Chapter 26
Humiwalay ako sa pagyakap ko sa kaniya at tinakbo ang taong ngayo'y nakangiti sa akin.
"Mommy!"
Sigaw ng munting anghel ko, binitawan niya ang hawak na lobo.
"Mommy!" sigaw niya ulit nang buhatin ko siya.
Mahigpit ko siyang niyakap at binigyan ng maliliit na halik ang buo niyang pisngi. Tumulo ang luha ko sa sobrang saya.
"Mommy don't cry!" at gamit ang maliit na kamay niya ay pinahid niya ang butil na luhang tumulo sa aking pisngi. "I missed you so much" sambit ko.
Pinakatitigan ko siya ng mabuti, sinusuri kung maayos at maingat niyang inalagaan ang anak ko. Wala akong nakitang kahit anong galos bagkus ay napansin ko ang pag-taba ng pisngi ng anak ko. Sa bagay na isiping inaalagaan at pinapakain siya ay sobrang saya ko na, ngunit hindi pa 'din mawala ang pagka-kumportable ko kapag wala siya sa tabi ko.
"Look mom oh! Daddy surprise you! sabi niya it's a secret lang daw. Maganda Mommy diba?"
Napahinto ako.
Da-daddy?
Tinignan ko ang buong kitchen, ngayon ko lang napansin mga nakahaing pagkain at---
"Liam bakit---"
"Na uh!"
Lumapit siya sa cake at binuhat ito. "Ibaba mo Liam!" sambit ko nang buhatin niya ito.
"What? it's awesome right?" at umakto na hinahalik ang mini human stand ko na naka-lagay sa ibabaw ng cake.
Oo, ako yung nakalagay doon at ang cake ay sobrang laki dahil apat na layer ito!
Kahit ganito na ayaw ko ng nangyayari kahit papaano ay may parte sa akin ang may saya sa puso ko. Para bang nagi-slowmotion ang paligid ko habang pinapanood ang anak ko at si Liam na nagtatawanan. Ibinaba ni Liam ang cake at lumapit ito sa amin.
Then a few seconds, I don't realize I'm staring him for a seconds. I can't rid my eyes on how he looks, how he smiles right now and how bright he is. He seems like a genuine CEO boss with a happy and contented life with a child and a wife.
"You okay?" tanong niya.
Tumango ako at namumula ang pisnging umiwas sa mga titig niya.
"You like my surprise?"
"Oo, I love it." direktang sabi ko tsaka naluluhang tinitigan ang anak ko. I love her.
Ibababa ko na sana si Ganna dahil gusto nitong maglaro sa mga lobong nakakalat sa sahig nang biglang may kumatok sa pinto.
"Oh wait!" tarantang pumunta si Liam sa sala para buksan ang pinto.
"Mom can I have a cake?" at bumaba ito sa akin.
Sinabihan ko siyang mamaya na at hintayin ang Da-daddy niya. Napalunok ako, thinking the word 'DADDY' ay hindi ko alam kung sasaya ako o hindi ko alam dahil ewan ko ba. Dahil kahit ayaw ko mang tanggapin ay siya at siya pa ;din ang tatay ng anak ko ngunit hindi ko talaga tanggap ang isiping siya ang tatay, si-ya ang naka b-buntis sa akin.
Ginaya ko ang anak ko para sundan si Liam, hawak ko lang ang kamay ng anak ko nang maalala ko ang plano ko. Planning to escape with my daughter. Sumibol bigla ang intensiyon kong pagtakas.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang anak ko ng mahigpit sa nakikitang pinto na naka-bukas. Wala si Liam at hindi ko alam kung ano ang ginawa niya, basta may kumatok lang kanina at pinuntahan niya kung sino man iyon. Hindi kaya nasa labas siya?
B-bahala na.
Lumunok ako at abanteng tinahak ang pinto---
"Gianne." napahinto ako at pinukawan ng tingin si Liam na pababa ng hagdan. "Where are you going?" seryoso niyang tanong habang magkasalubong ang mga kilay niya.
"Nakita k-ko kasing may t-tao---"
"Sir kulang po ang isang truck para sa gamit." singit ng lalaking kapapasok lang.
"Then call for a back up." simpleng sagot nito at nilingkis ang kamay sa bewang ko nang makababa siya.
"I'll leave it this one to you. Make sure you clean it all."
Nagpatianod lang kami ng anak ko sa paghatak niya at dinala kami sa sasakyan, nasa frontseat ako at si Ganna ay dinala sa backseat bago ko sabihing ilagay niya ang seatbelt kay Ganna ay inunahan niya ako, I'm relieved. Saka siya umikot at siya ang driver.
Gusto kong tanungin kung sino iyong mga lalaki kanina. Nakita ko ding may truck na naglalaman ng furnitures.
"We're no longer living here."
Napalingon ako sa kaniya, "W-what do you mean?" nalilitong tinitigan ko siya.
"You'll find out later."
Hindi na kami titira dito pero hindi pa din magbabago ang bagay na makakasama pa din namin siya ng anak ko.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagda-drive niya.
Kita ko ang pag gapang ng kamay niya sa kamay ko, "Nagda-drive ka." sabi ko pero mahina lang siyang tumawa.
"We'll having a dinner...with mom."
Marahas na binalingan ko siya "ANO?" mahina at gulat na anas ko.
"It's not a simple dinner." hinila niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad. "She's happy to see you again."
Bigla akong nakaramdam ng kaba, hinawakan ko ang dibdib ko at dama ko ang mabilis na kabog nito. Hindi pwede 'to.
Napakislot ako ng hawakan niya ang kamay kong muli.
"Are you really okay?" nag-aalalang tanong niya habang palipat lipat ang tingin niya sa daan at sa akin, tumango ako. "Are you nervous?"
"Medyo."
"I'm here." at hinimas niya ang kamay ko.
SInuklian ko ang ngiti niya at tinagilid ang ulo sa labas ng bintana. Ba-bakit? hindi pwede ito. Makikita ko siya, makikita ko ang pagmu-mukha ng taong 'yon.
Biglang nandilim ang mga mata ko at napa-kuyom ang kamao.
Paano ko siya haharapin?
I take a deep breath at rinig iyon ni Liam.
"Hey." tawag niya.
"I'm okay, nine-nerbyos lang ako." marahan ko siyang nginitian.
Pinapanood ko sa rearview mirror ang anak kong mahimbing na natutulog magi-isang oras na ang byahe namin. Kung saan man kami dadalhin ni Liam ay nasisiguro kong malaking gulo ito. Kung sakali mang hindi maganda ang mangyayari ay sisiguraduhin kong nasa akin pa din ang anak ko. KAHIT ANONG MANGYARI. Hindi ko na ulit hahayaang mawala siya sa paningin ko.
"Malapit na tayo." masiglang anunsiyo niya.
Then the nervous I felt earlier rapidly cover my body which makes me slightly shaking. Nanghihina ang tuhod ko and the reason I felt this triggers my hand to form it into fist.
I'm not ready to face anyone in this kind of situation, I never wanted to see anyone who's I am avoiding for the rest of my life. Dahil dito, namumuo ang init at baga sa pagkatao ko.
Especially that person.
Paano ko haharapin ang taong isa sa sumira sa buhay ko.
Paano ko haharapin ang taong pumatay sa kakambal ko.
BINABASA MO ANG
Seduced by Redemption
Romance(R-18) "When everything is settled and normal, when I am finally happy, when I want my formerly chaotic world to be quiet and when I can find peace in my life and bury the pain of the past he caused...he came back "- Gianne Song WARNING: Typo's an...