Nag-uunahan tumulo ang luha sa mga mata niya nang malaman ang balita. Sobrang bigat sa pakiramdam na wala ‘man lang siya pwedeng gawin. Ang hirap maging masaya para sa taong mahal mo kung ikaw naman yung nasasaktan.
Kasi yun naman dapat talaga, diba?
Dapat maging masaya siya dahil yun naman yung ganap niya sa buhay ni Nnevvy, kaibigan.
Kaibigan lang.