Minamadali ni Bright ang pagkain niya dahil kung mas mabilis siyang matatapos ay mas maganda.
Mas mabilis niyang mailalayo si Nnevvy kay Win. Wala siyang ka-ideya-ideya kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalaga. Pero isa lang ang sigurado niya.
Kung anuman yun, alam niyang hindi yun maganda.
“Babe, bat ka nagmamadali?” untag sa kanya ng dalaga.
“I’m just tired and sleepy.” pilit niyang pinagmukhang inaantok kahit sa totoo lang ay gising na gising ang diba niya. Nagbabantay sa bawat kilos ni Nnevvy.
“Oh, nandito rin pala sila Off.” sabi nito bago kumaway sa direksyon ng kaibigan niya.
Nakita naman niya kung pano ngumiti ng pilit si Off bago niya nakita ang pagtango ni Mew.
“Bright, do you know them?” tanong ni Nnevvy bago niya ibaling ang tingin sa direksyon na tinuturo ng mata nito.
Alam niyang sila Win ang tinutukoy nito kaya nagpanggap siya na parang walang pake. Na hindi niya masyadong kilala ang mga ito para hindi makahalata ang dalaga.
“Why?” nagkibit balikat si Bright habang patuloy na ngumunguya.
Sa halip na sagutin siya ni Nnevvy, nakita niya kung pano nito laruin sa kanyang malilikot na daliri ang kutsilyong nasa ibabaw ng mesa.
PUTA...
Dali-dali niyang hinawakan ang kamay nito at hinagod ng paulit-ulit. Sinusubukan niyang pakalmahin yun tsaka siya ngumiti.
“Saan mo gustong pumunta bukas? We have a whole day for ourselves.” napangiti naman ng pagkatamis-tamis ang dalaga sa narinig.
Nakahinga ng maluwag si Bright. Ayaw niyang madamay Win, kaya gagawin niya ang lahat para kahit pa pagtiisan niyang kasama si Nnevvy ng matagal.
Matatapos din ‘to, malapit na.