Hindi na magkandaugaga si Eye kakaisip kung bakit hindi sumasagot sa text at tawag niya si Nnevvy. Siya dapat ang unang makakaalam kung may problema ba ang dalaga pero hindi sa pagkakataong iyon.
Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa kaibigan niya kaya abot langit ang kabang nararamdaman. Hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya alam kung nasaan ba ito o kung ayos lang ba ito.
Gusto ‘man niyang tawagan at tanungin si Bright tungkol dito ay hindi niya magawa. Dahil sa oras ding yun, malamang ay alam na rin nito ang lahat.
Malaki ang galit niya kay Bright.
Inggit na inggit siya dito.
Ito lang naman kasi ang umagaw ng atensyon ng taong mahal na mahal niya. Na kahit kailangan ay hindi siya mamahalin pabalik, mamahalin katulad ng pagmamahal niya dito.
Kasi nga, kaibigan siya.
Hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya nito.