LOUISE [1]

566 60 120
                                    

An : I'm really thankful dahil nakabalik ako sa wattpad account na ito. Because of that, I dedicate this part to my tid, aeraceles (na nahulaan ang pass ng gmail ko kaya ako nakalog-in ulit). Also, I want to thank Im_Andeng, exsozen and princessjade_25 sa pagpapalakas ng loob ko dahil sobra 'yung takot ko nang hindi ako makapaglog-in. As in, na-stress ako at naiyak nalang.

I think I need to have a copy of all my stories. Para kahit mawala si wp, may back up ako. Btw, enjoy my updates! Na-miss ko rin si Sitri, at ang bobong si Bonnie. Oha. Haha.

LOUISE'S POINT OF VIEW.

Hingal na hingal ako habang naglalakad-takbo sa hallway. Kasabay ko ang ilan sa mga estudyanteng nakarinig din sa balita tungkol sa dalawang babaeng natagpuang walang buhay sa loob ng CR. Mabilis na kumalat ang balita sa buong campus since the student journalists confirmed the news minutes ago.

Sa bawat hakbang ko, kasabay nito ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ang alam ko lang, natatakot na ako. I feel unsafe, unsecured.

Knowing that someone died inside the school premises, sinong estudyanteng hindi matatakot para sa kaligtasan nila? Hindi lang isa ang namatay, dalawa pa.

"Oh my..." Agad akong napatakip sa ilong ko nang makarating ako sa bukana ng CR. Amoy nabubulok na karne. Masangsang ang amoy at malansa. Nakakasuka. Kumakapit sa loob ng ilong ang amoy, kaya't mas pinili ko nalang na kapusin ng hininga kaysa maamoy ang hindi kaaya-ayang hangin.

Siksikan sa harap ng CR kaya wala akong nagawa kundi manatili sa likuran. Tulad ko, nakatakip din ng ilong ang mga estudyanteng nakiki-chismis at nakikipagsiksikan. Napuno ng bulung-bulungan ang lugar. Lahat sila pinag-uusapan ang tungkol sa dalawang babaeng namatay sa loob ng comfort room. Ang ilan naman, piniling umalis dahil kinikilabutan na sila.

Ang gusto ko lang naman ay malaman kung sino pa 'yung isang babaeng namatay kaya nandito ako. Just pure curiosity.

For sure, malaking issue ito na kakaharapin ng school. Tatlong estudyante ang namatay sa loob ng campus ngayong araw. Hindi ako magtataka kung maraming mag-aalisan kahit kalagitnaan na ng taon. Baka mabawasan din ang bilang ng mga mag-eenroll dito next year kahit ma-solve na ang kaso.

"Students, go back to your rooms now," ani ng kanang kamay ng principal. Bakas sa tono ng pananalita niya ang authority. Sa lakad niya, halatang fierce na fierce siya. Pero sa mga mata niya, nakita kong nababahala rin siya.

Sino ba namang hindi mababahala?

Iniisip ko pa lang na nakapasok ang suspect sa campus, pumatay ng dalawang estudyante, natatakot na ako. Kahit hindi ko sure kung ano talagang nangyari, kung suicide ba ito o may pumatay sa kanila. Sa ngayon, mas nangingibabaw sa akin ang ideyang may nakapasok na estranghero sa school.

"I said go back to your rooms now," pag-uulit ng assistant principal.

Unti-unting nabawasan ang mga estudyante na nagkukumpulan sa harap ng CR. Hanggang sa maglakad na rin ako kasabay ng mga ito.

"Louise, anong nangyari?"

Napa-angat ang tingin ko sa nagsalita at tumabi sa akin. Si Bonnie. Sabay kaming naglalakad papunta sa floor kung nasaan ang rooms namin. Sumasabay kami sa agos ng mga estudyanteng naglalakad pabalik sa sari-sarili nilang silid.

"Hindi ko alam kung ano talagang nangyari. Pero tingin ko legit na may namatay ulit sa school natin. Ang sangsang ng amoy sa may CR kung alam mo lang. Pinabalik kami ni Ms. Laza sa classrooms kaya hindi ko nakita kung si Rhea nga talaga 'yung isa sa mga namatay," saad ko.

666 DeliveryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon