Chapter 34
Naramdaman ko ang pag-bigat ng aking tiyan dahilan upang mapa-daing ako ng mahina, tulog na tulog pa ang kaluluwa ko ngunit pinilit kong imulat ang aking mga mata.
Sa pagmulat ko ay bumungad ang mukha ng mala-anghel sa paningin ko. Napaka-hinahon at napaka-aliwalas niyang tignan. Napaka-bait kung pagmamasdan.
Sa kabila ng mala-anghel nitong mukha ay ang naka-kubling demonyo sa likod ng kaniyang pagkatao.
Bumuntong hininga ako, ang araw na ito ay matatapos na at nagagalak ako. Ngunit hindi ko maipinta ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa dibdib ko. Masaya ako dahil sa wakas ay palalayain niya na kami ng anak ko ngunit hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na ayaw ng katawan ko.
Jusko, Gianne!
Mariin akong pumikit at muling iminulat ang mata. Sa pangalang beses ay bumuntong hininga ako at pinakatitigan ang lalaking ilang linggong ikinulong ako.
Iyon dapat ang isisiksik ko sa aking isipan, sobrang sama niyang tao.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ilang minuto ako sa posisyon na pinagmamasdan siya ng makita ko ang aking kamay na hinahaplos ang buong mukha niya.
Magmula sa kaniyang panga na tuwing hindi ko magawang maipinta ang ugali niya ay nag-iigting ito, nakakatakot.
At sa kaniyang mga pisngi at mula sa labi na isang ngisi lang nito ay iisipin mong hindi mo magugustuhan ang sasabihin niya dahil may buwelta ito pabalik.
Sa kaniyang matangos na ilong, almost perfect. Sa kaniyang mga mata at sa ilalim nito ay ang maitim na pumapalibot.
He look stress, but at the same time he still look handsome.
Those eyes, those intimidating eyes. Those eyes that makes me control just in a seconds.
Mabilis na binawi ko ang aking kamay ng gumalaw siya at napagtanto ko ang ginawa kong paghaplos sa kaniya.
Sa pagkakatong ito ay mabilis ako bumangon at muli siyang tinitigan, nag-iingat sa gagawin kong pag-galaw dahil baka tuluyan siyang magising.
Sa totoo lang ay sobrang ganda niyang pag-masdan kapag tulog. I can freely explore him and his whole body that I can't even tend to do it even when he's awake and when he's around me.
Dahan dahan ang ginawa kong paghakbang. bago ako makalabas ng pinto ay napalingon ako sa side table na katabi niya kung na saan siya banda.
Nandoon ang cellphone ko. Muling sumibol ang kakaibbang galak sa puso ko.
Kinuha ko ito at nakitang kong full charge na ito. Nakakapag-taka dahil sa pagkakaalam ko ay wala ito doon kagabi. Pero bahala na, nandito na at chance ko na ito.
Bumungad ang oras sa akin at napaka-aga pa, maga-alas sais pa lamang ng umaga.
Pipihitin ko na ang pinto ngunit ayaw nitong magbukas.
"Shit!" bulong ko, nakakainis, ni-lock niya ang pinto.
Sinuri ko ang kabuoan ng kwarto, wala akong makitang bagay na ikabubukas ng pesteng pinto na 'to ngunit nabuhayan ang loob ko at nakita ang balcony.
Salamat sa kurtina at humawi ito at dahil doon ay mas nabuhayan ako.
Tinungo ko ito at in-slide ang glass door. Laking pasasalamat ko dahil hindi ito naka-lock!
Hindi na ako makapag-hintay na magising siya at gusto ko ng umalis sa puder niya, kami ng anak ko.
Binuksan ko muli ang phone ko at pasulyap-sulyap sa loob, natatakot na baka magising siya bigla.
BINABASA MO ANG
Seduced by Redemption
Romance(R-18) "When everything is settled and normal, when I am finally happy, when I want my formerly chaotic world to be quiet and when I can find peace in my life and bury the pain of the past he caused...he came back "- Gianne Song WARNING: Typo's an...