Hindi na mapakali sa kinauupuan n’ya si Win dahil excited na s’ya mamaya sa date nila ni Bright. Wala na rin siyang pake sa tinuturo ng prof nila sa unahan dahil gusto niya nang umalis at takbuhin kung nasaan ‘man ang binata ngayon. Ilang araw din kasi silang hindi nagkita at pinagkasya na lang ang kanilang mga sarili sa pag-uusap tuwing gabi.
“Hoy, Metawin! Anong klaseng ngiti yan ha?” nabigla na lang s’ya nang untagin ni Gulf ang diwa n’ya.
“Bakit, bawal na bang ngumiti nang walang dahilan?”
“Wag nga ako, baklang ‘to!” sigaw sa kanya ni Gulf bago s’ya irapan.
“May date kasi ako mamaya.” saad n’ya bago umagikgik ng tahimik.
“Napakalandi naman po ng batang ‘to.” singit ni Gun habang nagkikinig sa unahan, kunwari.
“Alam mo panggap ka talaga Baril. Patango-tango ka pa dyan akala mo talaga nakikinig.” wala talagang kasing tabas ang dila ni Gulf minsan.
“Metawin, umuwi ka agad pagkatapos mo makipagdate ah! Label muna bago ungol dyan!” paalala sa kanya ni Gulf bago tuluyang matapos ang kanilang huling klase.
Dali-dali n’yang pinulot ang lahat ng gamit n’ya bago kumaripas ng takbo papunta sa classroom ni Bright.