ESCAPE 30

1.7K 40 4
                                    

Chapter 30

"Mom, why Daddy have a big house? parang kay barbie." I chuckle what my daughter said. I brushed her hair upward and slowly kiss her forehead.

"Because he is working like Mommy and earning money for the family."

Ngumiti ako at sandali ay napatigil sa sinabi.

Family

"How about our house? Are we gonna stay here? we have two house na!" Masiglang sabi niya. Ngumiti lang ako at medyo inayos ang silky sleepwear blouse niyang kulay pula na may strawberry design.

Sinagot ko ng walang kasiguraduhan ang tanong niya. Maski ako ay hindi ko alam kung anog mangyayari sa akin, sa amin ng anak ko. Pero isasantabi ko muna ang isiping ito.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ng anak ko ay pinatulog ko muna ito ngunit hindi ko namalayan na naka-tulog na din ako sa tabi niya at naalimpungatan ng may malambot na kamay ang humahaplos sa akin.

Napamulat ako at iaayos ang pag-upo ng pinigilan ako ni Liam, nasa likod ko ito.

Pinapagitnaan nila akong dalawa at hindi ko alam kung paano kami umurong. May tatlong unan din ang nakaharang sa gilid ni Ganna, bigla naman gumaan ang loob ko dahil si Liam lang naman ang gagawa ng mga ito.

"Just rest." malambing na sabi niya at naramdaman ang kamay niyang gumagala sa aking bewang.

Marahan niyang pinisil ang bewang ko.

"Bakit ba g-gustong guto mong hinahawakan ang bewang ko?" kagat labing tanong ko. Napansin ko lang. Except in the situation when he gets mad.

Dahil sa pag tabi niya ngayon ay naalala ko ang sinabi niya noong isang gabi.

Gianne, marry me

Gianne, marry me

Gianne, marry me

Paulit ulit tumatakbo ang mga katagang sinabi niya. Nang matapos ang gabing iyon ay tahimik lang ako, I answered him nothing, I can't talk and all I can do is turned my sight away from him.

Hanggang sa makarating kami sa isang modern japanese house at hindi sa lugar na kung saan ikinulong niya ako.

I stunned and he got us here. Ang daming tanong ang umiikot sa isip ko sa mga sandaling iyon at hindi nabawasan ang katanongang bumabagabag sa akin bagkus ay mas nadadagdagan ito magpa-hanggang ngayon.

"Are you listening?"

Gumalaw siya at ramdam kong wala siya sa likod ko and I almost scream when he pulled my arm.

Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig habang nakaupo siya sa paanan ng kama at ako ay napa-upo sa hita niya.

"Ano bang s-sinabi mo?" Pag-iiba ko ng atmosphere dahil sobrang lagkit ng mga titig niya kaya umiwas ako.

"Look at me." Ma-awtoridad na utos niya.

Tumikhim ako at aalis na sana sa kanlungan niya ng pinigilan niya ako. "Look at me, love." Ulit niya.

Wala akong nagawa kundi sundin siya. Pagka-lingon ko, mabilis na ginawaran niya ako ng halik sa labi na nagpa-tigil sa akin. He just...smiled again.

And he repeat it again, from a fast peck of kiss hanggang sa pinuno niya ang buong mukha ko ng mga halik niya. Hindi ko alam ang ire-react ko.

He smiled sweetly with a full of positivity and genuine on his face. Ngayon ko lang napansin na sobrang lighten ng itsura ng awra niya kumpara sa dati, iyong mga senaryong hindi ko maipinta ang ugali niya at mga kilos niya.

Seduced by RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon