namama

1 0 0
                                    

Parang asong nakabuntot si Bright sa likuran ni Nnevvy habang naglalakad sila patungo sa kung saan mang lupalop. Hindi na s’ya tumutol kung anong gustong gawin o puntahan ng dalaga sa oras na yun.

Pagod na s’ya kakaisip.

Pagod na s’ya maghintay.

Pagod na s’ya tumunga-nga sa gilid lalo na ngayon, na may putang-inang umaaligid kay Win. Wala siyang karapatan magalit, alam n’ya yun pero wala talaga siyang tiwala sa Luke na yun. 

Hindi na namalayan ni Bright kung nasaan na sila ngayon kaya laking gulat niya na nasa labas na pala sila ng City Skyline. 

Please, Win, please don’t be here. I badly miss you but I don’t want to see you right now, not with Nnevvy around. 

“Nnevvy, may alam akong restaurant sa malapit lang. I think you’ll like it there, better.” pinagpapawisan na siya. Hindi na alam ni Bright ang gagawin para lang hatakin paalis dun ang dalaga. 

Ngumiti muna si Nnevvy bago umiling.

“Masarap daw ang pagkain dito sabi sa ‘kin ni Eye. Dapat nga dito kami kakain kung hindi lang malayo yung pinuntahan namin kanina eh.” tuluyan na siyang hinatak nito papasok at ganun na lang ang panlulumo niya ng makita si Win kasama ang mga kaibigan nito.

Hindi na mapakali ang binata sa sobrang pag-aalala. Luminga-nga siya at nagbabakasakali na sana wala na silang pawestuhan. Ganun na lang ang sayang naramdaman n’ya ng makitang puno na ang loob. Ni hindi niya napansin na kanina pa sila tinitingnan nila Win mula sa pwesto nito sa bandang likod.

“Don’t you think it’s too crowded here?” sinubukan niyang tatagan ang boses. Ayaw niyang ipahalata na atat na atat na siyang umalis dun. 

Ayaw niyang mapansin yun ng dalaga.

“It is. Kaya nga nagpareserve na ko kanina while waiting for you.”

Putang ina.

Nangangatog na ang tuhod ni Bright. Hindi siya mahina, alam n’ya yun. 

Pero ibang usapan si Win. Siya lang naman ang may epekto nun sa kanya. 

Isa lang naman ang hiling niya ngayon, sana hindi mapansin ni Nnevvy si Win dahil hindi niya alam kung mapipigilan niya pa ang sarili kung may mangyayari ditong masama.

Hindi niya kaya.

At wala na siyang pakialam kahit magkandaleche-leche na yung plano nila.

Napansin naman ni Nnevvy na parang aligaga ang binata kaya tinanong niya ito. 

“May problema ba Bright?” napa tiim-bagang na lang si Bright, halatang nagpipigil pero pinilit niyang ngumiti sa harapan ng dalaga.

“Wala, wala namang problema..” kung wala ka rin sana sa eksena.

Gusto niyang idugtong pero hindi niya ginawa, sa ngayon.

Naputol ang pag-iisip niya ng hatakin siya ni Nnevvy papunta sa kanilang uupuan. Hindi na malaman ni Bright kung may ilalala pa ang kamalasan niya ngayong gabi.

Hind rin siya nakakasigurado kung nagkataon lang ba ang lahat o may kinalaman ang dalaga sa lahat ng ‘to. Pano ba naman, kaharap ng upuan nila ang pwesto nila Win.

‘PUTANG INA NNEVVY, ANO PA BANG GUSTO MO?’ gustong-gustong niyang isigaw yun sa harapan ng dalaga pero pinigilan niya. 

Kung pwede lang. 

BWWhere stories live. Discover now