Dali-daling kinuha ni Bright ang susi ng kanyang sasakyan pagkabasang-pagkabasa niya sa huling text na pinadala ni Win.
Hintayin mo ko, Bunny. Papunta na ko dyan.
Yan ang pauli-ulit na salitang umiikot sa isipan ni Bright. Hindi yun maalis sa kanya lalo pa’t alam niyang hindi pa huli ang lahat, na konti na lang at babalik na rin sa ayos ang lahat.
Si Nnevvy na lang sana ang problema kung hindi lang dumagdag sa listahan si Eye.
Palabas na sana siya ng pintuan kung hindi niya lang narinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Alam niya na yung mga ganitong eksena kaya bumuntong-hininga muna siya bago tingnan kung ano ‘man ang nakalagay dun.
Napamura siya ng makitang si Nnevvy ang nagtext.
Kahit kailan talaga.
Napahilamos siya ng mukha ng mapagtanto niyang lalabas nga pala sila ngayong araw. Lagi na lamang itong umeeksena sa tuwing magkikita sila dapat ni Win.
Pero hindi na katulad ng nauna, sasabihan niya na si Win ngayon. Ayaw niya ng bumalik sa dati, tapos na siyang maghintay at magpabalik-balik sa lahat ng bagay na kinakatakutan niya.
Lalo pa’t nakauwi na ang magulang ni Nnevvy. Makakawala na rin siya sa dalaga.
Matatapos na rin, sa wakas.