Kabanata I

58.4K 449 5
                                    

 Hey, guys. This is heartruiner a.k.a Anya Rayne. This account belongs to deathrider as we all know pero dahil nagkaproblema 'yong isang account ko (for some reason pinapa-turndown ni Watty 'yung account. XD) so medyo nag-uusap pa po kami ni deathrider. Since hindi naman po niya ginagamit ang account na ito, mas minabuti niyang ipaampon na lang sa'kin. LOL. I'll be changing the username (with his permission of course). Regarding po sa novel niya o kung may gusto pa siyang ipublish in the near future, he will still use this naman kung gusto niya po. Pagdating sa He and She Collides, nag-uusap pa po kami. In the past, naging co-writer niya ako sa novel na ito. If there'll be time, pag-uusapan namin 'yong arrangement of whether itutuloy naming dalawa o ako or hindi na. But then of course suggestions are highly welcome.

Again, Beauty and Madness is written by me. I hope y'all enjoy it! :)

KABANATA I

 

“HE’S VERY… intense—for a lack of a better term. Isn’t he, Miss?”

That was a certified Grade A bedroom voice, Britanni Knight thought to herself, habang ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang makakita ng maayos sa suot niyang salamin na may pagkataas na grado. Only if I could just… see him properly.

Nangangati na ang kanyang kamay at gustong-gusto na niyang tanggalin ang suot na salamin. Ngunit sa bawat pagkakataon ay eentra sa kanyang isipan ang tinig ng kapatid niya. ‘Adaptation is most crucial to the alliance, Britanni. If you can’t adapt then you are not worthy of that position.’

Well yeah, as if you are worthy of that, brother.

Pinalis niya ang nagsisimulang inis sa isipan at binalingan ang katabing lalaki. Naaaninag niya ang palakaibigang ngiti nito ngunit hindi niya makitang mabuti ang facial features ng kaharap. It would have been good to see his face, to confirm that suspicion she had when he talked to her.

Although… what on earth was he talking about again?

“Mr. Kaizer Kaede,” a loud booming voice called from the front. “Mind sharing to the whole class what you’re sharing with Miss Knight?”

Ang kaninang tahimik na klase ay mas lalo pang tumahimik nang magsalita ang propesor. Maski ang mga puno ay nahiya na rin yatang gumawa ng ingay sa takot na masaway din ng lalaki. Narinig niya ang malinaw na paglunok ng katabi niya. Hindi na siya nagtaka kung bakit.

Professor Anthony Cane isn’t like any other graying professors in the University. Hindi niya makita ng malinaw ang bawat katangian ng kanyang guro ngunit alam niya at naaaninag niya ang malinaw nitong pagkamatipuno. She could practically hear every woman in the class squirming in their chair just hearing his voice. He was sin incarnate. Boses pa lamang at hubog ng katawan na nakapaloob sa boring na black suit na iyon ang naaaninag niya. It made her curious, to be honest. Pero ano’ng magagawa niya?

She just couldn’t take this stupid eyeglass off her face.

“I’m sorry, professor. Itinatanong ko lang kay Miss Knight kung ano’ng opinyon niya sa lecture ninyo. Hindi na mauulit.”

The guy’s apology fell into deaf ears. Hindi siya sinagot ni pinansin ng propesor at sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa pagtuturo. Ni hindi nga siya binigyan nito ng ilang segundong atensyon. At hindi niya alam kung maiinsulto ba siya roon o pupurihin ang kanyang sarili sa galing niyang i-downgrade ang mukha niya.

Wearing a simple nerdy eyeglasses wouldn’t help her cause. Kung kaya naman ang orihinal na mahaba’t malambot niyang buhok ay hindi niya pinagkakaabalahang suklayin sa tuwing katatapos niya lamang maligo sa umaga at ang ending ay nagiging buhol-buhol ito kapag pumapasok siya sa unibersidad. Ang orihinal niyang sopistikadang fashion sense ay nauuwi sa pagkahabang palda na maski ang nanay ni Betty La Fea ay mahihiyang suotin at isang blouse na nanggaling pa yata sa kanunu-nunuan ni Maria Clara sa sobrang luma.

Beauty And Madness by ANYA RAYNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon