapa-isip ako na may point si Louise na ang weird naman kung nilunod ni Dorrine ang sarili niya, naniwala akong pinatay nga si Dorrine in a not-so-obvious but suspicious way."

Naningkit ang mga mata ni Gemma bago marahang tumango. "Kaya pala," aniya.

"Kaya pala ano?" tanong ko.

"May isa rin kaming kasamahan sa gc noon na namatay. Ang sabi ng mga pulis, nalason daw siya. Pero ang nakakapagtaka, ang kinain niya raw ay spicy seafood. Eh may allergy sa maanghang 'yon," ani Gemma.

"Parang gano'n din 'yung nangyari kay Daniella. 'Yung bagong add sa gc. Ang sabi, ayaw niya sa amoy ng muriatic acid. Pero nakita raw sa CCTV na ininom niya mismo ito kaya siya namatay," saad ko kaya bahagyang nalaki ang mga mata ni Gemma.

"May bago sa gc?" tanong niya.

Tumango ako. "'Di ba nga, ang sabi ni Sitri, bago umalis sa gc, kailangan mong magdagdag ng tatlong buhay. Kaya ang ginawa ni Mimi, nag-add siya ng tatlong bagong member. Si Daniella 'yung isa do'n. Sa tatlong in-add ni Mimi, siya lang ang um-order kay Sitri. Kaya ayun. Namatay," saad ko.

666 DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon