ESCAPE 8

3.3K 126 18
                                    

Chapter 8

GIANNE's POV

"A-argh!" daing ko ng maramdaman ko ang pag-sakit ng ulo.

Ramdam ko ang paglubog ng katawan ko sa malambot na higaan at dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, ngunit madilim, wala akong makita.

Naalala ko ang nangyari kahapon at napabalikwas ako dahil doon. Muli kong ginala ang mga mata ko at nagbabaka-sakaling makakita ng liwanag kahit konti man lang ngunit wala.

Hindi ito ang condo, dahil sa amoy pa lang. Sobrang tapang nito, manly scent.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya, nahilo ako at napakapit sa bed sheet. Hinawakan ko ulit ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Don't you ever try to get up when you know it hurts."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at biglang bumalot ang takot sa sistema ko. Mabilis na lumingon lingon ako sa paligid kahit wala naman akong makita.

"N-nasaan ako?" kahit masakit at natatakot ay sinubukan ko pa 'din tumayo.

Muli ay naalala ko ang anak ko, "Nasaan ang anak ko?" muli kong tanong, hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko alam kung anong ginagawa niya at kung saan niya ako dinala.

Bigla akong naalarma nang marinig ang paglakad niya at naramdaman ko ang isang lamesang nakapa ko at sumiksik dito.

Dinig ko ang mga yabag ng paa niyang papalapit sa akin, pinipilit kong isiksik ang katawan ko at pumikit, kinikilabutan ako.

Wala na akong ibang maramdaman kundi ang takot na bumabalot sa akin.

"Anak natin." sambit niya

"Hindi mo siya anak!" Singhal ko.

"Really?"

Biglang dumapo ang kamay niya sa braso ko, I can feel his warm hands na ikina-taas ng balahibo ko. Sa pagkakataong ito ay gusto kong makaalis dito.

Iniwas ko ang kamay ko na ikina-tawa niya. Hindi ko makita ang ekspresiyon niya. Naglakbay ang palad niya sa braso ko pataas sa leeg at papunta sa mukha ko.

Amoy ko ang malakas na pabango galing sa kaniya.

Iniwas ko ang mukha ko sa ginagawa niya, pero hinapit niya ang bewang ko at napa-tili ako. Naramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa tenga ko.

"B-bitawan mo 'ko" at pilit nagpupumiglas ngunit hindi ko kaya ang katawan niya.

"I miss you." Sabi niya at tila ba nagtaasan ang balahibo ko sa mga salitang iyon. Inis na hinawakan ko ang kamay niya at pilit tinatanggal.

Ano bang pinagsasabi niya?! Miss?! Ako ba talaga?

"ANO BA!" Sigaw ko ngunit ayaw niya talaga akong pakawalan.

"STOP" Ma-awtoridad na utos niya. Napatigil ako sandali at napalunok, pinipilit at hanggang sa pinipilit ko pa 'din tanggalin ito, hindi ko siya pinapakinggan.

Wala akong pakealam sa gagawin niya o sa kaya niyang gawin sa akin. Saktan niya ako kung gusto niya dahil nagawa naman na niya noon pa.

"Ibigay mo na sa akin si ganna!" at pinagsusuntok ang dibdib niya. Alam kong malaki ang ipinagbago ng katawan niya, para lang siguro akong stick ngayon, walang kalaban-laban.

"Please..." humina ang boses ko gayun 'din ang pagsuntok ko,

Kumawala ang kanina pang pinipigilan na luha, isa pa 'to! napaka-traydor!

Seduced by RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon