EROS [5]

378 32 49
                                    

An : This is the last chapter of 666 DELIVERY, pero may last chat pa. Though, ito na ang ending talaga. Kung bitin, I'm sorry. If satisifed ka, thank you.



EROS' POINT OF VIEW.

"Mauna na po ako," saad ko nang hindi na mag-reply si Bonnie sa mga chats ko. Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo kaya napatayo rin ang mga magulang ni Bonnie.

"A-anong nangyayari? Ba-bakit parang nagmamadali ka?" tanong sa akin ng mama ni Bonnie. Halata sa mukha niya ang pag-aalala at takot. Gano'n din sa asawa niya pero hindi tulad niya, nananahimik ito at pinipilit ang sarili na maging kalmado.

"Kailangan ko pong sundan si Bonnie. Hindi ko alam kung anong meron pero kailangan kong masiguradong ligtas si Bonnie," saad ko. Naglakad na ako palabas ng pintuan. Diretso ko nang tatahakin ang gate nang biglang magsalita ang tatay ni Bonnie.

"Tuparin mo ang pangako mo saming hindi mo pababayaan ang anak namin," aniya.

Tipid akong lumingon bago tumango. Pagkatapos no'n, nagsimula na akong tumakbo papunta sa kanto ng subdivision. Wala na akong paki-alam kahit malakas pa ang ulan. Hindi ko alintana ang basa kong damit. Ang importante para sa akin ngayon ay masundan si Bonnie.

Ika-ika akong tumatakbo. Maya't-maya rin akong napapangiwi dahil naiwan ko ang saklay ko sa bahay nila Bonnie sa sobrang pagmamadali.

Villa De Ferrer.

Kung tama ang pagkaka-intindi ko, doon pupunta si Bonnie ngayon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit gusto niyang makipagkita kay Stanley? Hindi kaya...

Shit! I have a bad feeling about this. Hindi naman siguro si Andrea ang kumokontrol sa katawan ni Bonnie sa mga oras na ito hindi ba?

Pagdating ko sa kanto, agad akong pumara ng jeep papunta sa subdivision kung saan magkikita si Stanley at Bonnie. Akmang sasakay pa lang ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Unknown number ito pero dahil sa sobrang kaba ay nasagot ko na lamang ito.

"E-Eros! Tu-tulungan mo ako! Si Gemma 'to! Hindi sumasagot sa tawag ko si Bonnie kaya ikaw nalang ang tinawagan ko! P-please tulungan mo ako. Nandito ako sa prisinto malapit sa a-amin! Nandito si Mi—"

Biglang naputol ang tawag dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sa mga oras na 'to, pakiramdam ko hinahabol ni kamatayan ang lahat ng mga kaibigan kong natitira.

"Mortem..." Napatingin ako sa driver ng jeep. Nakatitig itong mabuti sa akin.

"Mortem. Mortem..." Napatingin naman ako sa babaeng barker. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin dahil sa sumbrerong soot niya. Sabay na nagsalita yung driver at 'yung barker ng ‘mortem.’

"P-po?"

"Sasakay ka ba o hindi!?" pasigaw na tanong no'ng driver ng jeep na huminto sa harapan ko kaya halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko.

Imbis na sagutin siya ay agad akong pumara ng ibang jeep. Base sa tono ni Gemma, kailangang-kailangan na niya ng tulong.

Sumakay ako sa jeep na papunta sa prisinto—kung nasaan si Gemma. Nakakapagtaka kung bakit siya naroon, pero hindi ko na inisip pa ang mga maaaring dahilan. Ilang beses kong tinawagan muli ang numerong ginamit ni Gemma sa pagtawag sa akin, pero wala nang sumasagot sa kabilang linya. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi na sumasagot si Gemma sa mga tawag ko.

Tanging dasal na lamang ang nagagawa ko habang hinihiling na sana'y nasa maayos na kalagayan pa si Gemma at si Bonnie. Ang bawat minutong lumilipas ay tila bato sa pakiramdam ko, pabigat nang pabigat.

Malapit na ako sa prisinto nang biglang tumirik ang makina ng sinasakyan naming jeep. Hindi na ako naghintay pa at dali-daling tumakbo papunta sa istasyon ng mga pulis. Pagdating ko sa tapat, agad akong napahinto. May isang pulis na nakahiga sa sahig at tila wala ng buhay. Ang glass door ng istasyon ay may bahid ng dugo, na parang tumalsik dito.

666 DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon