ESCAPE 17

2.1K 70 2
                                    

Chapter 17

"AAARGH!"

Automatikong napadilat ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na ungol na iyon. Bumangon ako dahil iba ang kutob ko. Nilibot ko ang kwarto at hindi namalayan na dito ako nakatulog sa vintage room. Dahil nilibot namin kahapon itong bahay niya at napag isipan kong dito na muna ako.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Paglabas ay nahagip ng mga mata ko ang lalaking nasa gitna ng hallway, hawak ang ulo.

"L-liam!" Kumaripas ako sa kaniya.

"Liam! A-anong---" hinawakan ko ang braso niya para tulungang tumayo.

"SHIT!" Mura ko, hindi ko kaya.

Napa-kagat ako sa ibabang labi nang makitang nasasaktan siya.

"PLEASE! WHAT HAPPENED? ANONG GAGAWIN KO?" I shout at him and caressing his head gently.

Pero hindi pa 'din tumitigil ang pagtigagal niya. Pumorma ang mga panga niya at namumutla ang kamao. Ilang segundo ay nagulat ako at napa-atras sa ginagawa niya.

"S-stop liam." Naluluhang sambit ko. "Stop."

Lumapit ako at pinigilan ang mga kamao niyang tumatama sa ulo niya. Wala akong maisip na ibang paraan, sinasabi ng katawan ko na lapitan siya at pigilan siya. Ayaw ng mga mata ko ang nakikita nito, masakit. Nasasaktan ang puso ko sa bawat pananakit na binabahid nito sa kaniyang sarili.

Pilit na iniinda ang mga kamao niya na dumadampi sa akin. Yinapos ko siya ng mahigpit at may lambing. Nasa dibdib ko ang mukha niya at pareho kaming naka salampak na sa sahig.

"Does it still hurt?" Ang tanga ko, kahit alam kong Oo.

Ngunit gusto kong malaman sa bawat segundo ang nararamdaman niya.

Ipinulupot ko ang mga braso ko sa ulo niya at pinatong ko ang ulo ko sa ulo niya para proteksiyonan. Natamaan niya ang noo ko pero ipinag sawalang bahala ko ito. Sobrang delikado ng ginagawa niya.

"Liam stop, PLEASE."

Unti unting humihina ang pag suntok ng kamao niya hanggang sa manghina ang mga ito. Kalaunan ay pumatak ang isang luha sa aking kaliwang mata.

"Masakit pa 'rin ba?" Tanong ko pero wala itong imik.

Dahan dahang humiwalay ako at nakita kong basang basa ang mukha niya dahil sa pag iyak.

Maingat kong hinawakan ang pisngi niya at pinaharap sa akin. Nanlumo ako sa itsura niya, ito na naman yung pakiramdam ng puso ko na para bang pinupunit. Hinuhuli ko ang tingin niya hanggang sa magtama ang mga titig namin.

"Tell me, what's wrong?" Dahil sobrang nag aalala ako. Mukha siyang miserable at parang ba-baliw...kanina.

Huminga siya ng sobrang lalim.

"It hurts here," turo niya sa templo niya "and here," turo naman niya sa tuktok ng ulo niya, "and in here." turo niya sa kaliwang dibdib niya.

At walang pagdadalawang isip ay yinapos ko ulit siya. Baka sakaling gumaan ang nararamdaman niya. I kissed his head.

"Tara na, magpahinga ka muna. I'll take you to your room." Sabi ko.

"Vintage room."

"What?"

"Take me there, please."

"O-okay." Sagot ko.

Itinayo ko siya at buong pwersa niya ay itinayo niya din ang sarili niya, dahil hindi ko kaya dahil sa paa kong may injured pa.

Seduced by RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon