hhjj

2 0 0
                                    

Napangiti na lang si Win habang binabasa ang mga tweets ng kaibigan n’ya. Napailing na lang din s’ya habang inaalala ang banta ni Gulf kay Bright.

‘Hindi naman kailangan yun eh. Kilala n’ya si Bright at alam niyang hindi ganung klase ng tao ang binata.’

Makalipas ang ilang segundo, nakita niyang bumukas na ang pintuan banda sa unahan n’ya. Unti-unting nagsilabasan ang mga estudyante sa loob hanggang sa lumitaw na sa harapan n’ya ang mga kaibigan ni Bright pero ang pinagtataka n’ya ay kung bakit si Off at Mew lang ang magkasama.

Nasaan si Bright?

“Oy, Win! Ikaw pala yan. Kasama mo ba si Gun?” tanong ni Off habang tumango lang sa kanya si Mew.

“Off, hindi eh. Nauna na sila umuwi ni Kana.” nakita n’ya kung pano nadismaya si Off saglit pero napalitan agad ng ngisi pagbaling nito ng tingin kay Mew.

“Pre, Kana daw oh! Di’ba miss mo na?!” sigaw ni Off kay Mew pero binatukan lang s’ya ng binata habang namumula.

“Tangina mo talaga Off, kahit kailan.” natawa ng bahagya si Win sa inasta ng dalawang kaibigan ni Bright.

“Off, Mew, nasan pala si Bright? Bat hindi pa lumalabas ng classroom n’yo?” Tanong ni Win sa dalawa.

“Ha? Akala nga namin magkasama kayo ngayon kasi absent sya eh.” 

“Umaabsent lang naman yun kung importante talaga yung lakad n’ya.” dagdag ni Mew sa sinabi ni Off.

“Pero kausap ko sya kaninang umaga. Ang sabi n’ya maaga daw siyang papasok ngayon dahil nga may quiz kayo sa major.” hindi talaga maintindihan ni Win kung bakit s’ya kinabahan dahil sa sinabi ni Off.

“Ayun pa nga, hindi rin sumasagot sa text namin kanina pa.” nakita niya kung pano tumango si Mew sa pahayag ni Off.

“Ganun ba? Sige, try ko ring i-text at tawagan si Bright. Salamat ah, una na ko.” lumakad na s’ya papalayo dala-dala ang isiping kung na saan nga ba Bright.

At kung ano yung importanteng bagay na pinuntuhan n’ya ngayong araw para lumiban ito sa klase.

BWWhere stories live. Discover now