Habol ang kanyang paghinga dahil sa bilis ng takbo, huminto sa tapat ng classroom nila Bright si Win habang nag-ayos ng kanyang sarili.
‘Kailangan cute ako kapag nakita ako ni Bright hihi’ lihim na natawa sa kanyang sarili si Win dahil sa nasa isip n’ya.
Tama nga si Gun, napakalanding bata.
Hindi magkamayaw ang binata kakatingin kung anong oras na. Ilang minuto na lang kasi ay matatapos na ang klase nila Bright. Paulit-ulit niyang binabanggit sa kanyang isipan ang mga bagay na nais niyang linawin sa pagitan nila ni Bright.
Kagabi niya pa kasi pinag-iisipang mabuti kung pano tatanungin si Bright kung pwede na ba maging sila.
Oo, siya na ang magkukusa sa kanilang dalawa dahil kung aantayin n’ya pa si Bright baka abutin sila ng siyam-siyam bago nya ito maging jowa.
Sabi nga ni Gulf…
‘Hindi uso ang gender role sa pag-initiate ng usapang label’
Kinakabahan ‘man, kakapalan n’ya na ang mukha mamaya kapag nag-usap sila. Ayaw n’ya na kasing patagalin pa ang dating stage nila ni Bright lalo pa’t dun naman ang punta ng relasyon nila ngayon, di’ba?
