ESCAPE 27

1.6K 44 11
                                    

Chapter 27

Bumaba kami sa tapat ng isang vintage house na may temang kulay krema at puti, sa gitna nito ay ang mga nakasabit na madaming picado banners at bulb lights sa mga pagitan nito. Talagang pyestang pyesta ang dating. Ang mga mesa at upuan ay puro plastic rattan design at nakapa-ibabaw dito ang mga iba't ibang designs ng mga lobo at mga naka-prepare na mga plato at basong naka-taob.

May mga iilang taong dumadalo na 'din at may iilang mga staff ang nag-aayos pa.

Natuon din ang paningin ko sa isang mini stage na pinalilibutan ng mga sari-saring bulaklak at lobo at iba't ibang designs. Ganoon din ang microphone stand na may nakapulupot na ribbon.

Habang naeengganyo ang mga mata ko sa mga nakikita, dahil ngayon lamang ako inilabas ni Liam ay para akong naiignorante. Hawak ko ang kanang kamay ni Ganna sa aking gilid at sa harap naman si Liam, may kausap itong matandang lalaking naka-tuxedo kaya na-stuck kami dito.

Napaka-simple ng venue. Ang ganda.

"This is my wife."

Nagulat ako ng hapitin ni Liam ang bewang ko at nag-isang linya ang kilay ko. Nahiya naman ako sa ginawa ko nang malamang nasa harap ko na din ang matandang kanina'y kausap niya lang.

"She's so beautiful. Don't get me wrong, is this your daughter?" at tinuro si Ganna. Medyo pinamulahan ako sa sinabi niya, dahil sa hiya.

"Yes, OUR daughter." empasizing the word 'our'.

Nginitian ko lang ito at pinapakiramdaman ang kamay ni Liam na nasa bewang ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya, hinihimas niya ito.

"Welcome yourself here Mr. Gamboa" at nagtapikan sila ng balikat nang hindi pa din tinatanggal ni Liam ang kamay niya sa akin.

"This is gonna be really a long celebration." at tumawa si Mr. Gamboa.

Nagsimula kaming mag-lakad ni Liam papasok doon sa vintage house. Gusto ko mang magtanong tungkol dito pero may tanong ang aking isipan sa kaniya.

"What was that?" takang tanong ko.

"Hmm? what?" at inalalayan kami sa mini stair. Napangiwi ako sa ginawa niya, he's too caring hindi naman ganoon kataas.

Gusto kong itanong yung sa sinabi niyang 'I'm his w-wife.'

Tumikhim ako, "Wife thing." maikling saad ko, sapat na para malaman niya ang ibig kong sabihin.

"Aren't we?"

"Hindi."

"Then, we are....soon." at mabilis na hinalikan ako sa pisngi.

"Ano nga pa lang celebration? masyado naman atang engrande dahil maraming bisita." tinanaw ko ang nagpapasukang mga bisita. Wala man lang pamilyar sa paningin ko.

"Oh yeah! I forgot to tell na Mom decided to celebrate Da---"

"Liam!"

Biglang pukaw na sigaw ng isang babae sa aming likuran, pagkalingon na pagkalingon ko ay mainit na braso ang yumakap sa akin.

"It's really you Gianne!" sabi ng Mommy ni Liam na si Tita Layla nang hindi binibitawan ang pag-yakap sa akin.

Sa likod ni Tita Layla ay ang magkatabing lalaki, automatiko akong napa-ngiti ngunit isang tipid lamang ang iginawad ko.

"I missed you so much, hija."

"Tita Lay---"

"MOM." putol ni Liam, "It's Mom, Gianne."

Seduced by RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon