Wala siyang maramdaman ng mga oras na yun. Pakiramdam niya’y namanhid na ang kanyang buong katawan at bigla siyang nanlamig. Hindi naman ganun kalamig ang lugar pero yun yung nararamdaman niya.
Bat dito pa?
Bakit ngayon pa?
Kung kailan unti-unti niya ng nakalimutan yung mga nangyari. Hindi pa siguro oras para makalimutan niya si Bright. Dahil kung oo, sana hindi na siya nasasaktan ng ganito habang nakatingin sa binata at sa girlfriend nito.
Kung maganda na si Nnevvy sa picture, mas maganda naman pala ‘to sa malapitan. Kaya naman pala.
Alam niyang hindi dapat siya ma-insecure dito pero hindi naman maiiwasan yun, lalo na, ito yung pinili. Ilang beses niya na rin tinanong yung sarili kung ano bang kulang?
Bakit kasi hindi siya?
Si Bright lang ang makakasagot nun pero pinili na lang niya na ‘wag alamin. Kahit ano naman kasing dahilan, alam niyang masakit at masasaktan lang din siya.
Nangyari na, tapos na.
Tahimik siyang kumain hanggang sa naramdaman niyang may kamay na humagod sa likod niya. Si Luke pala.
“You okay?” tanong sa kanya ng binata.
Tanong na paulit-ulit niyang naririnig at paulit-ulit rin niyang sinasagot, taliwas sa tunay niyang nararamdaman.
“Oo naman, bakit naman hindi?” tipid siyang ngumiti bago tapikin ng marahan ang balikat nito na para bang sinisigurado niya na ayos lang siya.
Na kahit yung totoo, hindi talaga.
Narinig niyang tinawag siya ni Gulf bago ito muling nagsalita.
“Anong ginagawa niyan dito ha? Nakakaimbyerna ah!” nakita niya kung pano umikot ang mga mata nito bago balingan ng tingin sina Off at Mew na malapit lang din sa pwesto namin.
“Jusko, anong ginagawa nila Jumpol dito?”
“Ito naman si Kana, high blood lagi eh. Tingnan mo tuloy nagkalat yang kinakain mo.” sabi ni Joss bago punasan ang labi ni Gulf. Pulang-pula naman si Gulf.
“Lakas naman po ng isa dyan! Namula pa talaga yung isa dyan oh!” asar ni Gun mula sa nakita.
“Tumahik ka dyan baril!” ganti ni Gulf habang pinanglalakihan ng mata si Gun. Tinawanan lang naman nito si Gulf bago kumain ulit.
Nawala sa isip ni Win na nasasaktan pala siya ng mga sandaling yun at napangiti na lang sa inasta ng mga kaibigan niya.