ANDREA [1]

408 41 62
                                    

An : This part is bitin. Kung ayaw mabitin, huwag basahin. Kung ikaw ay makulit, 'di na kita mapipilit. First time magkaro'n ni Andrea ng POV, hindi rin ito ang huling beses ;)










ANDREA'S POINT OF VIEW.

"Hindi mo ba talaga papatayin si Eros? For sure marami na siyang nalalaman sa mga oras na 'to," saad ko habang pilit na kinukuha ang atensyon ni Sitri. Nakatayo kaming pareho sa roof top ng isang building. Dito madalas na nagpupunta si Sitri kapag wala siyang deliveries.

"Sinabi ko na sa'yo, hindi ko siya p'wedeng patayin dahil utos na mismo ni Boss na hindi na natin siya p'wedeng pakialaman," sa wakas ay tugon niya. Dahil nasa tuktok kami ng gusali, marahang dumadampi sa balat namin ang malamig na hangin. Maya't-maya ring tinatayang ng hangin ang buhok namin dahilan para saglit akong mairita.

"Malalaman na niya ang sikreto ko," saad ko bago tumingin sa baba ng gusali. Wala ng masiyadong tao sa mga oras na 'to. Hinayaan ko talagang gabihin ako rito kaysa makipagkita kay Eros kanina. Gusto kong makipagkita kay Sitri para sana ipapatay si Eros, pero hindi na pala p'wede.

"Rules are rules. Eros killed her friend Louise, making him completely safe. 'Yun ang nakalagay sa kontrata na pinirmahan ng mga taong um-order sa atin. Rule na hindi nila binabasa," saad ni Sitri kaya wala akong nagawa kundi mapa-irap na lamang.

"Sa tingin mo, paano ako haharap sa kaniya ngayon? For sure alam na niyang may dalawang katauhan si Bonnie," irita kong saad.

"Paano mo naman nasabi na malalaman ni Eros ang tungkol sa'yo?" ani Sitri.

"Knowing Bonnie's dumb parents, s'yempre sasabihin nila 'yon kay Eros if may chance. Alam mo namang they are protective in this body," ani ko bago imuwestra ang katawan ko. "If we can't kill Eros for knowing the truth, I think it's not bad to kill Bonnie's parents right?" nakangisi kong saad.

Napabuntong hininga si Sitri bago tumingin sa akin. "You're really a little devil just like I wanted you to be," nakangiti nitong saad sa akin. "Pero may kasalanan ka pa sa akin," dagdag niya bago niya ako paningkitan ng mga mata.

"Kasalanan? Sa'yo?" pagtatanong ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya naglakad ako paatras. I don't know what's wrong with me, but I find it amusing. Atras lang ako nang atras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil nasa harang na ako ng rooftop.

"Whose heart is this?" tanong niya bago ituro sa akin ang dibdib niya. "Walang puso ang mga tulad natin," saad pa niya.

Dahan-dahan kong nilapat ang kanang palad ko sa dibdib niya, kung saan ko nilagay ang puso na tinutukoy niya. Yes it's right, demons like us doesn't have a heart. But I put one to Sitri. And guess what, it's Seth's heart.

"That heart, belongs to Bonnie's lover, which I hated the most," may diin kong saad.

"What do you mean?" tanong ni Sitri sa akin.

Umiwas ako ng tingin at lumayo ako sa kaniya. I crossed my arms and pinned my sight at the city view.

"I think, a year ago, Bonnie is in love with this man named Seth..."

"Ikaw nanaman?" tanong ni Bonnie sa lalaking bigla na lamang sumulpot sa harapan niya. Eventhough I'm not the one who's controling the body, I feel Bonnie's heart, racing as if it's about to collapse. Inside her, I countlessly rolled my eyes in irritation.

"Aminin mo, gusto mo namang makita ako rito 'di ba?" Nakangiting tugon ng binatang nakasalubong namin. Ngumiti siya dahilan para bumilis lalo ang pagtibok ng puso ni Bonnie. How pathetic! Dahil sa ngiting 'yon, mas lalo akong nairita. I want to sew his lips para mawala 'yung ngiting 'yon. But I'm too lazy to control the body today. I'll do it next time.

666 DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon